Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Tataas ng P50 ang minimum wage simula sa July 18 pero para lang sa Metro Manila. Malayo rin ang halaga ng dagdag-sahod sa panukala ng Kamara at Senado na para sana sa buong bansa pero bigong naisabatas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tataas ng 50 piso ang minimum wage simula sa 18 July pero para lang sa Metro Manila.
00:08Malayo rin ang halaga ng dagdag sahot sa panukalan ng Kamara at Senado
00:13na para sana sa buong bansa pero bigong na isa batas.
00:17Nakatutok si Dano Tengkunggo.
00:22200 pesos ang panukalang wage hike ng Kamara noong 19th Congress
00:27habang 100 pesos ang panukalan ng Senado.
00:30Hindi na yan umabot sa Bicameral Conference Committee
00:32pero bago pa man yan, ganito na ang pahayag ng palasyo.
00:36We will look at the economic implications of this and how to resolve this
00:42with the opinion of the wage boards, titignan ng lahat ng aspeto
00:46at ang concerns ng lahat ng stakeholders.
00:50Kaya alinsunod sa dati ng utos ni Pangulong Bongbong Marcos na wage review
00:54sa kada anibersaryo ng wage hike sa kada regyon,
00:57nagdesisyon ng Regional Wage Board ng Metro Manila na magpatupad ng omento sa sahod
01:01simula July 18, halos isang taon mula ng huli nitong wage hike.
01:06Itataas yan sa 695 pesos para sa non-agricultural sector.
01:11Pero 50 pesos lang ang wage hike.
01:13Kalahati ng panukalan ng Senado at malayo sa panukalan ng Kamara
01:17o mahigit 1,000 piso sa isang buwan.
01:20Pareho lang ang itinaas sa agri-sector, pati sa mga service o retail establishment
01:24na 15 pababa ang empleyado at manufacturing naman na 10 pababa ang empleyado.
01:30Kulang yung 50 pesos kung yan ang idagdag nila.
01:33Kasi sa mahal naman ang bilhin.
01:36Lalo na ako, may limang anak ako.
01:38Okay sa akin kung 150 or 200.
01:41Pag naipo naman siya ng isang buwan, malaki na rin yun.
01:46Pambigas na din yun.
01:48Sana maibigay nila agad para makatulong sa lahat na nangailangan.
01:52May ilan mang nabitin, sabi ng Employers Confederation of the Philippines,
01:57mas mainam na ito kumpara sa mga panukalang wage hike sa Kongreso.
02:23Kabilang sa batayan, ayon sa National Wages and Productivity Commission,
02:27ang 5.4% na paglago ng kita sa mga produkto at serbisyo sa bansa o GDP nitong first quarter.
02:33Ang pagbagalaan nila ng pagmahal ng mga bilihin sa Metro Manila na nasa 1.7% nitong Mayo
02:39at unemployment rate na nasa 5.1% naman nung Abril.
02:43Kinilangang balansihin na mga yan dahil sa pangambang mauwi ang taas sahod
02:47sa pagmahal ng bilihin at sa bilang ng trabaho.
02:52Mayroon naman yung component ng labor, malaking percentage of operation.
02:57Pagka yun yung tinaasal ko, mapipinit na magtaas ang presyo iba.
03:02Yung iba naman, mapipinit na magtaas ang tao kung hindi nila kaya.
03:06Para sa GMA Integrated News,
03:08Dan ating kung ko nakatutok 24 horas.

Recommended