Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
24 Oras: (Part 2) Siklista, tinamaan ng pintuan ng van na nakaparada sa bike lane at nasagasaan ng dumaraang SUV; SUV na minamaneho ng 13-anyos, nakabangga ng van, 23 sugatan; tumestigo noon vs. Quiboloy at mag-amang Duterte, iginiit na binayaran siya ni Sen. Hontiveros; Senadora, tinawag na kasinungalingan ang paratang, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Disgracia ang inabot ng isang siklista na umiwa sa bahagi ng bike lane na pinaradakan ng isang van sa Pasig City.
00:07Tumumba kasi siya nang bumukas ang pintuan ng van at siyempong dumaraan naman ang isang SUV, ang kanyang sinapit.
00:14Panuorin sa pagtutok ni Chino Gaston.
00:16Mabagal ang daloy ng traffic sa Shaw Boulevard alas 3 ng hapon kahapon nang magpark ang puting delivery van na ito sa bike lane sa barangay Kapitolyo sa Pasig City.
00:31Nagbababa ang driver at kasama nito ng mga i-deliver na tubig.
00:34Maya-maya pa, isang nakapulang siklista na sa bike lane ang umovertake sa isang siklista at tila umiwa sa nakaparadang van.
00:42Pero biglang bumukas ang pintuan kaya tinamaan pa rin ang nakabisikleta.
00:49Pagkadaan ng ating biker po, nakabamp siya doon sa likod ng nakabukas na pinto.
00:57Tapos that's the time po na tumalsik po siya sa lane na kung saan po tumadaan din po yung Montero Sport po.
01:05Nasa gasaan at dead on the spot ang 36 anyos na nagbibisikleta na pauwi na sana sa Kainta Rizal mula sa kanyang trabaho.
01:14Aristado naman ang 40 anyos na driver ng SUV at ang 59 anyos na driver ng delivery van.
01:23Nahaharap sila sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide.
01:26Ayon sa pamilya ng biktima, dalawang araw ibuburol sa kanilang bahay sa Kainta ang kanyang mga labih bago dalhin pabalik ng ilo-ilo sa Visayas.
01:36Paalala ng kapulisan sa mga nagmamaneho ng sasakyan o di kaya nagmumotor.
01:41Huwag dadaan o paparada sa mga bike lanes dahil ito ay para sa kaligtasan ng mga nagbibisikleta at hindi para gamitin ng mga motorista.
01:50Para sa GMA Integrated News, sino gastong nakatutok? 24 oras.
01:57Disgrasya dahil sa driver na edad labing tatlo.
02:02Kabilang siya sa 23 sugatan ng mabangga nang minamaneho niyang SUV ang isang van sa La Union.
02:11Nakatutok si Rafi Tima.
02:16Wasak ang harapan at gilid na bahagi ng van na yan.
02:19Matapos mabangga ng isang SUV sa San Juan La Union noong linggo.
02:23Nangyari umano ang aksidente sa kurbadang bahagi ng kalsada.
02:27Yung SUV sir, papunta siya ng, galing siya ng back mountain, papunta siya ng south.
02:31Yung van naman sir, papuntang north siya.
02:35So along dito, sa may national highway natin, doon sa may tabi ng munisipyo ng San Juan, sharp curve kasi yun sir eh.
02:43Sa business investigation sir, itong SUV, napapuntang siya, nag-import siya doon sa lane ng van.
02:52Kaya nabanggan niya po yung van.
02:54Ang nagmamaneho ng nakabanggang SUV, babaeng edad labing tatlo lang umano.
02:58Sugatan ang 21 sakay ng van, pati ang minority edad na driver ng SUV at kasama nitong 14 anyos.
03:04Mga ganong mga edad sir, ang civil liability kasi ng sir, mapupunta sa magula.
03:10Kung hindi sila magkasundo sa mga kailangan sigurong bayanan,
03:15siyempre karapatan din yung mga nasugatan, yung mga, yung may-ari ng bahay,
03:21yung mag-ina na talagang na fracture na magpail ng kaso,
03:27yung civil liability nga sir, para magbayad yung magula.
03:31Paglilino ng pulisya,
03:32Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng mga sangkot sa aksidente.
03:46Kasalukoy namang nasa kustudiya ng San Fernando City Social Welfare and Development
03:50ang dalawang minority edad.
03:52Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
03:57Itinanggi ng konduktor ng bus, ang akusasyong siya ang ng taser
04:01o nang oryente sa viral na paralakit sa PWD sa Edsa Bus Carousel,
04:06ang uploader naman ng nag-viral na karalakan ng mga bus sa Nueva Vizcaya,
04:10sasampakan ng cyber libel ng bus company.
04:13Nakatutok si Joseph Moro.
04:15Hindi lang pinagtulungang bugbugin sa isang bahagi ng viral na video maririnig ding teenager
04:24o kinoryente ang isang 25-anyos na person with disability
04:30na sakay ng isang bus sa Edsa Bus Carousel noong June 9.
04:34Nasi CC ang driver at konduktor ng bus ng Precious Grace Transport.
04:38Inakasuhan din ang konduktor na siyang ng taser.
04:42Pero sa pagharap nila sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB
04:46bilang pagsunod sa show cause order,
04:49itinanggi ng konduktor na si Francis Sauro na siya ang ng taser sa biktima.
04:54Sabi niya bumaba siya sa bus para i-report ang pangangagat ng biktima sa kapwa-pasahero nito.
05:00Sabi po nung pasero na kuya pababahin mo na lang itong pasero mo nangangagat na naman.
05:06Sababa ako nung time na yun eh.
05:08Pag-akit ko po, nahumingi ako, magpasis ako sa guard doon.
05:12Hindi ko naman nakakalain na bugbug na pala nila.
05:15Tatlong lalaki aniyaan ng bugbug at sa kumalot na video na niya nakitang tinaser ang biktima.
05:20Ba't ako nadami eh? Ba't ako pa yung gumamit ng taser?
05:23Habi nga, wala po sir.
05:25Ayon sa LTFRB may pananagutan pa rin ang konduktor at driver.
05:29Every operator is required to provide safe spaces to all boarding passengers.
05:35It would appear now that may pagkakamali, administrative liability,
05:40considering na meron ngang pagbubugbog na naganap.
05:44Hinihingi ng LTFRB ang CCTV sa loob ng bus.
05:47Ayon sa kumpanya, may lima silang CCTV sa loob, pero maaaring naburo na umano.
05:52Generally, 72 hours lang yung memory.
05:57It is something that maybe the board has to look into.
06:02Sa ngayon, pinaimbestigahan ng DOTR sa PNP Cybercrime Group ang post ng isang posibleng security guard
06:08na nagbabala sa mga umunay nangangagat na pasahero.
06:13Sabi kasi niya sa post, buti at dala niya ang kanyang pang-oriyente noon.
06:17Kakasuan siya ng pamilya ng biktima.
06:19Sa pagdinig naman, kaugnay ng viral nakuha ng umunay karirahan ng mga GV Florida bus sa Nueva Vizcaya,
06:27sinabi ng abogado ng kumpanya na isang bus lamang ang lumabag sa batas batay sa video.
06:32Yung unang nag-overtake sa kaliwa, napakabagal niya, I do not agree that there was recklessness on his part.
06:41Yung nag-overtake doon sa kanan, that is allowed by 4136.
06:45Yung huli na nag-overtake sa pickup at in-overtake pa niya yung kasama niya approaching Yule Lane, I agree.
06:52He deserves sanction.
06:56Sasampahan ng kumpanya ng cyber libel ang nag-upload ng video na umunay may matagal nang gusot ang pamilya sa may-ari ng Florida bus.
07:05The fast forward together with the caption, ginawang racetrack ang kalsada is very damaging. It's not truthful.
07:15Sinusubukan naman naming kuhanan ang pahayag ang uploader.
07:18Apparently, he's not willing to appear, although we will be summoning him during the next hearing.
07:27Ayon kay Transportation Secretary Vince Dison, poprotektahan siya ng ahensya at bibigyan ng legal assistance laban sa aninitoy harassment.
07:35Patuloy na hinihikayat ng DOTR ang publiko na mag-report at magpadala ng video ng mga abusadong driver sa DOTR.
07:42Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
07:47Kaugnay naman ang pahayag ni Senate President Cheese Escudero na matigas ang ulo ng Kamara,
07:54sinabi ng huli na hindi sila nagpapahirap at gusto lang daw nila simulan agad o port with ang impeachment trial.
08:04Nakatutok si Tina Panganiban Pero.
08:06Dalawang pleadings ang inihain ng House Prosecution Panel sa Senate Impeachment Court kanina.
