00:00Samantana, isang temporary learning space ang itinayo sa isang compound sa Sagonsungan, Marawi City, bilang pag-agapay sa mga mag-aaral.
00:08Binisita rin ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kanina.
00:12Yan ang ulat ni Janessa Felix ng PTV Davao.
00:177 taon na ang lumipas mula ng maganap ang gyera sa Marawi City.
00:21Hanggang ngayon, patuloy pang bumabangon ang mga residente sa mga pinsalang idinulot nito.
00:26Bukod sa mga nawasak na mga bahay, negosyo at ari-arian, nasira din ang mga paaralang nasa ground zero na sentro ng labanan noon.
00:36Bilang tugon ng pamahalaan, itinayo ang temporary learning spaces sa isang compound sa Sagonsungan, Marawi City para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga istudyante.
00:46Kabilang dito ang mga TLS ng Mambuay Elementary School, Banggolo Elementary School, Marawi Central Elementary Pilot School,
00:54Marawi City Elementary School at Dansalan National High School.
00:59Higit 700 na mga istudyante mula kinder hanggang grade 12 ang nag-aaral sa TLS.
01:04Ayon sa mga istudyante, malaking hamon para sa kanilang internet connectivity.
01:08Lalo na at may mga gawain o assignment ang mga guro na kailangang gawin online.
01:13Tulad na lamang ng grade 11 student na si S. Laini Ayobgan.
01:17Anya, kailangan pa niyang pumunta sa malayong lugar na may internet para lamang makagawa ng assignment.
01:22Problema rin niya ang panggasto sa pamasahe.
01:26Amin na kato ang mga istudyante na nahihirapan silang mag-aaral dahil sa siksikan at kakulangan ng pasilidad.
01:31Pero umaasa silang malipat sa mas maluwag at komportabling lugar.
01:35Pag may mga kailangan na ipinapagawa ng mga teacher, nagagawa po namin ang maayos yun.
01:43Kaso yung iba hindi kasi wala naman po kaming internet dito na lagi kasi nawawala po yung internet.
01:49Kaugnay nito personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:54ang temporary learning spaces sa Marawi City upang matukoy ang mga kailangang suporta para sa mga istudyante at mga guro.
02:01Kabilang dito ang pagkakaloob ng Starlink internet device upang matugunan ang problema sa internet
02:06at mapadali ang paggawa ng mga assignment at research.
02:10Ayon sa palasyo, ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaan na paigtingin ang sektor ng edukasyon,
02:16lalo na sa mga lugar na apektado ng sigalot.
02:19Matitiyak rin na ang temporaryong solusyon ay magiging permanente
02:22at ang mga istudyante ay magkakaroon ng maayos at kumpletong pasilidad sa pag-aaral.
02:29Samantala, umaasa naman ang mga guro na maibalik na sa normal na setup ang kanilang mga paaralan.
02:34Dahil iba rin kung mga istudyante ay nasa maayos na kalagayan,
02:38lalo na at sa kasalukuyan walang kuryente at internet sa temporary learning spaces.
02:43Kasi lahat ng learners namin is mga IDPs.
02:46Kami yung nagkikater, kami yung mga teacher na dyan sa likod,
02:50nagkikater ng lahat ng IDPs.
02:52Matapos ang pag-inspeksyon sa temporary learning spaces sa Sagonsongan,
02:56tumuloy naman si Pangulong Marcus Jr. sa Dansalan Integrated School
03:00upang personal na silipin din ito na bahagi ng post-conflict education infrastructure sa Marawis City.
03:07Janessa Felix para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.