00:00Unang batch ng mga Pilipinong nagpa-repatriate mula Israel nasa bansa na,
00:05habang ang mga repatriate naman mula Iran sa Biyernes inaasahang makararating ng bansa.
00:11Yan at iba pang detalye alamin sa sentro ng balita ni Gab Villegas.
00:18Nakarating na sa bansa ang unang batch ng mga repatriates mula sa bansang Israel.
00:23Kasama ng mga repatriates sa kanilang pag-uwi si Migrant Workers Secretary Hans Leo Kakdak.
00:28Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Di Vega,
00:31kasalukuyang nakahold ang pag-uwi ng susunod na batch ng mga repatriates
00:35upang tignan kung kakailanganin pang dumaanan Jordan ang mga uuwi pabalik ng Pilipinas.
00:41Ito ay dahil na rin sa deklarasyon ng Estados Unidos na mayroon ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.
00:47Inaasahan naman na sa Biyernes pa makakarating ng Pilipinas ang mga repatriates mula Iran.
00:52Tingnan natin kung magkakaroon ng future batches kasi baka mawawalang gana na yung
00:57Pilipino mo eh.
00:59Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Alert Status sa Israel at Iran.
01:04Hinihintay pa ng Department of Foreign Affairs na tumagal ang ceasefire bago ibaba ang Alert Status sa mga nasabing bansa.
01:11Pinayon na naman ni Undersecretary Di Vega ang ating mga kababayan na samantalahin ang Voluntary Repatriation Program.
01:17Samantala ay binahagi rin ng opisyal na walang Pilipino na nais umuwi pabalik ng Pilipinas sa Qatar matapos ang naging pag-atake ng Iran sa base militar ng Estados Unidos sa nasabing bansa.
01:29Nananatili rin nakaalerto ang pamahalaan at may mga nakahandang plano ang ating mga embahada sa oras na tumindi pa ang tensyon sa gitnang silangan.
01:37Gabo Milde Villegas para sa Bambatsang TV sa Bagong Pilipinas.