08:14Una, ang submission ng kopya ng resolusyong inaprobahan ng Kamara para sertipikahang sumunod ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte
08:24sa constitutional requirement na isang impeachment complaint lang ang pwedeng simulan laban sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
08:33We have our legal basis and factual basis to say na it was constitutional to begin with po.
08:38Pangalawa, ang manifestation ang muling pagsusumite ng entry of appearance na mga miyembro ng House Prosecution Panel.
08:46Because pinunan nila that when the entry of appearance was made, the impeachment court was not yet convened.
08:54So, niretile namin para wala ng issue.
08:56Binigyan din ang House Prosecution Panel ng kopya ng pleadings ang mga abogado ng vice.
09:02Sinagot naman ng Kamara ang puna ni Impeachment Court Presiding Officer Cheese Escudero na matigas ang kanilang ulo
09:09at ginagawang mahirap ang mga proseso dahil ayaw tanggapin ang ibinalik na articles of impeachment at ibang dokumento.
09:17Hindi naman kami nagpapahirap.
09:19Kaya hindi pa matanggap ng House because there was a motion approved sa plenary.
09:25Doon naman sa entry of appearance, again, pinapaliwanag natin, wala naman tinanggihan.
09:32Hindi nga lang kasi nagpakilala ng maayos ang mensahero kung ano yung binibigay nila sa House na dokumento.
09:39Hindi naman sinabi kung entry of appearance to o para saan.
09:43Ang gusto natin, isang trial na magawa forthwith.
09:46Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok 24 oras.
09:55Di lang sa Lireo kundi pati sa mundo ng mga tao, damang-daman ni Sparkle Beauty Queen Michelle D.
10:02ang pagiging Hara o Reyna.
10:05Sing-init kasi ng supporta sa kanyang pagganap as Hara Cassandra ang natanggap ng kanyang first single
10:10na may bagong music video pa.
10:13Makichika kay Nelson Canlas.
10:14Nag-tapatan na ang mga Reyna ng Lireo at Miniave, pero hindi sa isang madugong bigman, kundi sa Bato-Bato-Pic.
10:29Yan ang kwelang post sa TikTok ni Hara Cassandra Michelle D.
10:33na nanalo sa laban kontra kay Keramitena Rian Ramos.
10:37Paano ba namang kasi pang malakasan ang brilyante ng hangin na hawak ni Cassandra?
10:43Thankful and excited parati si Michelle every time na pag-uusapan ang kanyang role sa Encantadia Chronicles Sangre.
10:51Na-challenge kasi siya at must na-explore ang creative juices nila ng kanyang BFF na si Rian.
10:58Iba talaga magmahalang Encantadix and alam natin na malalimang hugot nila sa every character that comes out.
11:07I have nothing but my gratitude to the network of course for the trust to play that.
11:15This Reyna keeps on going.
11:18Dahil matapos ang launch noong March ng first ever single ng Kapuso Beauty Queen,
11:23ibang bihis naman ang music video ngayon.
11:26This time to celebrate pride naman ang goals ng ating Reyna.
11:31Ever nakakataba ng puso Sir Nelson.
11:33We launched it months ago and it's still hitting, it's still going strong
11:39and I really have the whole sangkabaklaan and everyone that resonates with it to thank for that.
11:44May pa-shoutout naman si Michelle para sa co-encantadic niyang si Sangre Danaya Sanya Lopez.
11:50Hamo ni Michelle na magpuksaan din ang kanilang alter egos na Reyna at Asya's Mechanico sa isang collab.
11:59Actually, Sanya ha, I'm waiting for that. Hot Maria Clara mo and Reyna, magkikita soon.
12:05Nelson Canlas updated sa Shubis Happenings.
12:08Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang pagtutol ng ICC prosecutor sa hiling na interim release
12:16para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
12:18Kabilang diyan ang pangamba ng prosekusyon dahil makapangyarihan pa rin umano ang mga Duterte.
12:24Nakatutok si Marisol Abdurrahman.
12:26Hindi raw maintindihan ni Vice President Sara Duterte ang mga rason ng prosekusyon sa pagharang nito sa hinihinging interim release
12:38para sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
12:41Isa kasi sa idinadahilan ng prosekusyon, ang pagkakaroon pa rin ng makapangyarihan mga kamag-anak at kaalyado kabilang ang BISI.
