- 6/9/2025
24 Oras: (Part 2) Binabantayang LPA, lalo pang tumaas ang tsansang maging bagyo; mali ang paggamit ng anesthesia ng tumuli sa nasawing bata nitong Mayo, ayon sa autopsy report; Chinese vessel na sumadsad sa mga bahura sa gitna ng masamang panahon, nakaalis na, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Maka-update tayo sa binabantayang low pressure area at magiging epekto nito sa lagay ng panahon sa bansa.
00:12Ihakatid niya ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor?
00:19Salamat Ms. Mel, mga kapuso. Lalo nga tumaas ang chance na maging isang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area.
00:26Matapos kasing tumawid po nito kagabi dito po yan sa pagitan ng Northern at ganoon din ng Central Luzon ay napunta na po ulit yan dito sa dagat.
00:34Kaya po nakaipon ulit yan ang moisture na kailangan po nito para lumakas.
00:39Huli itong namataan, 415 kilometers kanluran po yan ng Baknotan La Union.
00:44Ay po sa pag-asa, posibleng maglabas-pasok po yan dito sa Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na oras.
00:51Kung sa loob ng par po ito maging bagyo, tatawagin po natin niyang Bagyong Auringa, ang unang bagyo ng 2025.
00:59Dito po sa ating satellite image, mapapansin po ninyo na nasa kanlurang bahagi po ng low pressure area itong mga kaulapan.
01:06Kaya naman, wala na po yung epekto dito sa anumang bahagi ng ating bansa.
01:11Pero patuloy po nitong palalakasin yung hanging habagat o yung southwest monsoon.
01:15Ito po yan, hinahatak niyan yung habagat.
01:17At dahil may stulang hahampas dito po sa may kanlurang bahagi ng Pilipinas, yung hanging habagat,
01:23dito rin posibleng maranasan yung mga matitinding pag-ulana.
01:27Base po sa datos ng Metro Weather, umaga po sa Luzon bukas, may mga pag-ulana.
01:31Sa ilang bahagi po yan, ng Mimaropa, Calabar Zone, ganoon din dito sa Bicol Region,
01:36at sa ilang lugar po dito sa may Central Luzon.
01:39Pwede pong maulit yung mga pag-ulan pagsapit po ng hapon at kasama na rin po dyan itong ilang lugar sa Northern Luzon.
01:45Nakikita po ninyo halos buong Luzon na may mga pag-ulan po sa hapon.
01:49At meron din po mga malalakas na ulan, kaya maging handa pa rin po sa posibleng pagbaha o landslide.
01:55Dito naman sa Metro Manila, mataas din po ang chance sa mga pag-ulan bukas.
02:00Pwede pa rin pong may mga break o yung pansamantala pong hihinto,
02:03tapos bubuhos ulit pagkatapos po ng ilang oras.
02:07Kaya dapat lagi po tayo nakahanda.
02:09May mga pag-ulan din sa Visayas, bukas po yan ng umaga.
02:12Pero mas malawa ka na po yung mga pag-ulan.
02:15Pagsapit po ng hapon, masaramdam po yung maulang panahon.
02:18Dito po yan sa Western Visayas, Negros Island Region,
02:21at ilang bahagi po ng Samar and Lete Provinces.
02:25Kaya dobi ingat.
02:26Sa Mindanao naman, may chance na rin po ng mga pag-ulan.
02:28Lalo na po sa hapon, kasama sa makakananas niyan,
02:31itong Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga,
02:34at ilang bahagi rin ng Soksarjen.
02:37Sa heavy rainfall outlook naman po ng pag-asa,
02:40paghandaan din yung mga malalakas sa pag-ulan
02:42sa mga susunod na araw dahil pa rin po yan sa epekto ng habagat.
02:46Lalong-lalo na sa may Zambales at sa may Oriental Mindoro.
02:50O Occidental Mindoro din po, inaasahan po natin yan.
02:52Yung moderate to heavy naman, Metro Manila, Pampanga, Bataan, Cavite, Batangas,
02:58Marinduque, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro.
03:01Meron po tayong mga matitinding pag-ulan.
03:03Ganon din sa Romblon, Palawan, at pati na rin sa Antique.
03:07Samantala, may mga kumpol na mga ula po cloud cluster din po dito
03:11sa may silangang bahagi ng ating bansa.
