Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/19/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kakao!
00:05Sama-sama tayong magiging!
00:08SAKSI!
00:15Bago sa Saksi, natagpo ang patay ang dalawang batang na iulat na nawawala sa sunog na sumiklab sa Santa Mesa, Manila.
00:23Saksi, si Ian Cruz!
00:24Pag-aulas 4 ng hapon kanina, nang sumiklabang malaking sunog sa NDC Compound 1 sa Road 12, Barangay 628, Santa Mesa, Maynila,
00:37nagkaroon din ng malakas na pagsabog.
00:44Si Aling Milen inunang isalba ang buhay ng apo sa tuhod na isang taong gulang.
00:50Binuhat ko na ang apo ko, saka na akong ulohabas.
00:53Ano narinig mo nung simula pa lang?
00:57Yun lang, yung sigaw nung kaninong bahay ito, umuusok, yun lang, lumabas na ako, kasama ko yung apo ko.
01:04Napakainit dito sa Santa Mesa kanina at tagawa sa light materials yung karamihan sa mga bahay dito.
01:10Napakalakas pa ng hangin kanina kaya naman mabilis na kumalat ang apoy.
01:14Ang sentro ng sunog, nasa pagitan ng mga gusali,
01:17kabilang na ang building ng College of Communication at College of Engineering ng Polytechnic University of the Philippines,
01:23nasunog din ang ilang sasakyan dahil hindi na nailipat sa bilis ng pagkalat ng apoy.
01:28Giniba na rin ang mga bumbero ang pader para makabugan ng tubig.
01:32Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang dahilan ng sunog na umabot sa ikaapat na alarma,
01:37maging ang sinasabing na-trap na dalawang bata.
01:40Isa lang po yun sa tinitingnan ng ating mga arson investigators.
01:43Alin po sir, yung...
01:44Yung sinasabi kanina na aircon na nag-alipat.
01:48Sa lukuyan po, nag-overhaul ang ating mga kasamahan ng mga bumbero
01:52para makita po yung sinasabi nila na lugar kung saan mayroon daw pong naiwan na bata.
01:59Ilang bata daw po yun?
02:00So far sir, nasabi nila dalawa pero subject pa rin po ng confirmation ng ating mga kasamahan.
02:07Ayon sa Bureau of Fire Protection, Manila,
02:09niyati ang isandaang pamilya apektado ng sunog.
02:12Dalawa naman ang naitalang sugatan na nagtamu ng paso at sugat.
02:16Mag-aalas 7 ngayong gabi, nang indiklarang fire under control ang sunog.
02:20Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz ang inyong saksi.
02:25Isa pang bago sa saksi, tatlo ang nasawima tapos mabanggan ang truck
02:29ang isang tricycle sa New Washington sa Atlanta.
02:32At ayon sa pulisya, nakaidlip umano.
02:34Ang driver ng truck.
02:36Saksi, si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
02:39Wasak na wasak ang isang tricycle matapos aksedenteng mabangga ng isang tanker truck
02:48sa barangay Otsyando, New Washington na clan, pasado alas 7 kaninang umaga.
02:53Ayon sa New Washington Police, nasa magkabilang lane ang tricycle at truck
02:57ngunit nakaidlip umano ang driver ng truck.
02:59Kaya naagaw nito ang lane ng nakasulubong na tricycle.
03:03Nakaidlip niya siya ma'am, kagpalinag going to the left na siya ma'am.
03:06So naka-on niya ang lane ng aton na tricycle.
03:09Patay ang driver ng tricycle at dalawang iba pa.
03:11Sugatan naman ang apat pang sakay ng tricycle na patuloy na ginagamot sa hospital.
03:16Hawak na ng mga pulis ang driver ng truck na mahaharap sa reklamong reckless improvements
03:20resulting in multiple homicide, damage to property, and physical injuries.
03:25Sa lalawigan ng antike, tourist van at bus naman ang nasangkot sa disgrasya.
03:30Sa videong yan, makikita nga halos wasak na ang tourist van.
03:35Ang bus naman, nasa haligin ng balkonahin ang isang bahay matapos bumanga.
03:40Ayon sa Pandan Police, papunta sa bayan ng Pandan ang van mula sa nabasaklan.
03:44Ang bus naman, mula Pandan patungon ng mga kaliboaklan.
03:48Ngunit pagdating sa barangay Fragante, Pandan, Antike, pasado alasais kaninang umaga,
03:53lumipat ang van sa lane ng bus.
03:55Ang van, medyo tasig niya dalagan, ma'am.
03:58Tapos pabit niya na sa may korna, delicious outer lane.
04:02Nagamat-amat siya patunga.
04:04Dito kala sa lane sa coming na vehicle, it's serious, ma'am.
04:09Tapos lagi niya mabawi, mabangkuhan, makabalik sa iyo lugar.
04:14Dahil sa impact, nagtamo ng matinding head injuries ang driver ng van na dahilan ng kanyang pagkamatay.
04:21Sugata naman ang driver ng bus, gayon din ang siyama sa kanyang mga pasahero.
04:25Nasa kusturya na ng pulisya ang driver ng bus para sumailalim sa investigasyon.
04:31Para sa GMA Integrated News, Kim Salinas ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
04:37Walang haba sa namaril ang tatlong lalaki sa San Jose del Monte, Bulacan.
04:43Dalawa ang nasugatan.
04:45Saksi, si Mark Salazar.
04:50Pasado hating gabi nitong Sabado,
04:52hagip sa CCTV ang tatlong lalaking tila may minamanmanan sa Eskinita sa pabahay 2000,
04:59Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.
05:02Bigla silang naglabas at nagpaputok ng baril.
05:05Nagpulasan ang mga pinaputokan, pero dalawa sa kanila ang tinamaan.
05:10Base rin po sa mga salaysay ng mga biktima po.
05:15May isang lalaki na nagsadya sa kanila nakisindi lang ng sigarilyo.
05:20Ang alias nun ay alias bilog.
05:24Nakisindi lang sa kanila ng sigarilyo.
05:26Mayan maya may dumating na tatlong katao na armado ng mga baril.
05:31Doon na walang habas na pinagpabaril.
05:33Kaya itong dalawang biktima ay natamaan po sa iba't ibang parte na katawan nila po.
05:41Ito si alias bilog na target daw ng mga suspect pero nakaligtas.
05:46Yung pong target ng mga suspect ay yung pong alias bilog na nakisindi lang po sa mga biktima ng sigarilyo.
05:52Ano pong, ano pong motibo nila kay Bilog?
05:57Parang may alitan po ata sa grupo ng mga suspect.
06:01Mas maganda pong si Bilog ang magsabi sa amin kasi mas,
06:06kung gusto niya pong magsamparin lang kaso laban po sa mga tatlong suspect,
06:10maaari po siyang magsadyarin sa aming impilan.
06:12Parang para po maliwanagan kung ano po ba ang motibo nung mamamarel laban sa kanya.
06:18Misteryo din ang imbestigasyon itong si Bilog.
06:21Dahil kagaya ng mga suspect, nagtatago na rin siya.
06:24Ano sabi ng anak, kung kilala niya ba yung si Bilog?
06:28Parang kasi lagi naman sila nagbabasketball.
06:31Kabasketball kasi ang laro ng mga yan.
06:33Pagtapos sa mga trabaho nila.
06:35Usap-usapan lang po dun about sa drugs daw.
06:38Nagkalokohan daw po yung bilog tsaka yung baril.
06:43Natukoy at nasampahan na ng reklamo ang tatlong na maril na patuloy na tinutugis.
06:48Yung mga suspect po, hanggang sa ngayon hindi pa rin po matukoy kung saan po ang kanilang mga pinagtataguan.
06:57Kasi pinaloa po ng tropa.
06:59Hindi na po naabutan dun sa pilangyarihan po.
07:02Nakalabas na ng ospital ang dalawang biktima ng pamamarel.
07:06Nahihirapan siya.
07:08Paano mo?
07:10Pahirap siya. Masakit. Mahirap maglakad tapos masakit yung dito. Papabalik na sa ospital ngayon.
07:15Tapos na po siya operahan. Naoperahan na po.
07:18Sabi 38 kalibre daw po yung nakoka na bala.
07:23Opo, sabi po.
07:24Patuloy ang investigasyon sa krimen.
07:26Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
07:34Bukas daw si Pangulong Bongbong Marcos na makipagkasundo sa mga Duterte
07:38at ipinauubaya rin daw niya sa Senado ang tukos sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
07:46Saksi, si Ivan Mayrina.
07:47Ang pahayag na ito ni Vice President Sara Duterte noong Sabado,
08:00kaugday na napipitod niya impeachment trial.
08:02Binatiko si Partialist Representative Elect Laila de Lima,
08:05na isa sa magiging miyembro ng House Prosecution Panel.
08:09Anya, makokontem ang defense team ni Duterte
08:12kapag sinubukan manggulo at magdrama sa paglilitis.
08:15Dapat siguro magkaroon ng panibagong kaisipan yung ating Vice President.
