Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Iba't ibang panukalang batas, inihain sa unang araw ng 20th congress

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga panukalang batas para sa mga manggagawa, estudyante at overseas Filipino workers, ilan lamang yan sa mga inahaing proposal sa Kamara at Senado sa unang araw ng 20th Congress.
00:11Si Mela Les Moras sa detalye.
00:16Maaga palang mahaba na ang pila rito sa South Wing Lobby ng Batasang Pambansa para sa unang araw ng paghahain ng mga panukalang batas sa ilalim ng 20th Congress.
00:27Isa sa mga unang pumila si Four Peace Party List Representative J.C. Abalos, kabilang sa mga inihain niyang proposal, ang panukalang pagtataas ng cash grants sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at ang kontrobersyal na absolute divorce bill.
00:43Hindi na naman natin pinipilit or ina-encourage na maghiwalay ang mga married couples dahil napaka-importante at napaka-invaluable and grabe yung sanctity ng marriage po ay napaka-importante.
00:55What we're just saying here is that we must acknowledge the struggles of our countrymen na nasa-stock sa mga ganitong toxic relationships.
01:04Ang Makabayan Block naman muling inihain ang legislated wage hike bill at iba pang panukalang batas para sa mga manggagawang Pilipino.
01:13Presyo ibaba.
01:15Saho di taas.
01:17Presyo ibaba.
01:18So ito ang saho di taas.
01:20Ito ang presyo ibaba din.
01:21Kapag ka nandina mga manggagawa ang sentro ng mga panukalang batas na inihain ang kamanggagawa party list.
01:29Kahit ang mga magre-resign na giit nila, dapat ay may beneficyo rin.
01:34Sa resignation pay kasi kapag ang manggagawa nag-decide na okay, ayoko na magtrabaho, gusto ko na magpahinga, wala siya makukuha na resignation pay.
01:42Wala kasi sa labor code niyan eh.
01:43So even if you're working 20, 30, 50 years in a company and you decided na okay, tapos na ako, pagod na ako sa patatrabaho, wala kayo makukuha na resignation pay.
01:52Ang makukuha niyo lang is final pay.
01:54So malaking inustitian sa manggagawa.
01:58Si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste naman, panukalang pagbibigay ng alawan sa lahat ng estudyante ang inihain.
02:06Dapat pong suportahan ito ng nasyonal na pamahalaan para hindi lang po iilan kung hindi lahat ng mga estudyante sa buong Pilipinas ay mabigyan ng educational assistance.
02:18Una na rin naghain ang mga panukalang batas ang tumayong House Speaker ng 19th Congress na si re-elected Leite 1st District Representative Martin Romualdez.
02:27Kabilang sa mga inihain niya ang Rice Industry and Consumer Empowerment o Rice Bill, Philippine Centers for Disease Prevention and Control o CDC Bill,
02:37Private Basic Education Vouchers Assistance Bill, Eastern Visayas Development Authority Bill,
02:42at panukalang mag-e-exempt sa mga OFW sa pagbabayad ng premium sa PhilHealth.
02:48Nakikita natin yung iba't ibang holistic approach ng mga miyembro ng House of Representatives
02:54para matugunan yung mga pangangailangan ng ating mamumayan.
02:57And we're looking forward na mas marami pa in the next coming days na ma-fofile
03:02at matutugunan yan once na mag-start ang organization para mapag-usapan na sa mga appropriate committees.
03:10Ang mga senador naman, kanya-kanya na rin paghahain ang mga panukalang batas.
03:15Tulad ni na Sen. Joel Villanueva at Sen. Erwin Tulfo na personal pang nagtungo sa Senado para rito.
03:22Habang ang ilan pang senador, may pasilip na rin sa kanilang mga priority bill
03:26tulad ni na Sen. President Francis Escudero, Sen. Jingoy Estrada, Sen. Tito Soto at Sen. Bam Aquino.
03:34Isa pa dyan yung Anti-Conflict of Interest in Public Utilities Act.
03:40This is serious. This is an issue.
03:44Pali ang kamay ng gobyerno pag yung may-ari ng utility sa isang lugar
03:48ay isang government official, isang politiko.
03:52Unang-una dito yung Security of Tenure Ending Endo Act.
03:57We are aware how important it is na wakasan yung talagang pangaabuso sa work schemes
04:04katulad ng endo at labor-only contracting.
04:09Mabigyan po ng seguridad sa trabaho ang ating mga manggagawa.
04:12Mahaba-haba pa ang proseso bago tuluyang maisabatas ang isang panukala.
04:18Pero pag titiyak ng mga mambabatas, tututukan nila ito para sa kapakanan ng mga Pilipino.
04:24Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended