Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Samantala, nag-inspeksyon ang Department of Energy sa ilang gasolinahan para tiyaking napatutupad ang utay-utay na oil price hike.
00:08May ulat on the spot si Bernadette Reyes.
00:11Bernadette?
00:15Connie, nag-surprise inspection ng DOE sa ilang gasolinahan ngayong araw sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
00:24Bukod sa pag-inspeksyon kung tama ba ang quality o sukat na petrolyo na dinidispense ng mga pump,
00:34tiniyak din ng DOE ang quality o kalidad ng petrolyo para matiyak na hindi nadadaya ang mga consumer.
00:41P10,000 ang muta kada dispensing pump kapag mali ang sukat.
00:45Kapag naulit maaaring ma-revoke ang compliance certificate,
00:49lakip ang endorsement sa LGU para i-revoke ang kanilang business permit o i-suspend muna hanggang makakomply sa calibration.
00:57Kapag makuha naman ang sample at may violation sa quality,
01:01P200,000 ang penalty.
01:03Maaari ring ma-revoke o ma-suspend kung paulit-ulit ang violation.
01:07Minomonitor din nila kung naa-apply ang increase ng staggered basis.
01:11Samantala, bukod sa staggered na increase, ay nagahanap pa ng ibang paraan ang DOE kung paano rin maibisan ang epekto ng mataas na presyo sa mga consumers
01:21sa pamamagitan ng pagbibigay na mga gasolinahan ng mga discount.
01:26Sa ngayon, ayon kay DOE o IC Sharon Garin, ay bumababa na ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado
01:33pero wala pa silang pinal na mga figures sa ngayon.
01:37Pero kung patuloy raw na bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa world market,
01:42ay maaaring malaki-laki rin ang rollback sa susunod na linggo.