Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Nawalan ng tirahan kaya nasa evacuation center muna ang nasa 60 pamilya sa Navotas nang bumagsak ang pader na harang sa ilog nitong Sabado. Sa lakas ng ragasa ng tubig hindi lang mga bahay at gamit ang tinangay kundi pati ilang residente na maswerteng nakaligtas. May pansamantalang remedyo pero pinangangambahan pa rin ang baha dahil sa ulan at high tide, kaya pinamamadali na ang pagsasaayos sa pader.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Risayas at Mindanao.
00:05Nawalan ng tirangan kaya nasa evacuation center muna
00:08ang nasa 60 pamilya sa nabotas
00:11nang bumagsak ang pader na harang sa ilog nitong Sabado.
00:15Sa lakas ng ragasan ng tubig, hindi lang mga bahay at gamit ang tinangay
00:19kundi pati ilang residente na maswerting nakaligtas.
00:23May pansamantalang remedyo pero pinangangambahan pa rin ang baha
00:27dahil sa ulan at high tide
00:28kaya pinamamadali na ang pagsasayayos sa pader.
00:32Nakatutok si Joseph Moro.
00:46Nagpanik ang ilang taga-barangay sa Nusesa na botas nitong Sabado
00:49na bumigay ang river wall sa likod ng mga bahay sa Listino Street.
00:55Pinasok tuloy ng rumalagasan tubig ang mga bahay.
00:58Tulong!
01:00Please!
01:01Tulungan niyo kami!
01:06Tulungan niyo mga tao dito!
01:10Tulungan niyo!
01:12O mga tagalo, abansa si Les!
01:14Magsipagano na po kayo na gamit niyo!
01:17Nabiyak po yung padel!
01:18Maging ang pansamantalang remedyong sandbag,
01:21gumuhurin kahapon.
01:23Ani mo'y tubig sa dam na bumulwak ang tubig.
01:26Nahanap namin ang humihingi ng tulong nitong Sabado.
01:29Sabi ni Flora Pascual, hindi niya alam kung paano magsisimula ulit
01:33matapos bahain ang kanyang bahay.
01:35Sa totoo lang po, hanggang may trauma pa po ako.
01:38Nasa poldi ng tubig ang bahay ni Maria Teresa
01:40kaya inanod siya at kanyang anak na lalaki.
01:43Inagos po ako hanggang doon.
01:46Malakas po talaga.
01:47Pag aagos po ng tubig, buti na lang po,
01:49nakahawak ako sa padel.
01:51Dito po.
01:51Pagkahawak ko na yun, hinawakan ko yung anak ko agad.
01:56Sa ngayon, mga sandbags yung inilagay ng lokal na pamahalaan
01:59para pansamantala na matigil yung tubig dagat
02:02sa pagpasok sa mga bahay dito sa barangay San Jose.
02:05Pero nangangamba yung mga residente, lalo nakapag-high tide.
02:08Tulad kanina, nang asahan ng Navotas City Disaster Risk Reduction Management Office
02:12o CDRMO,
02:13ang 1.7 meter high tide bandang alas 2 ng hapon.
02:18Mabuti at hindi umapaw ang tubig o nag-iba
02:20ang mga sandbag na harang.
02:22Yun nga lang po yung request namin.
02:24Hindi lang po itong magawa.
02:26Pati po sana hanggang doon,
02:27hindi po nakahapay po ng pader din.
02:29Baka sa kalipid.
02:31Paliwanag ng CDRMO,
02:33pag-aari ng pribadong kumpanyang
02:35A.H. Auroleo and Sons Rizal Sleepway ang pader.
02:38Sinubukan naming humingi ng pahayag sa kumpanya
02:40pero direkta na raw sila nakikipag-ugnayan sa City Hall
02:43at aayusin ang pader ngayong linggong ito.
02:46Kausap na po natin yung may-ari ng kumpanya.
02:50Ay papalitan nila yung pader po na yan.
02:53Kaya lang ngayon po kasi,
02:55siyempre hindi naman matatapos na isang araw po yan.
02:57Tama, o po.
02:58So, mag-tataas na naman yung high tide.
03:01So, kailangan may gawin tayong temporary na paraan.
03:06Ang gagawin lang naman ho dyan
03:07ay bubuhusan lang po nila ng simento.
03:10E, permanente na ho nila yung backwood para po dito.
03:12Ayon sa CDRRMO, matagal na dapat kinumpo niyang pader.
03:17Unfortunately, kung titignan niyo ho yung mga bahayan,
03:19parte na ho ng dingding nila yung wall eh.
03:22Parang nakiusap na huwag mo ng iba yun kasi maapektuhan yung mga nakatira dito eh.
03:25Nasa 40 hanggang 60 na pamilya naman ang apektado ng pagbaha
03:29na nasa evacuation center na.
03:32Nahihirapan namang bumaba ang tubig sa ilog
03:34dahil nasira nitong mayo ang malabon na votos floodgate.
03:37Ayon sa MMDA, magagawa na rin ito bukas.
03:40Kung naisasara po natin yun, yung tubig dagat po during high tide hindi makakapasok.
03:45Nagbigay naman ang mga gamot contra leptospirosis ang City Health Office.
03:49Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.

Recommended