03:14At patuloy po natin tututukan kung mabubuo rin yan
03:17bilang panibagong sama ng panahon sa mga susunod na araw.
03:20Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
03:23Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
03:28Maasahan anuman ang panahon.
03:31Tutol ang ilang kongresista sa mungkahi ng isang senador
03:34na pagsamahi na lamang sa dalawa
03:36ang pitong articles of impeachment
03:39laban kay Vice President Sara Duterte.
03:41Walaan nilang dahilang madaliin ng paglilitis
03:43dahil maaarian nilang tumawi dito sa susunod na kongreso.
03:48Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
03:50Kinontra ng isang House impeachment prosecutor
03:55ang rekomendasyon ni Sen. Francis Tolentino
03:58na i-consolidate o pagsamasamahin sa dalawang artikulo
04:02ang articles of impeachment na ipipresenta sa Senado
04:05para pasok sa panukalan niyang impeachment trial
04:08mula June 11 hanggang June 30.
04:11I don't think it would be possible on our part
04:13to just consolidate it into two articles.
04:15That would be a betrayal of the full articles of impeachment
04:19that we have filed. Parang dalawang araw lang
04:21yung nabibigay for presentation na evidence.
04:23Hindi siya makakaroon ng fair day in court
04:24kung mabadaliin naman ngayon.
04:26Alam natin pag minadali, kulang yung oras
04:28sa dami ng mga ebidensya na ipipresenta.
04:31Hindi mo naman yun magagawa ng isang araw lang
04:34at parang hindi din naman yun sapat. Parang ganun.
04:36Ayon kay impeachment prosecutor Gutierrez,
04:40tuloy-tuloy ang kanilang paghahanda
04:41para sa presentasyon ng articles of impeachment
04:44at sa paglilitis.
04:46Naninindigan din ang House Prosecution Panel
04:49na pwedeng tumawid ang impeachment proceedings
04:52mula sa kasalukuyang 19th Congress
04:54patungo sa 20th Congress.
04:57The impeachment can cross over into the 20th Congress
04:59as per jurisprudence of the U.S. Limba.
05:02Pero ang ilang leader ng Kamara
05:04ipinauubaya sa Senado ang pagdedesisyon.
05:09We signed the articles of impeachment
05:11and we identified seven articles.
05:15So again, until such time na may concrete recommendation
05:19or action yung Senate
05:20once they convene as an impeachment court
05:23so sa kanila lang po makakapag-respond yung House.
05:27Para sa GMA Integrated News,
05:29Tina Panganiban Perez,
05:31Nakatuto 24 Horas.
05:34Walang magmamalabis sa hanay ng mga polis
05:38at walang mga aabuso
05:41gaya ng extrajudicial killings.
05:44Yan ang tiniyak ng hepe ng PNP
05:46sa pagbisita sa Commission on Human Rights
05:49kahit pa may naon ng utos na
05:51paramihan ng drug arrest.
05:55Nakatutok si O.
05:56Oscar O.
05:57Makasaysayan para sa mga tawa ng Commission on Human Rights o CHR
06:05ang pagdalo sa kanilang flag-raising ceremony
06:08ng bagong PNP chief na si Police General Nicholas Torrey III.
06:13Unang pagbisita ito ng isang PNP chief sa tanggapan.
06:17CHR is our boss on the protection of human rights.
06:23Pumapasok ang polis dyan dahil may isang tao na nagre-reklamo
06:26na nalabag ang kanyang karapatang pantao.
06:29Ayon sa CHR, magandang senyalis umano ito sa mas maayos na pagtutulungan
06:34ng kanilang mga ahensya.
06:37Kung ito hong pagbisita ni Chief PNP dito sa ating komisyon
06:41ay mahalagad upang ma-integrate na rin
06:45ang human rights sa pagtupad sa tungkulin ng ating kapulisan.
06:50Para naman kay Torrey,
06:52malaking bagay ang kooperasyon ng dalawang ahensya
06:55sa kampanya nilang gawing mas agresibo sa pang-aresto.
06:59Marami anyang polis na nag-aalangan manghuli
07:02sa takot na sumabit sa reklamong paglabag sa human rights.
07:07Ayon sa CHR,
07:08As long as the duty is performed within the bounds of the law
07:13at kung kailangan po nang gumamit ng pwersa ng kapulisan,
07:17pwede naman po yan as long as it is necessary
07:20and commensurate to the force being confronted with.
