Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Hanggang mahigit P2/litro ang posibleng rollback sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo. Pero pagkuwestyon ng ilang motorista, bakit malayo ‘yan sa mahigit 5 pisong pinagsamang oil price hike ngayong linggo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang mahigit 2 piso kada litro ang posibleng rollback sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
00:06Pero pagkwestiyon ng ilang motorista, bakit malayo yan sa mahigit 5 piso pinagsamang oil price hike ngayong linggo?
00:14Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:19Humupa ang takot sa epekto sa supply ng langis ng tensyon sa pagitan Israel at Iran ayon sa Department of Energy.
00:26Kaya bumaba kahapon ang presyo ng Dubai Crude, nabatayan ang presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas.
00:33Nag-react talaga ang merkada ng pagbaba nung nagkaroon ng announcement si President Trump na merong CISPAR na mamamagitan between Israel and Iran.
00:42Pero bahagya lang makahihinga ang bulsan ng mga motorista.
00:46Base kasi sa apat na araw na trading, hanggang mahigit piso sa litro ng gasolina lang ang rollback at mahigit 2 piso lang sa litro ng diesel.
00:54Hindi niyan mababawi ang mahigit 5 piso ang pinagsamang halaga ng dalawang bagsak na increase ngayong linggo.
01:01Maliit pa rin yung rollback eh. Grabe yung itinaas, sobra.
01:06Tataas din po kasi yan. Mag-rollback lang ng parang wala rin. Kasi tandaan nilang tataas din yung diesel.
01:15Pag nagtaas, malaki. Pag nagbaba, maliit. Kaya yung diesel, palobo ng palobo yung presyo. Hindi na babalik dun sa dati.
01:22Wala tayong control sa mga piso ng pagtaan o ng pagbabal.
01:27Sa ngayon, nagsisimulang bumaba. Hindi mag-ganong kalaki yung difference.
01:31Kasi diba ang computation natin ng adjustment for next week, itong linggo,
01:37abis itong linggo nito versus the previous week, eh malaki yung previous week.
01:41So kaya hindi ganon kalaki yung impact ng adjustment ngayon.
01:45Sa kabila na inaasang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na Martes,
01:51tuloy ang panawagan ng grupong TNBS Community Philippines na itaas ang singil sa pamasahe.
01:5720 pesos na dagdag sa base fare ang hirit ng grupo.
02:00Anila taong 2023 pa, nag-file ng Petition for Fair Increase ang grupo at nagkaroon na ng pagdinig.
02:07Naghahain muli sila ng mosyon para magkaroon ng ikalawang pagdinig ngayon taon.
02:11Ito pong rollback na sinasabi nila, tuloy hindi pa naman po talagang sobrang baba.
02:17Kapagbigyan po sana yung hinain namin na madagdagang kami ng 20 pesos.
02:22Sa hirit naman ng mga jeepney transport group na taas singil sa pamasahe ayon sa DOTR,
02:28pinag-uusapan pa ito.
02:29Wala pang tugon ng LTFRB kaugnay ng mga petisyon pero ayon sa DOTR,
02:34Pagkakan nating bagansihin din yung epekto ng pagtaas ng pasahe sa ating mga commuter.
02:41Kailangan pag-aralan natin so ikukonsulta na po natin yan sa ating economic team para makakuha tayo ng guidance.
02:50Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Horas.

Recommended