Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Update sa pag-araro ng truck sa isang SUV sa Antipolo na ikinasugat ng 9 na tao umabot sa 10 sasakyan ang nagkarambola sa lugar.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update sa pag-araro ng truck sa isang SUV sa Antipolo na ikinasugat ng siyam na tao, umabot sa sampung sasakyan ang nagkarambola sa lugar.
00:09Nakatutok doon live, si Jamie Santos.
00:12Jamie!
00:16Emil, nandito pa rin sa kahabaan ng Sumulong Highway ang dump truck na di umunoy na wala ng preno na naging dahilan ang karambola ng mga sasakyan kaninang hapon.
00:26Hagip ng CCTV ng isang gasolinahan ang pagtumbok ng isang dump truck sa isang kotse at ang pagpaikot-ikot nito sa lakas ng impact ng pagkakabangga.
00:39Kitang-kita rin ang pagbangga ng truck sa kasalubong na wing van sa Sumulong Highway sa barangay Mambugan, Antipolo City kaninang hapon.
00:47Wasak na wasak ang harapang bahagi ng kaparehong dump truck at wing van.
00:51Nagkabasag-basag din ang kanilang mga windshield.
00:54Galing umanong antipolo proper patulong masinag ang dump truck nang mawalan ng preno sa pasulong na bahagi ng Sumulong Highway.
01:01Hindi rin umanog gumana ang airbrake nito dahilan sa pagsuru nito sa iba pang sasakyan.
01:07Siam ang sugatan sa rakarambola ng sampung sasakyan.
01:10Dahil sa aksidente, mabigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Sumulong Highway.
01:15Nagkalat din kasi sa kalsada ang mga bote ng soft drinks na karga ng Elftruck na nadamay din sa aksidente.
01:21Agad naman daw na isugod sa ospital ang lahat ng sugatan.
01:25Emil, sa mga oras na ito, ay mabigat pa rin ang daloy ng trapiko dito nga sa kahabaan ng Sumulong Highway.
01:32Sa di kasi kalayuan mga ilang metro mula rito sa ating kinatatayuan,
01:36isang aksidente naman po ang naitala.
01:38Isang Elftruck at tatlong kotse po ang damay sa aksidente.
01:42At yan ang latest mula rito sa Antipolo. Balik sa iyo, Emil.
01:45Maraming salamat, Jamie Santos.

Recommended