08:23Yung kanyang mindset, baguhin niya dapat dyan
08:26because it is so unbecoming of a high official.
08:30Inalmahan din ito ng Malacanang.
08:32Medyo may pagkabayulente ang tugon ng ating Vice Presidente
08:36pero we hope that it is just a figure of speech
08:40and it should not be taken literally.
08:42Sinubukan namin kunin ang komento ng Vice pero wala pa siyang tugon.
08:45Sa bagong panayam kay Pangulong Bongbong Marcos
08:48sa kanyang kauna-unahang podcast,
08:50tinanong siya kung masasabi ba niyang ayaw niya na impeachment.
08:54Sagot niya rito,
08:55Yung impeachment, nasa Senado na yan.
08:58Pabayaan natin sila, may proseso yan.
09:01Pabayaan natin ang proseso.
09:03Ako, basta ang nasa isip ko,
09:07tapos ng eleksyon,
09:09balik sa trabaho.
09:10Gawin na natin lahat.
09:12We're the new lessons learned.
09:15Bukas din daw ang Pangulo
09:16na makipagkasundo sa mga Duterte.
09:18Oo.
09:19Ako, ayaw ko ng gulo.
09:21Gusto ko makasundo sa lahat ng tao.
09:23Mas maganda pala.
09:25Marami na akong kaway.
09:26Hindi ko kailangan ng kaway.
09:28Kailangan ko kaibigan.
09:29Hanggat maari.
09:30Ako, ang habol ko,
09:33yung stability,
09:35peaceful,
09:36para magawa namin yung trabaho namin.
09:39Kaya ako,
09:40lagi nga akong bukas sa ganyan.
09:42I'm always open to any approach na,
09:46alika, magtulungan tayo.
09:47Diba?
09:47Kahit hindi tayo magkasundo sa pulisiya.
09:50Hindi tayo magkasundo.
09:51Gawin na yung trabaho,
09:52pero huwag niya tayong nangugulo.
09:54Wala pang tungon dito si Vice President Sara Duterte,
09:57pero naiparating na raw ito sa kanya.
09:59Ayon sa Office of the Vice President.
10:02Sinagot din ang Pangulo
10:03ang sitwasyon ng droga at peace and order,
10:05bagay na madalas ipaghambing
10:07sa Administrasyong Duterte.
10:09Ayon sa Pangulo,
10:10hindi malita po share,
10:11kundi mga malalaking dealer
10:12ang hinahabol nila.
10:14Hindi rin daw siya pabor sa patayan
10:16pagdating sa kampanya kontra droga.
10:19At kahit ano paman daw ang dato sa krimen,
10:21ipinag-utosan niya sa pulisya
10:22na pahigtingin pa ang police visibility
10:24para mapanatag ang loob
10:27ng mga mamamayan.
10:28Siguro dapat nga talaga
10:30maging mas mabagsik talaga
10:32dahil wala eh.
10:35Kailangan talagang maging
10:37mas efficient, mas mabilis.
10:40I want to be respected
10:41but maybe fear is better.
10:43Aminado naman ng Pangulo
10:44na hindi nakuha ng kanyang mga kandidato
10:46sa alyansa
10:46ang resultang naisanan nila
10:48nitong nagdang eleksyon.
10:50Nagsawa na ang Pilipino sa politika.
10:55Sawan-sawa na sa politika.
10:57Disappointed ang tao
10:59sa servisyo ng gobyerno.
11:01Hindi nila nararamdaman
11:02at masyadong mabagal
11:05ang gano'n
11:06ng paghubuo
11:08ng mga project
11:09na hindi pa nila maramdaman.
11:11Nang maopong Pangulo
11:12masyado rong nila
11:14pinagtuunan ng pansin
11:15ang mga malalaking proyektong
11:16pangmatagalan
11:17pero hindi agad ramdam ng tao.
11:20Tunad ang pangako niyang
11:2020 pesos kada kilong bigas
11:22na hinabot ng tatlong taon
11:24bago naisa katuparan.
11:26Pagsiguro ng Pangulo
11:27nakikinig ang Administrasyong Marcos
11:29sa hinaingat pangangailangan
11:31ng mga Pilipino
11:31at hinahanapan daw nila
11:33ng solusyon
11:34ang mga ito.
11:36Para sa GMA Integrated News
11:38ako si Ivan Mayrina
11:39ang inyong saksi.
11:41Mga kapuso,
11:42maging una sa saksi.
11:44Mag-subscribe sa GMA Integrated News
11:46sa YouTube
11:46para sa ibat-ibang balita.

Recommended