Buena mano bukas, unang araw ng Hulyo, ang pisong rollback sa kada kilo ng tangke ng LPG ng Petron at Solane. Aarangkada rin bukas ang rollback sa petrolyo. Tataas naman ang arawang sahod sa Metro Manila sa susunod na buwan—pero malayo ito sa isinusulong ng ilang grupo at sa mga ipinanukala sa kongreso. May report si Raffy Tima.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
02:17Yung pasweldo lang sa linggo-linggo, buwan mga, pinoproblema. Tataas ako pa.
02:23Paliwanag ng National Wages and Productivity Commission, naging batayan sa pag-aproba ng umento sa sahod ay ang 5.4% na paglago ng ekonomiya nitong Enero hanggang Marso.
02:34Ang mas maliit na inflation rate sa Metro Manila nitong Mayo na 1.7% at unemployment rate na nasa 5.1% noong Abril.
02:42Kinailangan daw magbalanse para di mauwi sa pagmahal ng bilihin ang taas sahod.
02:46Magpapipilita magtaas ang price yung iba, yung iba naman mapipilita magpapos ang tao kung hindi nila kaya.
02:53Pero ayon sa kilusang Mayo 1, pabarya-barya lang daw ang dagdag sahod na ibinibigay ng Administrasyong Marcos.
03:00Bukod sa sahod, idinaraing din ang mahal ng petrolyo.
03:04Kahit nga may rollback bukas, nakukulangan pa rin dito ang ilang motorista kasunod ng dalawang bagsak ng oil price noong nakaraang linggo.
03:10Dapat naman, kung magkano tinataas, dapat gano'n din na rollback, diba?
03:16Pero hindi eh. Magtataas ng limang piso, bababa, dalawang piso.
03:20Ayon naman sa Energy Department, posibli pang masunda ng rollback.
03:24Pumayag din magbigay ng 1 peso per liter discount ang ilang kumpanya.
03:28Pag-aaralan pa kung pwede rin bigyan ng discount ang mga pribadong sasakyan.
03:31Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:35Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:39Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.