12:49But my power and authority do not extend beyond Philippine shores.
12:56So kung saan man yung bansa na may interim release ay wala tayong say doon at hindi makikinig yung gobyerno doon sa Philippine Vice President.
13:14Ipinunturin ang prosekusyon ang mga pahayag ng kanyang pamilya.
13:18Dapat siguro ang kanilang pinagbabasihan lang ay yung actions and actions and sinasabi ng akusado.
13:27At kung ano yung sinasabi ng country where he will be released to, napakamali na gagamit sila ng rason para ikontrahin ang petisyon ng isang akusado base sa statements ng pamilya.
13:52Kasama sa kondisyong inilatag ng International Criminal Court, para mabigyan ng interim release ang isang akusado, masigurong hindi nito mahaharang o mailalagay sa panganib ang investigasyon.
14:03He never did anything against the witnesses.
14:10Noong siya ay pangulo nga, hindi nga niya trineten yung mga biktima eh.
14:15Pangulo siya noon, meron siyang power and authority.
14:19E ngayon pa na nasa loob na siya ng detention unit.
14:26And lalo na kapag nasa ibang bansa na siya.
14:29It is clear that he is in court requesting for interim release and signifying that he will comply with all the obligations, I suppose.
14:42Nasa pampanga ang BISI para sa pagdariwang ng kasarilayaan ang taon ng selebrasyon ng Office of the Vice President para sa Pride Month.
14:50Kagagaling lang niya ng Australia para sa Free Duterte Rally kasama ang mga Pilipino doon.
14:55Pinuna ng ilan, kabilang na ang Malacanang, ang biyaheng ito ng BISI.
15:01Paglilino ni VP Personal at hindi opisyal ang kanyang pagbisita sa Australia.
15:05Kaya wala raw ginamit na pera ng gobyerno sa kanyang nasabing biyahe.
15:10Hilalagay namin doon personal to differentiate it from opisyal.
15:14Kasi pag personal, hindi ako gumagamit ng pera ng bayan.
15:18Pag opisyal, gumagamit ako ng pera ng bayan.
15:20Hindi ibig sabihin na personal na lakad yan ay holiday o pamamasyal yan.
15:29Pero nagtatrabaho pa rin ako.
15:32Tungkol naman sa sigulot sa Middle East, sinabi ni Duterte na handa silang makipagdulungan para sa repatriation ng mga Pilipino doon.
15:40Pero nababagalan siya sa kilos ng gobyerno.
15:42Dapat kasi the moment na nag-release na ng missiles or nag-launch na ng missiles ay meron ng plano kung ano ang gagawin para sa mga Pilipino na gustong lumikas.
16:00Hindi yung aantayin pa kung kailan sarado na yung borders, nawawala na yung nagka-cancel na ng flights, ang mga airspaces doon sa bansa na malapit sa kaguluhan.
16:17Hinihinga namin ang reaksyon dito ang Malacanang.
16:20Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman.
16:25Nakatuto, bent 4 oras.
16:27Binawi ng isang nagpakilalang alias Rene, ang mga aligasyon laban kay Pastor Apolo Quiboloy at pagdawit sa magamang Rodrigo at Sara Duterte.
16:40Binayaran lang umano siya ng isang milyong piso ni Senadora Risa Conteberos.
16:47Tinawag naman itong kasinungalingan ng Senadora.
16:50Nakatuto, si Sandra Agnaudo.
16:52Pebrero noong nakaraang taon, nang iharap ni Senadora Risa Conteberos sa pagdinig ng Senado ukos sa mga umunay pangaabuso sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ,
17:06ang isang lalaking nakatakip ang muka at pinakilala bilang si Alias Rene.
17:11Si Alias Rene ay jardinero rao sa Glory Mountain Property ni Pastor Apolo Quiboloy sa Davao City,
17:18na nakaranas daw ng pananakit sa kamay mismo ni Quiboloy at sekswal na pangaabuso sa ibang miyembro ng KOJC.
17:26Pero isa sa pasabog na pahayag noon ni Alias Rene,
17:29ang nasaksihan rao niya nang dumala umuno kay Quiboloy,
17:32sinadating Pangulong Rodrigo Duterte at noy Davao City Mayor Sara Duterte.
17:37Minsan po pumupunta din po doon si former President Rodrigo Duterte at former Mayor Davao Mayor Sara Duterte.
