24 Oras: (Part 2) LPA na nasa loob ng PAR, mas lumapit sa lupa, mataas ang tsansang maging bagyo; mga nasa likod at nagpakalat ng video ni Alyas "Rene", inireklamo ni Sen. Hontiveros sa NBI; mga nangongontratang taxi at habal-habal sa iba-ibang airport sa bansa, pinaghuhuli, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Bukod sa Naia, pinaguhuli rin ang mga color room at nangongontratang taxi sa mga paliparan sa ibang rehyon.
00:09Damay din, pati mga habal-habal na may parehong umanong stilo.
00:13Nakatutok si Marisol Abdurrahman.
00:19Galing palawan si Paul at ilang minuto nang nag-aabang ng masasakyang bus
00:23ng machempoha namin sa Naia Terminal 3 kanina.
00:26Kasi yung past experience namin dito nung isang araw, hanggang EDSA lang kami, isang libu yung siningil.
00:34Taxi yun?
00:35Oo.
00:36Matsyagari nag-aabang ang iba pang pasahero.
00:39Medyo mahal po yung taxi na napagtanungan namin dito hanggang P-TX-1 to 50.
00:46Yung bus na lang.
00:48Bakit po?
00:48Sa budget pa.
00:50Masyado mahal.
00:51Pero ang ilan, minsan ay napipilitang sumakay sa mga taxi na nungungontrata.
00:56Kasi kung wala man masasakyan, di paya ka na lang doon.
01:01Wala na iba.
01:02Ibang choice.
01:03Ayon mismo sa director ng PNP Aviation Security Group, talamak na ang mga taxi na nungontrata sa halip na magmetro.
01:10Kailangan natin ng whole of the nation approach, tulong-tulong, collaboration with them,
01:16para kahit papaano, maibsa natin itong pamimiktiman.
01:22Kaya ang ABSI Group, naglunsan ng nationwide operation laban sa mga nungungontratang taxi.
01:28Itong nakikita ninyo dito sa aking likuran ng mga hilera ng taxi ay inanlamang sa mga nanghuli ng PNP-ABSI Group at LTO sa kanilang operasyon nationwide.
01:37Laban pa rin dito sa mga taxi driver na nungungontrata.
01:41Pinakamaraming nahuli dito sa Metro Manila.
01:45Umabot na ito sa 28 kabilang ang labing isang nahuli noong June 25.
01:50Limang taxi drivers ang nahuli sa Central Visayas at isa sa Double Region.
01:54Nasa labing isa naman ang mga nanghuling habal-habal.
01:57Dahit kolorom na nga, nungungontrata pa.
01:59From T1 to T3, yung singil niya is P350 na kung tutusin, wala pa yatang isandaan yun.
02:09Kawawa naman yung mga pasahiro natin.
02:12Kanina, itinun-over sa LTO ang mga taxi at notong siklo na nahuli sa operasyon.
02:17Merong sindikato talaga dito ng papanak po.
02:21We will look into that po ma'am.
02:25We will submit reports as soon as obtained po kung may talagang mga tao behind this syndicate.
02:33Hinihikayat ng ABSI Group ang publiko.
02:35Nereklamo sa kanila ang labis-labis na paniningil ng mga driver.
02:39As long as mabidyohan po nila, mapikturan po yung driver, makuha yung other informations,
02:47pwede po nilang ipatawag yan for a show cause.
02:51Ipinagutos din ang Transportation Department ang paglalagay ng manalaking karatula sa Neiya
02:56para madali ma-access ng mga pasahiro ang Libring Interterminal Shuttle.
03:01Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman.
03:06Nakatuto, 24 oras.
03:07Dahil sa sunod-sunod na mga pagulan, ilang pagguho ang naitala sa ilang probinsya sa Luzon at Mindanao.
03:15Kaya pinag-iingat ang mga residente at motorista.
03:19Nakatutok si Joseph Moro.
03:20Nagpagsakan ang malalaking tipak ng bato at lupa sa bahagi ng kasadang ito sa bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental.