07:25Wala nang shortcut-shortcut dito.
07:26If we pair those two ideologies or policies together
07:31na hulihin ang mga kriminal sa ating mga streets sa Pilipinas
07:37at sa paggamit ng wastong proseso na ang basihan ay batas,
07:43yun, wala tayong problema doon.
07:45Tiniyak naman ang PNP chief na hindi aabot sa pagmalabis
07:49ang agresibo nilang pang-uhuli ng mga kriminal
07:52sabay giit na walang puwang sa kanyang pamumuno
07:55ang pang-aabuso gaya ng ex-judicial killing.
07:59Pag lumabas tayo sa judicial process,
08:02ay di kriminal na rin tayo.
08:04Hindi tayo polis, kriminal tayo.
08:06So I really don't believe in that.
08:07Para sa GMA Integrated News,
08:10Oscar Oida Nakatuto, 24 oras.
08:13Pagdurugo ng utat dahil sa maling pagturok ng anesthesia
08:17ang lumabas na sanhinang pagkamatay ng isang batang
08:20nagpatuli nitong Mayo.
08:21Basi po yan sa nisulta ng autopsy ng polisya.
08:24Nakatutok si Mark Salazar.
08:28Ganito na po, hindi ka mo talaga matagal.
08:30Ang sugat na iniwan sa pamilya ng pagkamatay ng batang
08:34nasawi matapos magpatuli noong May 17,
08:37tila nabuksan sa paglabas ng police autopsy report.
08:41Bata'y rito, mali ang paggamit ng anesthesia
08:44nang tumuli sa bata.
08:45Ang cause of death ay subarachnoid hemorrhage.
08:51Ituro po ay maaaring,
08:53ibig sabihin ay may nakitang pagdurugo
08:55sa isang parte ng utak po noong bata.
08:58At posible pong may kaugnayan dito
09:00yung pong pagturok noong anesthesia.
09:05Mas masakit po nung inibig na po yan ako.
09:08Araw-araw po talaga po ng utak ko.
09:11Hindi po nawawala.
09:13Mas masakit po ngayon.
09:15Kanina, isinampana ng Manila Police District Homicide Division
09:19ang reklamong reckless imprudence resulting in homicide
09:22laban sa nagtuli sa bata.
09:24Bahala na po yung batas po sa kanya.
09:27Pinihiling ko rin po na matapos na po ito,
09:29makulong na po yung doktor.
09:32Kasi hindi ko rin po talaga alam kung paano po magsisimula.
09:34Pagka-pile po natin ng reklamo,
09:37ang gagawin po ng piskal ay ipatatawag po yung both parties,
09:42yung respondent at po yung ating complainant.
09:45That will be the time for the respondent to answer all the allegations against her.
09:51Maliban sa autopsy report,
09:53kasama sa ebidensya ang testimonya mismo ng ina ng biktima
09:56at ang sekretarya sa klinik kung saan tinuli ang bata.
10:00Siya ang tinanong kung doktor ba talaga ang amon niya.
10:04Hindi ko po kasi alam na doktor o ano man po.
10:08Alam ko po kasi ano po siya o madrona po.
10:12Matagal na ani ang nagpapaanak ang amo niya
10:14at marami na rin ani ang tinuli.
10:16Kaya ay kinagulat niya ang nangyari.
10:17Feel ko sa anesthesia talaga siya.
10:19Grogy siya. Malikot po talaga.
10:23Hindi naman po siya totally nagwawala.
10:24So parang nag-aano po siya kasi hindi niya po siguro mapil yung katawan niya.
10:29Walang medical expertise ang sekretarya ng klinik
10:32pero ang nakita niyang huling sandali ng batang biktima
10:35ang lalamanin ng kanyang sinumpaang sa Laysay.
10:38Sa bibig po niya may bulanay.
10:40Tapos ang mata?
10:42Hindi ko po siya nakikita eh.
10:43Ah parang tumitirik po.
10:48Pero malakas po siya habang hanggang sa matapos po yung tuloy
10:51kinakausap po siya.
10:52Nang pigna kahusap ko po siya para sana marelax siya.
10:56Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng babaeng nagtuli sa bata
10:59na tumatayo ng akusado sa kasong ito.
