Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/25/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasawi ang siklistang nabangga na SUV matapos umiwas sa nakaparadang van pero tinamaan pa rin ng bumukas na pinto.
00:08Ang isang motorcycle taxi naman sumemplang at tumama rin sa dalawang SUV.
00:13Saksi si Chino Gaston.
00:18Sa kuhang ito ng dashcam ganinang umaga sa bahaging lampas ng Shaw Boulevard Tunnel sa Mandaluyong City,
00:24kita ang pagsemplang ng motorsiklo ng isang ride-hailing service matapos bumangga sa isang SUV.
00:31Saktong nabanggarin ng motorsiklo ang isa pang SUV na may kuha ng dashcam.
00:37Humandusay sa kalsad ng rider at ang kas nito at pareho silang nahirapang huminga at kumilos.
00:44Maya-maya pa ay isinakay sila sa ambulansya.
00:47Nagtamo ng pinsala ang motorsiklo at ang SUV.
00:51Masakat naman yung bibig ko.
00:52Masakit na po talaga, masakit na.
00:56So si rider po, nasanggi siya nung kabilang sasakyan, dun sa right lane.
01:01Tapos nung nasanggi siya, kumabig siya pakaliwa, e sakto, nandun yung sasakyan ko, padaan ako.
01:07Tumama siya dun sa harap ng sasakyan ko.
01:10Kaya yun, tumalsik siya.
01:12Hindi na nakuna ng pahayag ang driver ng unang SUV na nabangga ng motorsiklo.
01:17Alas tres ng hapon naman kahapon, pumarada ang puting van na ito sa bike lane sa barangay Kapitolyo sa Pasig City.
01:24Mabagal ang daloy ng trapiko habang nagbababa ng mga i-deliver na tubig ang driver at kasama niya.
01:30Maya-maya pa, isang nakapulang siklista na nasa bike lane.
01:34Ang nag-overtake sa isa pang siklista at tila umiwas sa nakaparadang van.
01:39Pero biglang bumukas ang pintuang kaya tinamaan pa rin ang nakabisikleta.
01:44Pagkadaan nung ating biker po, nakabump siya doon sa likod nung nakabukas na pinto.
01:52Tapos that's the time po na tumalsik po siya sa lane na kung saan po,
01:58tumadaan din po yung Montero Sport.
02:00Nasa gasaan at dead on the spot ang 36-anyos na siklista na pauwi na sana sa kainta Rizal mula sa kanyang trabaho.
02:08Ayon sa pamilya ng biktima, dalawang araw ibuburol sa kanilang bahay sa kainta ang kanyang labi bago dalhin pabalik ng Iloilo City.
02:16Arisado ang 40-anyos na driver ng SUV at 59-anyos na driver ng delivery van.
02:23Nahaharap sila sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.
02:28Na-inquest na sila at in-impound ang dalawang sasakyan ay sa pahayag ni Mayor Vico Soto.
02:35Nangako rin daw ang Traffic and Parking Management Office na mas mahigpit pang ipatutupad ang batas trapiko lalo na sa bike lane.
02:43Sinusubukan na rin daw nilang makipag-ugnayan sa pamilya ng biktima.
02:47Paalala ng kapulisan sa mga nagmamaneho ng sasakyan o di kaya nagbumotor.
02:53Huwag dadaan o paparada sa mga bike lanes dahil ito'y para sa kaligtasan ng mga nagbibisikleta at hindi para gamitin ng mga motorista.
03:02Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
03:06Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:10Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended