Sa gitna ng pagkabaon sa utang ng marami at pagkasira pa ng mga pamilya kinondena ng isang Kardinal ang mga online sugal, lalo't madali nang tayaan sa mga smartphone. Sa Senado, may inihain nang panukalang batas para limitahan ang edad ng naglalaro at halaga ng taya.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa gitna ng pagkabaon sa utang ng marami at pagkasira pa ng mga pamilya.
00:07Kinundinan na isang kardinal ang mga online sugal, lalot madali ng tayaan sa mga smartphone.
00:14Sa Senado, may inihain ang panukalang batas para limitahan ang edad ng naglalaro at talaga ng taya.
00:22Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:24Sa unang laro pa lang daw niya ng online casino game na Scatter, walong libo raw agad ang napanaluna ni Papa J.
00:34Ang Scatter na mala slot machine ang itsura, may katumbas na premyo basta may lumabas na tatlo o higit pang magkakaparehong card.
00:42At dahil maliitan lang ang tayaan na pwedeng idaan sa pamamagitan ng mga digital wallet na enganyo siyang tumaya ng tumaya hanggang ang paminsan-misan naging pang madalasan.
00:53Yung ano ng motor ko, yung box ng motor ko, nabenta ko na para lang panlaro.
00:59Misan yung biyahe ko, bibiyahe ako ng madaling araw, bibiyahe ako booking nun, mga lima o anim na booking.
01:08Pag may panlaro na, ayun, tsaka ako'y lalaro.
01:10Oo, nalaman ng pamilya ko yun.
01:13Ayun, tigilan ko raw at nalululungaraw ako.
01:17Hindi nag-iisa si Papa J sa mga Pilipinong nagumon sa mga online casino game na ang ilan nabaon na sa utang at nauwi sa pagkasira ng pamilya.
01:28Ang sitwasyon na ito, ikinabahala ni Cardinal Pablo Virgilio David.
01:32Sa isang social media post, binatikos niya ang pagtutok ng gobyerno sa Pogo gayong mas malaking problema ang lisensyadong online gambling platforms dito sa bansa
01:41dahil accessible ito anumang oras kahit sa mga menor de edad.
01:45Di nalang na raw ang kasino sa bawat bahay at bawat smartphone.
01:49Kinundi na rin ni David ang celebrity at influencers na nagpopromote ng gambling app sa social media na tinawag niyang mga pusher ng pasugalan.
01:58Sa Senado, may inihain ng panukalang batas para kontrolin ang online gambling.
02:03Sa online gambling regulatory framework na inihain ni Sen. Wyn Gatchalian,
02:07itataas sa 21 mula 18 years old ang minimum age para tumaya sa lahat ng online gaming.
02:13Itataas din ang minimum bet sa 10,000 pesos habang 5,000 pesos ang minimum top-up.
02:19Pagbabawalan na rin ang direct link ng digital finance app para tumaya.
02:23Ngayon, zero eh. There's no floor price. So ibig sabihin, kay 20 pesos pwede kang tumaya.
02:27Top-up, pagbabawalan namin yung link from Gcash or payment system dito sa online gambling.
02:34At yung minimum nga is 10,000. So hindi pwedeng 20 pesos makakalaro ka na minimum mo dapat ay 10,000.
02:42Ang top-up mo is about 5,000. So you can only open an account directly.
02:47Ngayon kasi pwede kang mag-Gcash, ililink mo dito eh.
02:50Iyon ang nagiging napakadali na.
02:52Tingin niya mas mainam ito kaysa total ban sa online gambling.
02:56Dahil baka mag-underground lang aniya ang mga operator.
02:58Kung pumasa ang panukalang batas, hihigpitan din ang Know Your Client System sa pamamagitan ng biometrics at ID para masigurong nasa edad na ang tataya.
03:08I-regulate din ang pag-advertise sa online gambling gaya ng ginagawa sa sigarilyo at vape.
03:14Bawal na kumuha ng mga celebrity at influencer para mag-endorso sa online gambling platform.
03:19Hindi siya pwedeng free for all advertising na kukuha ka ng influencer, kukuha ka ng batang.
03:27Kasi mga napansin ko, yung mga promoter nila, bata eh.
03:31So nai-entice ngayon yung bata maglaro.
03:34So we also banned that.
03:35Bawal ang advertising on kahit saan-saan.
03:39Bawal rin mag-advertise near the schools, near churches, near government establishments.
03:44So we also regulated the advertising portion, the promotion and advertising portion.
03:50Kasing higpit niya yung sa sigarilyo.
03:52Umaasa si Gatchalya na mababantayan ito ng pagkor kung sakaling mapatupad.
03:56Parang pogo yan.
03:57Diba?
03:57Ang pagkor, ang regulator ng pogo.
04:00Kung ang regulator ay hindi magiging aktibo or hindi magiging alisto, magiging problema talaga.
04:07So kailangan talaga higpitan nila yung regulation nila.
04:09Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.