11:03Para sa GMA Integrated News,
11:05Mark Salazar.
11:07Nakatutok 24 oras.
11:10Nakaalis na ang Chinese Militia Vessel
11:13na sumadsad sa mga bahura
11:15malapit sa pag-asa island na teritoryo ng Pilipinas.
11:19Aalamin naman ang PCG kung may nasirang iyamang dagat sa pagsadsad nit ng barko
11:25sa gitna ng masamang panahon.
11:28Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
11:30Masama ang panahon ng sumadsad sa bahura ang Chinese Militia Vessel na ito
11:38wala pang dalawang kilometro ang layo mula sa pag-asa island na teritoryo ng Pilipinas.
11:44Agad naman daw na monitor ng pwersa ng Pilipinas ang insidente sa pag-asa reef 1
11:49na nasa silangan ng pag-asa island.
11:52We tried calling them over the radio to ask for the reason why they are seemingly stuck dito sa reef 1.
12:01And unfortunately, they were not responding to our radio calls.
12:06We also monitored the China Coast Guard Vessel na tinawagan din itong Chinese maritime militia.
12:11And nakita namin na hindi rin lumapit.
12:16Dahil nisin namin, they are also worried na baka sila ay sumadsad din dito sa shallow area.
12:24Ayon sa Philippine Coast Guard, nakaalis din naman ang militia vessel sa lugar.
12:28The master of that vessel took advantage yung current and of course yung lakas ng hangin using its own propulsion.
12:37Kaya she was able to be released from being agrounded.
12:41In the first place, dapat wala naman talaga sila dun eh.
12:44Pero hindi pa tapos ang usapin sa panig ng Pilipinas.
12:48Magsasagawa raw ng inspeksyon sa lugar para malaman ng damage sa bahura at iba pangyamang dagat.
12:54Kapag napuntahan na ito ng ating mga marine scientists kasama ng ating Philippine Coast Guard,
13:00we would definitely inform the public ano ang extent ng nasira dito.
13:06Wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs kung ano ang susunod na hakbang ng Pilipinas.
13:11Pero nauna nang naiulat na higit sa 150 na diplomatic protest na
13:16ang naifal na Pilipinas laban sa China sa ilalim ng Marcos administration.
13:20Dahil sa patuloy na sigalot, panukala ni former Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio
13:27dapat i-challenge ng Pilipinas ang China na isa lang sa arbitration ang sigalot sa Spratlys,
13:33alinsunod sa UN Charter provision na nagsasabing lahat ng dispute
13:37ay dapat maresolba ng mapayapa sa pamamagitan ng negosyasyon, mediation at arbitration.
13:44Ang paggamit daw ng dahas ay pinagbabawal ng UN Charter.
13:48Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok 24 oras.
13:55Ipinaliwanag na ng nagpalagay ng salitang forthwith sa konstitusyon
13:59kung anong ibig sabihin ito kaugnay ng impeachment.
14:02Iginit niya ring labag sa saligang batas kung i-dismiss ang impeachment complaint
14:07at kung anong pwedeng gawin para maitulito ng susunod na kongreso.
14:11Nakatutok si Joseph Moro.
14:13Sa tatlong impeachment complaint na nakatuntong sa Senado sa ating kasaysayan,
14:21ngayon lamang susubukan ng ilang senador na ipadismiss ang kaso
14:25kahit walang paglilitis sa pamamagitan ng isang resolusyon na pagbobotohan ng mga senador.
14:31Unchartered waters tayo dito, ngunit kung titignan natin yung saligang batas natin sa lente ng pananagutan,
14:40parang hindi nakaakma yung proposal na magdismiss lang bigla ng impeachment case
14:46na hindi ma lang tayo nabibigyan ng pagkakataon, makita yung ebidensya.
14:51Ayon kay retired Supreme Court Associate Justice Adolf Ascuna, lumalabag daw sa konstitusyon ang resolusyon.
14:58It's very clear under the Constitution that the Senate has the power and the duty
15:05to try and decide impeachment cases. So they cannot abdicate that duty.
15:13Sa Article 11, Section 4 ng Saligang Batas, nakasaad na trial by the Senate shall proceed forthwith.
15:20Ito ang pinagde-debatihan ngayon at ang sinabi ng isang panig,
15:24ang ibig sabihin ng forthwith ay agad-agad simula ng paglilitis.
15:29Ang salitang forthwith, ipinalagay ni Ascuna bilang miyembro ng Constitutional Commission
15:35na bumabalang kas sa 1987 Constitution.
15:38It can mean immediate. It can also mean without unreasonable delay.
15:45Forthwith, in the necessarily right away, there can be some delay as long as it's reasonable.
15:53Nung binabalangkas ang konstitusyon, isinaalang-alang daw nila
15:56ang ibang trabaho ng Kongreso tulad ng paggawa ng batas.
16:00Forthwith is a flexible term.
16:02There are matters of legislation that are also very important.
16:08And the confirmation of appointments have to be done.
16:11So the Senate President cannot be totally blamed
16:14for seeing that these matters have to be attended to
16:18by the Senate before the 19th Congress bows out.
16:24Because otherwise, this will lapse.
16:27These are matters that will lapse.
16:29Whereas the impeachment does not lapse.
16:32Ayon kay Justice Ascuna, ang pwedeng gawin ng Senado
16:35ay simulan ang impeachment process at hayaan.
16:38Ang Senado ng 20th Congress nalitisin at desisyonan ito.
16:42Pwedeng gawin niya ng 19th Congress hanggang June 30.
16:45Because it is not a legislative matter.
16:49The adjournment is for purposes of legislative matter.
16:52What is adjourned is the legislative calendar.
16:56The 19th Congress still exists.
17:00There have been a Supreme Court decision saying that
17:03after adjournment in a day, it can continue.
17:07Pero kung halimbawa na mapigil niya ng resolusyon ng impeachment sa 19th Congress,
17:12maaari pa rin itong buhayin sa 20th Congress,
17:15pero ang mga senador lamang na bumoto pabor sa resolusyon
17:19ang maaaring gumawa nito.
17:20Ito raw ay batay sa parliamentary procedure kung saan ang isang bumoto
17:25para sa nanalong resolusyon lamang
17:27ang maaaring humingi muli ng botohan sakaling nagbago ang isip nito.
17:32It can happen only if one of those who voted with the majority to dismiss the articles
17:39will be the one to ask for a reconsideration.
17:43For someone who is against its dismissal to vote for a dismissal
17:48so that he or she as a surviving member of the Senate
17:54can ask for reconsideration in the 20th Congress.
17:58Pero kung baharang pa rin ang impeachment complaint sa 20th Congress,
18:03maaaring mauwi ito sa isang constitutional crisis.
18:06The only one that can remediate that crisis would be the Supreme Court
18:12because one branch of government, Congress, represented by the Senate,
18:21refuses to fulfill its constitutional duty,
18:26which is part of the checks and balance
18:28because this is a check on the executive impeachment of the vice president.
18:34Si UPy College of Law Assistant Professor Paulo Tamasi naman ang sabi,
18:39walang lusot sa responsibilidad na yan ang Senado.
18:42Tungkulin ng Senado ngayon, nasimulan yung impeachment complaint.
18:47At gaya ng instrumento ng pananagutan ng impeachment,
18:52kailangan din managot ng Senado sa taong bayan.
18:55Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
19:00Masipag, matyaga at mapagmahal sa pamilya.
19:08Ganyan ilarawan ng isang anak sa San Pablo sa Laguna ang kanyang ama.
19:13Pero umaapila siya ngayon ng tulong.
19:16Dahil ang kanilang haligin ng tahanan,
19:18humaharap ngayon sa matinding pagsubok dahil na stroke.
19:23Sa loob ng dalawang dekada,
19:30iginugol ni Eric ang oras sa pagtatrabaho sa farm.
19:33Mapagtapos lang sa pag-aaral ang nag-iisang anak na si Gemary.
19:38Batid ni Gemary ang sakripisyo ng ama.
19:41Kaya na makapagtapos,
19:43unti-unti siyang bumawi sa mga magulang.
19:46Pero hindi pa man tuloy ang nakakabawi si Gemary sa pamilya.
19:51Bumanang ang kanyang ina sa sakit na chronic kidney disease.
19:57At nitong Mayo lang,
19:58na-stroke ang ama.
20:00Ang pag-igot ko po doon sa CI namin,
20:02nakita ko po si Papa nasa sahig na,
20:05nakahawak po sa ulo niya.
20:06Pero may malay naman po siya.
