Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/27/2025
Temporary learning spaces sa Marawi, nilagyan ng Starlink Internet Services ng pamahalaan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mas madali nang gumawa ng assignment at mga project ang mga estudyante sa temporary learning spaces sa Marawi City.
00:07Nagagamit na kasi nila ang Starlink na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:12Makaraang bumisita siya sa Marawi nitong lunes.
00:16Hindi lang yan, malaking tulong din sa pagtuturo ng mga guru,
00:19ang malakas na internet at iakin ang dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan.
00:24Si Janessa Felix sa detalya.
00:26Nawasak ang bahay ng magkapatid na Aslaini at Asmar sa nangyaring gyera sa Marawi City noong 2017.
00:37Napilitang lumikas ang kanilang pamilya at pansamantalang nanirahan sa barangay Sagonsongan, Marawi City.
00:43Damay rin sa nasira ang kanilang paaralan na nasa ground zero,
00:47kabilang ang kanilang eskwelahan sa limang paaralan na inilipat muna sa isang compound sa Sagonsongan na tinawag na Temporary Learning Spaces o TLS.
00:58Mahigit pitong taon na silang naninirahan at nag-aaral sa lugar.
01:02Pero pahirapan pa rin ang internet connection, kahit simpleng signal ng cellphone.
01:06Kailangan pa nilang lumuwas sa bayan para makapag-research at makagawa ng assignments.
01:12Pero problema ang pamasahe, lalot ang amalang nila ang may hanap buhay.
01:16At para makatulong, nagbibenta sila ng pagkain at iba't ibang bagay sa eskwelahan para makaipon ng pamasahe.
01:22Sobrang dirap ng internet, kailangan po namin umingi ng pera sa parents namin para maka-Wi-Fi din.
01:29Yung pumapotapong muna kami sa taon para makasignal din ng konti lang.
01:35Pero hindi nila ito kinakailangang gawin.
01:38Matapos magkaloob si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Starlink Internet Service para sa TLS sa Sagonsongan.
01:45Lubos ang pasasalamat ng magkapatid.
01:47Personal pa na nagpaturo si Asmara sa kanilang guro kung paano gumamit ng laptop.
01:52At maka-access ng mga research materials online.
01:55Salamat po, President Mbong Marcos Jr.
02:00Masaya naman ang senior high school student na si Aslaini.
02:03Lalo't matagal na niyang pinangarap magka-internet sa kanilang eskwelahan.
02:08Malaki pong makakatulong sa amin po yun sa amin mag-aaral dito.
02:13Kasi kahit pa paano, inalis na po yung pagkano ng mga Wi-Fi, yung mga internet po.
02:21Bukod sa mga estudyante, malaking pakinabang rin ito sa mga guru.
02:25Noon, puro printed materials lang ang gamit sa pagtuturo.
02:29Ngayon, pwede na silang makagamit ng mga interactive at video-based educational materials.
02:34Gaya ni Ginang Sariya Ibrahim na naguturo sa elementarya.
02:39Very important sa education, educational process yung teknolohiya.
02:44So, napakalaking bagay po na nabigyan po kami dito, especially dito sa gusong ng TLS,
02:51ng ganitong gadget, laptop at saka yung internet.
02:56Kabilang din ang Bango Elementary School sa mga nabigyan ng Starlink internet device.
03:01Kwente ni Teacher Farida, dahil nasa liblood na bahagi ito ng Marawis City,
03:05hindi sanay ang mga bata sa internet.
03:07Traditional din ang sistema ng kanilang pagtuturo,
03:10lalo't dagdag gasto sa estudyante ang paggamit ng internet.
03:13Very different po, especially ngayon is malakas talaga yung connection.
03:19So, mapapadali yung trabaho namin.
03:24Excited naman si Raisa Manso para sa kanyang anak.
03:27Mas ganado na kasi itong mag-aral.
03:29Dahil sa mga interactive materials na gamit ng kanyang guro.
03:33Ito ang kauna-unahang pagkakaroon ng internet connection sa paaralan.
03:37Kaya't bubos ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Marcus Jr.
03:40Malaking tulong sa kanila kasi, especially sa mga bata na mag-research nila.
03:48Grabe yung malakas yung internet.
03:51Dati, isa sa mga hamon ng mga taga-marawi ang mabagal na internet connection.
03:56Pero ngayon, malaki na ang pagbabago na nararamdaman sa lungsod.
04:00Dahil sa pagkakabit ng Starlink, mas mabilis na ang connection ng internet.
04:05Mas malawak ang coverage.
04:06At mas magiging konektado na ang mga residente mula sa iba't ibang bahagi ng bansa at ng mundo.
04:13Ayon na sa ilang mga istudyante at mga negosyante, malaking tulong ito sa kanilang pag-aaral at sa kanilang negosyo.
04:19Ito nga ay isang hakbang patungo sa mas progresibong marawi.
04:22Kabilang din ang Baccarat National High School, ang Goyao National High School at Kabasaran Primary School sa mga liblib na lugar na nabigyan ng Starlink internet device.
04:34Layunin ang proyektong ito na tulungan ng mga istudyante at guro na magkaroon ng mas maayos na akses sa internet para sa edukasyon.
04:42Ipapasalamat po kasi kami kay President Bongbong Marcos sa binigay niya po sa amin.
04:50To our President, President Bongbong Marcos, we are forever grateful for this Starlink.
04:58Salamat po President Bongbong Marcos Jr.
05:03Thank you President Erdina Bongbong Marcos Jr.
05:10Janessa Felix para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended