Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
Bagaman masaya sa pangkalahatan, may gulo pa rin at basagan pa nga ng bote sa Wattah Wattah Festival sa San Juan. Limitado na rin ang lugar ng basaan kung saan may hinimatay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bagaman masaya sa pangkalahatan, may gulo pa rin at basagam pa nga ng bote sa Wata Wata Festival sa San Juan.
00:10Limitado na rin ang lugar ng basaan kung saan may hinimatahi. Nakatutok si Oscar Oida.
00:18Basaan dito, basaan doon.
00:23Wala ngang sinisino ang tubig na isinasaboy bilang bahagi ng Wata Wata Festival sa San Juan.
00:30Pero kung dati no man's land ng San Juan para sa mga ayaw mabasa, dehins na ngayon.
00:36Mula 7am hanggang 2pm na lang ang ginawang basaan at nilimita lang sa loob ng itinalagang basaan zone
00:43ang pinaglabanan road mula ng Domingo hanggang Pigivara at ang paligid ng pinaglabanan shrine.
00:51Bawal din ang paggamit ng mga maduming tubig at anumang bagay na nakakasakit.
00:57May ipinatubad ring liquor ban.
00:58Yung basaan po dito sa San Juan mas solid po ngayon kasi wala na tayo sa mga kalsada.
01:04Hindi na tayo magpag-stormo ng mga pakapasok.
01:08Walang perwiso.
01:10Yung papunta sa trabaho, yung iba may emergency, etc.
01:18Yun lang.
01:19Masaya, hindi magulo katulad last year kasi wala sa Boydila.
01:22Ang viral na ginawa ni Boydila noong nakaraang taon,
01:29nagbigay muka sa pagmamalabis noon ng mga nambabasa.
01:34Ang dahilan ng paghihigpit ngayong taon.
01:38Ang mga lalabag sa mga patakaran,
01:40tinakdaan ng 5,000 piso multa at hanggang 10 araw na kulong bilang parusa.
01:46Right now, as of 2 p.m., wala pa hong kahit isang violation in terms of nakipagbasaan outside the basaan zone.
01:55May bitman, umapaw pa rin ang saya ng pambabasa,
01:59lalot naglagay pa ng pool sa gitna ng basaan zone.
02:03Mayroon ding pa dunk tank at pa concert.
02:06Meron pang street dance competition na literal na mainit ang laban.
02:11As in, literal na sa sobrang init niya.
02:20May mga nanghina, nahilo at hinimatay pa.
02:27Hindi rin pinalamig ng basaan ang initang ulo ng ilang kabataan
02:31na nagkagulo at nagkabasagan ng bote.
02:34Kaya may nasugatan.
02:36Ang dahilan, nagkabatuhan umano ng water gun.
02:40Sa dami ng pulis, agad namang naawat ang gulo.
02:44At binigyan ng lunas ang nasaktan.
02:48Yung mga nadawit, tinurn over na sa DSWD.
02:52Karamihan po sa kanila ay hindi po taga San Juan.
02:55Chinect namin, they're not from our city.
02:59Again, sa lahat po ng mga gustong makiisa sa aming kapistahan,
03:02welcome na welcome po kayo.
03:03Ang aking panawagan lang po, huwag naman tayong manggulo.
03:07Sa kabila nito, naniniwala ang City Hall na naging matagumpay pa rin ang Wata-Wata Festival na yung taon.
03:16Lahat ng naging observations po natin ngayon, lahat ng naranasan natin ngayon,
03:20we will evaluate, we will process.
03:22In fact, in the next few days, I will call for a meeting amongst all the department heads involved.
03:28I-assess natin kung ano ba ang mga pwede pang i-improve for next year.
03:32Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida Nakatutog, 24 Horas.

Recommended