03:31Ayon sa MDRRMO, lumambot ang lupa dahil sa sunod-sunod na mga pagulan, bunsod ng habagat.
03:37Agad na nagsagawa ng clearing operations.
03:40Habagat din ang dahilan ng pagulan sa bayan ng Samal sa Bataan.
03:44At bayan ng Orion.
03:48Sa iba pang bahagi ng Luzon, localized thunderstorms ang naka-apekto gaya sa Vintar, Ilocos Norte kung saan nagka-rockslide.
03:55Walang nasugatan pero pinag-iingat pa rin ang mga motorista.
03:58May pagguho rin sa Banawe Ifogao.
04:01Sa bahagi ng Kennon Road at sa bahagi ng Katlobong sa Bugyas, Benguet, nakataas ang blue alert status sa Cordillera region at pinag-iingat ang mga residente sa banta ng pagguho ng lupa.
04:11Kaya po lagi nating pinapaalalahan at yung mga kailians natin na maging maingat sa ating mga biyahe, sa ating mga kabahayan, sa ating mga komunidad.
04:19Mag-evacuate po tayo kung pinakailangan.
04:22Bukod sa localized thunderstorms at abaga, nagpapaulan na rin sa Luzon, ang low-pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
04:31Sa Baguio City, bahagyang bumagal ang daloy ng trafikos sa lugar ngayong araw.
04:36Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
04:44Dalawang samaan ng panahon ang binabantayan sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.
04:50Maki-update tayo sa lagay ng panahon kay GMA Integrated News weather presenter, Amor La Rosa.
04:57Amor!
04:59Salamat, Vicky. Mga kapuso, kumpara po kahapon, mas lumapit sa lupa ang low-pressure area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility
05:12Huling nakita ng pag-asa ang LPA sa layang 155 kilometers silangan po yan ng Tuguegaraw City sa Cagayana.
05:18Ayon po sa pag-asa, nananatiling mataas ang chance po nito na maging bagyo sa mga susunod na oras o sa mga susunod na araw.
05:26At kapag po naging bagyo na ito, papangalanan po itong Bagyong Bising.
05:30Ang ikalawang bagyo ngayong taon, dito po yan sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
05:36Sa ngayon, dalawang senaryo po ang nakikita ng pag-asa.
05:39Sa una po dyan, posible na dumaan po muna yan dito sa May Kalayan, Cagayan.
05:43Saka po nito tatahakin ang direksyon patungo naman dito sa May Southern Japan.
05:48At yung isa pang senaryo, hindi na po yan dadaan dito sa May Kalayan, pero diretso na po niyang tutumbukin.
05:54Ito pong bahagi ng Southern Japan.
05:56So bahagya po itong liliko o magdi-recurve.
05:58At yan po, pwede pa naman po itong magbago sa mga susunod na araw.
06:02O kaya patuloy po natin niyang tututukan.
06:04Samantala, naging bagyo na yung isa pang LPA na namataan po kahapon.
06:09Sa labas naman ng Philippine Area of Responsibility.
06:12Masyado na po itong malayo dito sa PAR para magkaroon pa po ng epekto sa Pilipinas.
06:17More than 2,000 kilometers po ang layo niyan, east-northeast ng extreme northern Luzon.
06:23So ang may epekto po dito sa atin ay yung pong LPA na malapit dito sa Cagayan.
06:28At ganun din ito pong southwest monsoon pa rin o yung hanging habagat.
06:32Base sa datos ng Metro Weather, umaga po bukas, may chance na ng mga kalat-kalat na ulan.
06:37Dito po sa may Central Luzon, ganun din sa Mindoro Provinces, Palawan,
06:41pati na rin po dito sa ilang lugar sa Northern Luzon at Bicol Region.
06:45Pagsapit ng hapon, maulan na po sa mas malaking bahagi po ng Luzon.
06:49Ayun po nakikita po natin, may mga matitinding pagulan dahil po yung kulay-pula at kulay-orange,
06:55heavy to intense po ang ibig sabihin niyan.
06:57At posible po yung magdulot ng mga pagbaha o kaya naman ay landslide.
07:01Kaya doble ingat.
07:02Sa Visayas at Mindanao naman, mas mataas din po ang chance na mga pagulan sa hapon at ganun din sa gabi.
07:08May mga malalakas sa pagulan.
07:09Dito po yan sa May Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region,
07:14ilang bahagi po ng Soxargen, at pati na rin dito sa malaking bahagi po ng Visayas.
07:20Kaya naman po maging alerto rin ang mga residente.
07:23Para naman sa mga taga Metro Manila, posible rin po umulan bukas lalo na bandang tanghali
07:28at meron po ang chance na maulit po yan sa hapon at pati na rin po sa gabi.
07:33Kaya huwag pa rin kalimutang magdala ng payong.
07:36Ayun po sa pag-asa, ngayong Hulyo, dalawa o tatlong bagyo po ang posibling mabuo o pumasok dito po yan sa loob ng PAR.
07:44Pwede po itong lumapit ng bahagya dito sa ating bansa.
07:47Saka naman po ito mag-re-recurve o liliis po ng direksyon papalayo dito sa atin.
07:52Pero minsan, tumatama rin po yan sa lupa.
07:55Maaaring dito po muna sa May Northern o kaya naman po sa May Central Luzon.
07:59O di kaya naman po, pwede rin naman dito sa May Eastern Visayas muna.
08:03Saka po nito, tatawi rin naman itong bahagi po ng Southern Luzon.
08:08Pero mga kapuso, mag-landfall man o hindi ang mga bagyo,
08:11o posibli pa rin po yung humatak ng habagat na magdudulot pa rin ng maulang panahon.
08:16Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
08:19Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
08:23Maasahan anuman ang panahon.
08:26Para mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa pagtugon sa kalamidad at sakuna,
08:32naglunsad ng kampanya ang Office of Civil Defense.
08:36Ang mukha nito, o ambasador.
08:39Si Philippine Navy Reservist, Ding Dong Dantes.
08:43Nakatutok si Athena Imperial.
08:49Nasa tinaguri ang Pacific Ring of Fire ang Pilipinas.
08:52Lugar na pinagkukumpulan ng maraming aktibong vulkan.
08:56Kaya madalas tayong makaranas ng lindol, tsunami at pagputok ng mga vulkan.
09:00Di pa kasama dyan ang mga bagyo.
09:02Kaya para mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa pag-aksyon sa mga nasabing sakuna,
09:08inulunsad ng Office of the Civil Defense ang kanilang Risk Communication Advocacy Campaign,
09:13ang panatag Pilipinas.
09:16Sa dami ng vulkan sa Pilipinas.
09:18Ngayon mula online platforms, mapapanood na rin ang advocacy campaign sa sinehan at pampublikong lugar,
09:24tulad ng transport terminals.
09:25These are very important venues where we can exchange or show itong ating mga messages na ito.
09:36Ang ambasador ng campaign.
09:38Walang iba kundi si Philippine Navy Reservist Major Jose Sixto Dantes III.
09:43Mas kilala bilang si Kapuso Primetime King Ding Dong Dantes.
09:47I appreciate the fact that it is now a multimedia campaign.
09:50One of the goals is also to make it accessible, to make it of course relatable,
09:55and not intimidating.
09:57Sa programa, binigyang di ni DOST Secretary Renato Solidum ang paggamit ng science para sa pagiging hands-on sa mga kalamidad.
10:05It is with your action that makes science more powerful and practical.
10:10The greatest strength lies in knowing when and how to utilize these tools effectively.
10:17Sabi naman ng Department of National Defense, mahalagang maging muscle memory ang pagkilos sa panahon ng sakuna para maging ligtas.
10:26Our message remains clear and powerful.
10:29Alam ng Pinoy ang dapat gawin para maging ligtas sa panahon ng sakuna.