17:48At pag umaalis na po sila doon sa Glory Mountain,
17:52dala na po nila yung mga bag na siya pong bag na nilalagyan po ng mga baril.
17:57Nakita mo ng sarili mong mata na inilabas ang laman ng mga bag at ang lamang ito ay mga baril na iba't ibang klase?
18:07Yes, for Madam Chair.
18:09Pero ngayon sa isang video na pino sa YouTube at Facebook account ng isang pagtanggol valente,
18:15lubutang ang isang lalaking nagsasabing siya si Alias Rene.
18:19Nagpakilala siya bilang si Michael Maurillo at binawi ang kanyang mga aligasyon sa pagdinig ng Senado.
18:26Ako po yung witness, kinawang witness ni Senrisa Ontiveros na nakatakip yung muka.
18:32Pero ngayon hindi na sapagkat nagsasabing ako ng totoo.
18:36Lahat ng sinabi ko at kasama ko doon na nag-witness sa Senado ay ginawa lamang ni Senrisa upang papagsakin si Pastor at ang buong kingdom.
18:48Aniya, dinagdagan umano ng abugado mula sa opisina ni Senadora Riza Ontiveros ang kanyang affidavit.
18:55Wala rin daw katotohanan ang sinabi niya ukol sa mag-amang Duterte.
18:59Nandun din yung aligasyon na sa di umano ay nasaksihan ko tungkol sa mga baril na sangkot si Sarah Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte na
19:10hindi naman totoo dahil wala naman akong nasaksihan na gano'ng pangyayari.
19:16Sabi pa ni Maurillo, binayaran umano siya ng isang milyong piso para sabihin ang mga bagay na ito.
19:22Pinatira din daw siya sa isang kondo nung panahon na yun.
19:26Ang mga sinabi ngayon nang nagpakilalang si Alias Rene, tinawag ni Ontiveros na kasinungalingan.
19:33Lahat daw ng witness na iniharap sa Senate hearing tungkol kay Kibuloy ay malaya at muluntaryong nagbigay ng kanilang testimonya at mga ebidensya.
19:42Lahat daw ay may paper trail at pinatunayan pati ng ilang ahensya at opisyal.
19:47Handa daw silang ilabas ang iba't ibang screenshot at video sa tamang panahon.
19:51May rason daw sila para maniwala na pinilit o binayaran ito para madiskaril ang mga criminal proceedings laban sa pastor
19:59at pagbantaan ang kanyang mga staff at iba pang witness na nagsalita laban kay Kibuloy.
20:05Naghahanda na raw sila ng legal na hakbang laban sa anayay harassment at intimidation.
20:11Hindi raw nila palalampasin ang mga nasa likod ng pananakot na ito.
20:16Sinusubukan pa namin kunin ang panik ni Kibuloy at na mga Duterte.
20:20Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
20:26Mga kapuso, naging bagyo na ang low pressure area na minomonitor kahapon sa kanluran ng Luzon.
20:35Hindi ito binigyan ng local name dahil sa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility, lumakas bilang bagyo.
20:42Huling namata ng sentro ng tropical depression sa layong 800 kilometers.
20:46Kanlura ng northern Luzon, pawest-northwest ang kilos nito at patuloy ng lumalayo.
20:52Hakatakin din ang bagyo, ang habag at papalayo sa Pilipinas kaya unti-unti ring hihina ang efekto nito sa ating bansa.
20:58Pero posibleng pa rin maranasan ng localized thunderstorms.
21:02Base sa datos ng metro weather, mas mataas ang tsansa ng ulan bandang hapon bukas.
21:06Halos buong Luzon yan at may malalakas na buhos na posibleng magdulot ng baha o landslide.
21:11Uulanin din ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao, kasama ang western portions, Zamboanga Peninsula at Karagah.
21:18Pusibleng magtuloy-tuloy ang ulan sa gabi sa ilang prodinsya sa Metro Manila.
21:22Unti-unting tataas ang tsansa ng ulan sa tangkali at pusibleng maulit sa kapunod gabi.
21:26Samantala, sa pinakauling datos na inalabas ng pag-asa, may isa pang bagong mabubuong sama ng panahon sa silangan ng Luzon.
21:34Pusibleng itong pumasok sa par at may tsansa rin maging bagyo.
21:37Pwede pang magkaroon ng pagbabago kaya patuloy na tumutok sa mga susunod na araw.

Recommended