Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi magiging problema ang kinakaharap niyang reklamo kaugnay sa pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pinaplanong aplikasyon bilang susunod na ombudsman.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia na hindi magiging problema
00:04ang kinakarap niyang reklamo kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:09para sa kanyang pinaplanong aplikasyon bilang susunod na ombudsman.
00:14Nakatutok si Jonathan Andal.
00:18I think that I have a lot to offer there.
00:21Yan ang sagot ni Justice Secretary Boying Remulia
00:24ng tanungin sa kanyang planong mag-apply bilang bagong ombudsman.
00:27I-pinaalam na raw niya ito kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:42Hanggang July 27 na lang ang termino ng kasalukuyang ombudsman na si Samuel Martires.
00:47Ang mga gustong pumalit sa kanya may hanggang Biernes o July 4
00:50para magpasa ng aplikasyon sa JBC o Judicial and Bar Council
00:54na siyang sasala at magre-rekomenda sa Pangulo
00:57ng mga pangalang pagpipilian itong i-appoint bilang ombudsman.
01:01Pero si Remulia, meron pang kinakarap na reklamo sa ombudsman
01:04na isinampan na Sen. Aimee Marcos
01:06tungkol sa legalidad ng pag-aresto at pagdala kay Pangulong Rodrigo Duterte
01:10sa ICC o International Criminal Court.
01:13Okay lang yun.
01:14The JBC can always evaluate that properly.
01:17Pero hindi naman po yung conflict na...
01:19Ang termino ng ombudsman, saktong pitong taon.
01:23Walang re-appointment.
01:24Ibig sabihin, kung si Remulia ang piliin ni Pangulong Marcos,
01:28tatawid ang kanyang termino hanggang sa susunod na presidente.
01:31Makapangyarihan ang ombudsman.
01:33Kaya nitong magsuspindi at magpatalsik na mga opisyal ng gobyerno.
01:37Gaya ng dismissal noon kay dating Banban Mayor Alice Go.
01:40Pwede itong magsagawa ng investigasyon.
01:43May reklamo man o wala.
01:44Lalo na sa mga kaso ng pandarambong, korupsyon, pag-abuso sa kapangyarihan at paglabag sa tungkulin.
01:50Kabilang dyan ang mga impeachable official na maaaring investigahan
01:54sa kasong serious misconduct para sa pagsasampa ng impeachment complaint.
01:58Independent body rin ang ombudsman.
02:01Wala ito sa ilalim ng kapangyarihan ng presidente o ehekutibo, kongreso at kahit pa na hudikatura.
02:07Hindi rin ito kailangan sumalang sa confirmation ng makapangyarihang commission on appointment.
02:11Kahit pa ina-appoint ng presidente ang pwestong ito.
02:15Ano naman kaya ang plano ni Rimulya sakaling maging ombudsman?
02:18I have my work cut out for me. I have to talk to the JBC about it first.
02:24I think the JBC is in the best position to appreciate whatever I have to offer for us ombudsman.
02:32Tiwala raw si Rimulya na iiwan niya ang DOJ na organisado.
02:36Anya sakaling siya ang mapiling ombudsman,
02:38meron na siyang mga pangalang ire-rekomenda sa Pangulo bilang kapalit niya sa DOJ.
02:43Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andala na Katutok, 24 Oras.

Recommended