10:35This effort must not only happen during times of disaster.
10:39They must begin before disaster's site.
10:42Para sa GMA Integrated News, Athena Imperial nakatutok, 24 oras.
10:49Kinumpis ka ang ilang kariton at food cart na ayon sa MMDA ay sagabal sa isang one-side parking sa Cubao, Quezon City.
10:59Nakatutok si Oscar Oida.
11:00Samot saring hamba lang ang bumungad sa MMDA nang mag-operate sa 4th Street, Cubao, Quezon City.
11:11Mula sa mga sagabal sa bangketa hanggang sa mga iligal na nakaparada.
11:16Tila na abuso ang one-side parking sa lugar.
11:20Pati ka si karton at food cart dito na ipinarada.
11:24Alis mo ba ngayon yan? Saan mo dadalhin?
11:29Wala po. Kailangan po dati alisin.
11:32Ang sinasabi po dito, sasakyan.
11:34Four-wheel vehicles or two-wheel vehicles or mga motorcyclo po ito.
11:39Hindi po kahulugan ay pwede pong gawing paradahan ng mga kariton, paradahan po ng mga push cart.
11:45So, ano po yan eh? Instead of maging parking space po yan, nalilimitahan po yung slots na pwede paradaan ng mga kababayan po natin.
11:52Kaya kinumpis ka ito ng mga enforcer.
11:56Sa 2nd Street naman, pinagtatanggal din ang mga sagabal sa bangketa.
12:01At tinoo ang mga unattended at illegally part ng mga sasakyan.
12:07Habang sa 3rd West Street sa West Crame, sinita ang mga tindahang sinakob na ang mga bangketa.
12:14Hindi naman po natin pwede i-sacrifice ang mobility ng mga sasakyan and also yung passage po ng ating mga pedestrian.
12:19So, definitely we have to ensure cleared sidewalk, clean sidewalk at obstruction free ng mga kalsada.
12:25Nang ikuta naman ng GMA Integrated News ang Chino Roses sa Taguig Kahapon.
12:30Maluwag ang daloy ng trapiko pero may mga namataan pa rin ilang sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada.
12:38Tuloy rin ang operasyon ng isang vulcanizing shop.
12:41Ayon sa MMDA, di sila mangingiming balik-balikan ang mga pinasadahang lugar hanggat may mga sagabal sa daan.
12:50Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
12:55Nag-high ng reklamong cyber libel sa NBI si Senadora Risa Contiveros laban sa mga taong nasa likod at sa mga nagpakalat ng anyay mapanirag video ni alias Rene.
13:10Ang sagot ng ilan sa mga sinampahan ng reklamo sa pagtutok ni John Consulta.
13:16Ang dating iniharap na testigo laban niya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte at Pastor Apollo Quibuloy,
13:28binawi ang kanyang testimonya.
13:30Sinabi kasi ni Michael Maurillo sa isang video,
13:33pinilit lamang siya umano ni Sen. Risa Contiveros na tumistigo noon bagay na mariing itinanggi ng Senadora.
13:40Ngayon, inireklamo siya ni Contiveros sa NBI ng cyber libel.
13:44Kasama rin sa sinampahan ni Contiveros ng reklamo ang pagtanggol valiente social media account na nagpost ng video.
13:52Pangunahing layunin ng reklamo, alamin sino o sino-sino ang nasa likod ng pagproduce ng video,
14:01dalawang video na ni Michael Maurillo dahil hanggang ngayon wala pa rin umaamin.
14:08Sinabi natin ni Contiveros na bago lumabas ang video,
14:10humingi sa kanya ng tulong si Maurillo dahil kinidnap umano siya.
14:15Nananalangin pa rin ako para sa kanyang kaligtasan.
14:18Sana matukoy kaagad ng PNP Davao kung nasan siya at mailigtas.
14:25Pero gayumpaman, kailangan na niyang magpaliwanag at managot kung bakit siya nagsisinungaling sa mga video na ito.
14:32Pero sa isang Facebook post, muli ng salita si Maurillo at iginiit na hindi siya kinidnap ng Kingdom of Jesus Christ
14:40at hindi rin siya binayaran o pinilit na sabihin ang kanyang mga sinabi sa video.
14:46Handa rin siyang tindigan ang kanyang mga naulang sinabi
14:49at pinabubulaanan rin niya ang mga nilabas na umano'y mga patunay
14:53na siya ang naulang makipag-ugnayan sa opisina ng Senadora.
14:57Wala pong katotohanan yung mga claims ni Senador Riza sa kanyang press con.
15:02Ito lamang ay pamamaraan ni Senador Riza upang ako ay makuha ulit at patahimikin.
15:08Sinusubukan pa namin hingga ng pahayag
15:10ang nasa likod ng pagtanggol valiente social media account.
15:13In-reklamo rin ni Monteveros ang labing tatlong tao na anya'y nagpakanat ng umano'y mapanirang video ni Maurillo.
15:20Investigahan din sa pamamagitan ng reklamo ito
15:23yung mga vlogger na pinamumudmod at dinadagdagan pa
15:28ang mga kasinungalingang nakalagay sa mga video ni Michael Maurillo.
15:33Hinding-hindi ako papayag sa ganitong mga pagsisinungaling,
15:37mga mapapanganib na pagsisinungaling,
15:39lalo na ang tinarget ay hindi lang ako.
15:44Ang tinarget ay ang mga witnesses,
15:46ang tinarget pati mga staff ko,
15:49tinarget ang Senado mismo.
15:51Naglabas ng pahayag ang ilan sa mga sinampanang reklamo.
15:55Sinabi ni Natrixie Cruz Angeles at Ahmed Paggilawan
15:58na hindi raw nila pinakalat ang video ni Maurillo.
16:02Pero nagsagawa sila ng live kung saan tinalakay nila
16:04ang mga sinabi ni Maurillo
16:06at para daw patas, tinalakay din nila ang tugon ng Senadora.
16:10Baka ginaw ito ng free speech.
16:13Ayon naman kay Sas Rogando Sasot,
16:15nalaman lamang niya ang tungkol sa video ni Maurillo sa GMA News.
16:19Ganon din daw dapat sa media.
16:21Sabi ni Joey Cruz,
16:23dapat magfokus ang Senadora
16:24sa pagsagot sa mga aligasyon ni Maurillo.
16:27Isa daw siyang political observer
16:28at may karapatan sa kanyang sariling opinion.
16:31Sinusubukan pa namin makuna ng pahayag
16:33at iba pang sinampahan ng reklamo.
16:34Para sa GMA Individual News,
16:37John Konsulta,
16:38nakatutok 24 oras.
16:42Ipinaubayan ng Malacanang sa Department of Foreign Affairs
16:45ang pagsagot kaugnay ng pagban
16:47kay dating Sen. Francis Tolentino
16:50sa mainland China, Hong Kong at Macau.
16:53Usaping diplomasya kasi ito
16:55ayon kay Palace Press Officer Claire Castro
16:58kaya DFA ang bahalang sumagot
17:00kung may nalabag na diplomatic protocols.
17:02Wala rin anyang plano si Pangulong Bongbong Marcos
17:06na ipatawag ang Chinese Ambassador to the Philippines.
17:10Ayon sa Chinese Foreign Ministry,
17:12ang ban ay dahil sa inasal ng dating senador
17:15kaugnay ng mga isyong may kinalaman sa China.
17:19Kung ano man po ang maging dahilan ng China
17:24sa pagban,
17:26kaya Sen. Tolentino,
17:28kanila po itong disisyon.
17:29Pero ang bawat Pilipino,
17:31ang tunay na Pilipino
17:33at ang mga Pilipino na pro-Philippines,
17:38hindi nila ito mapapatahimik
17:40at hindi nila ito mapagbabuwala
17:42na ipagtanggol kung ano man ang karapatan natin
17:44sa ating bansa at sa ating mga maritime rights.