Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binawi na isang nagpakilalang alias Rene,
00:03ang mga elegasyon laban kay Pastor Apolo Quiboloy
00:05at pagdawit sa mag-amang Rodrigo at Sara Duterte.
00:09Binayaran lang umunod siya ng 1,000,000 piso ni Sen. Riza Ontiveros.
00:15Tinawag naman itong kasinwalingan ng Senadora.
00:18Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:23February noong nakaraang taon,
00:25nang iharap ni Senadora Riza Ontiveros sa pagdinig ng Senado
00:29ukol sa mga umunay pang-aabuso sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ,
00:34ang isang lalaking nakatakip ang muka at pinakilala bilang si alias Rene.
00:39Si alias Rene ay cardinero rao sa Glory Mountain property
00:43ni Pastor Apolo Quiboloy sa Davao City,
00:46na nakaranas daw ng pananakit sa kamay mismo ni Quiboloy
00:49at sekswal na pang-aabuso sa ibang miyembro ng KOJC.
00:54Pero isa sa pasabog na pahayag noon ni alias Rene
00:56ang nasaksiyan rao niya nang dumalo-umunok kay Quiboloy
01:00si nadating Pangulong Rodrigo Duterte
01:02at noy Davao City Mayor Sara Duterte.
01:05Minsan po pumupunta din po doon si former President Rodrigo Duterte
01:11at former Mayor Davao Mayor Sara Duterte.
01:15At pag umaalis na po sila doon sa Glory Mountain,
01:20dala na po nila yung mga bag.
01:22Na siya pong bag na nilalagyan po ng mga baril.
01:25Nakita mo ng sarili mong mata na inilabas ang laman ng mga bag
01:30at ang lamang ito ay mga baril na iba't ibang klase?
01:35Yes, pa man naman siya.
01:37Pero ngayon sa isang video na pino sa YouTube at Facebook account
01:41ng isang pagtanggol valente,
01:43lumutang ang isang lalaking nagsasabing siya si alias Rene.
01:47Nagpakilala siya bilang si Michael Maurilio
01:50at binawi ang kanyang mga aligasyon sa pagdinig ng Senado.
01:53Ako po yung witness, kinawang witness ni Senrisa Ontiveros
01:57na nakatakip yung muka.
02:00Pero ngayon, hindi na sapagkat nagsasabi na ako ng totoo.
02:04Lahat ng sinabi ko at kasama ko doon na nag-witness sa Senado
02:10ay ginawa lamang ni Senrisa upang papagsakin si Pastor
02:14at ang buong kingdom.
02:16Aniya, dinagdagan umano ng abugado mula sa opisina
02:19ni Senadora Riza Ontiveros ang kanyang affidavit.
02:22Wala rin daw katotohanan ang sinabi niya ukol sa mag-amang Duterte.
02:27Nandun din yung aligasyon na sa di umano ay nasaksihan ko
02:32tungkol sa mga baril na sangkot si Sarah Duterte
02:36at dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman totoo
02:39dahil wala naman akong nasaksihan na gano'ng pangyayari.
02:44Sabi pa ni Maurilio, binayaran umano siya ng isang milyong piso
02:47para sabihin ang mga bagay na ito.
02:50Pinatira din daw siya sa isang kondo noong panahon na yun.
02:54Ang mga sinabi ngayon nang nagpakilalang si Alias Rene
02:57tinawag ni Ontiveros na kasinungalingan.
03:01Lahat daw ng witness na iniharap sa Senate hearing
03:03tungkol kikibuloy ay malaya at muluntaryong nagbigay
03:07ng kanilang testimonya at mga ebidensya.
03:10Lahat daw ay may paper trail at pinatunayan pati
03:13ng ilang ahensya at opisyal.
03:15Handa daw silang ilabas ang iba't ibang screenshot at video sa tamang panahon.
03:20May rason daw sila para maniwala na pinilit
03:22o binayaran ito para madiskaril ang mga criminal proceedings
03:26laban sa pastor at pagbantaan ang kanyang mga staff
03:29at iba pang witness na nagsalita laban kay kibuloy.
03:33Naghahanda na daw sila ng legal na hakbang
03:36laban sa anay ay harassment at intimidation.
03:39Hindi daw nila palalampasin ang mga nasa likod ng pananakot na ito.
03:43Sinusubukan pa namin kunin ang panig ni Kibuloy at na mga Duterte.
03:48Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.

Recommended