20:09Kwento ni Gemary,
20:11hindi nawawala sa kanilang hapag
20:13ang maaalat na sa usawan.
20:16Pero kahit nahihilo kuminsan ng ama,
20:19hindi naman ito makapagpa-check up.
20:21Sobrang taas ng blood pressure,
20:23210 over 110.
20:25And based sa resulta ng CT scan niya,
20:28may naglugong ugat.
20:30Maaring nakuha niya sa pagkain.
20:32Lifestyle din niya sa pagkain ng maaalat.
20:36Sa ngayon,
20:37hindi pa nakakapagsalita si Eric
20:39at patuloy na nagpapalakas sa ospital.
20:43It will really take time
20:45for his full recovery.
20:47Nag-undergo siya ng physical therapy
20:49and continuous medications.
20:54Nagbigay rin tayo ng gamot,
20:56groceries at hygiene kit.
20:59At sa papalapit na araw ng mga ama,
21:02ang tanging hiling ni Gemary.
21:04Papa,
21:07Happy Father's Day.
21:09Huwag kang mag-alala.
21:11Paglabas mo ako naman na mag-aalaga sa'yo.
21:13Gusto ko pong humingi ng tulong sa inyong lahat.
21:16Yung datay ko na na po yung meron ako.
21:18Kaya gusto ko isalba po siya.
21:21Pati po yung pag-terrophy niya.
21:23Magkakaroon po yan ang maintenance.
21:25Hindi ko po talaga kakayanin.
21:27Sa mga nais tumulong kay Eric,
21:30maaari kayo magdeposito sa aming mga bank account
21:32o magpadala sa Semuana Loilier.
21:35Pwede ring online via Gcash,
21:37Shopee,
21:38Lazada,
21:39at Globe Rewards.
21:402 million views and counting
21:47ang pinusuang shake it to the max entry
21:49ni Miguel Tan Felix sa TikTok.
21:51Pero bukod sa galing sa pagsayaw,
21:53inspired din si Miguel na galingan pa
21:55ang pagganap sa mga Batang Riles.
21:58Makichika kay Lars Santiago.
22:03Hindi nagpapahuli si Mga Batang Riles star
22:06Miguel Tan Felix.
22:10Sa mga nauusong TikTok dance trend.
22:17Napatok sa mga certified TikTokerist gaya niya.
22:24Ang entry nga ni Miguel sa shake it to the max trend.
22:33May 2 million views na sa TikTok.
22:40Kahit sa all-out Sunday stage,
22:43maaasahan ang pagpapamalas ng galing ni Miguel sa pagsayaw.
22:50Malaking bagay nga raw ang background ni Miguel sa dancing
22:53sa pagbuo ng action scenes sa mga Batang Riles.
22:57Kaya ako nagustuhan yung action dahil para siyang sayaw,
23:01may choreography, kailangan mo ng body coordination.
23:05So iniisip ko para lang nagsasayaw ng iba yung steps
23:09at may emosyon, may galit, may rage.
23:16Sa nalalapit na pagtatapos ng mga Batang Riles,
23:20may mixed emotions raw si Miguel sa nalalapit niyang pamamaalam
23:24sa role niyang si Kidlat.
23:27Sobrang minahal ko talaga yung karakter ni Kidlat eh.
23:29Yung mga challenges na kinakaharap at kinaharap niya sa buhay
23:33talagang sakit sa puso eh.
23:36Talagang gusto mong damahin talaga bawat eksena.
23:39Sa takbo ng kwento, balik sa pagiging bantay Riles si Kidlat
23:45at ang mga kaibigan niyang Riles boys.
23:49Hindi pa rin nila nakakamit ang kapayapaan
23:52dahil alam nilang buhay pa si Matos
23:54at desididong puksain ang mga taga-Riles.
23:59Para kay Miguel, malapit mang magtapos ang kanilang series.
24:03Binuhay naman ito ang adrenaline at passion niya
24:09sa paggawa ng mga uma-atikabong eksena.
24:13Nag-enjoy ako ng sobra dito sa mga Batang Riles.
24:16At the same time, feeling ko,
24:19nasa surface level pa lang po ako ng genre na action
24:22kaya gusto ko pa pong palalimin.
24:25War Santiago updated sa showbiz happening.
24:33At the same time, feeling ko,