Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/23/2025
May taxi bang naningil nang sobra sa iyo? Alamin ang mga dapat mong gawin kapag ikaw ay na-overcharge kasama ang atin #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00O-ay! O, diba? Pwede ba? Pwede na ba?
00:04O-ay! Yan ang reaction ng marami ng mapanood ang video na to.
00:09Diba? Panoorin natin to.
00:10Terminal 2, papuntang Terminal 3, 1,260, gano'n?
00:15Para na kami nagbiyahin ang probinsya?
00:211,260 pesos na tumatagingting na pamasay sa sinakyang taxi
00:27mula sa NIA mula Terminal 3 hanggang Terminal 2?
00:31O-ay talaga!
00:32Pero ito pa ang mas O-ay!
00:34Ilang araw lang ang lumipas, may nahuli na mga abusadong taxi driver
00:39na naningil na naman ng 5,000 pesos mula Terminal 1 hanggang Terminal 2.
00:46Tako, grabe sa ka-O-ay yan!
00:48Ayon pa sa driver, kasabot daw ang mga airport police
00:52kaya malaki ang sinila sa kanilang mga pasahero.
00:55So, yan ang pag-uusapan natin.
00:58Ask me, ask, Atty. Gabby.
01:07Atty, bilang pasahero, ano bang habol ko sakaling makatagpo ng driver na
01:12OA ang singil?
01:15Pwede ko bang hindi bayaran on the spot?
01:17Kanino ako magsusumbong?
01:19Well, eto na po nga.
01:21Madali sanang sabihin na huwag bayaran on the spot kung sobrang OA ang singil.
01:26Pero mahirap ito at hindi ko irekomenda dahil kailangan ninyo ba talagang malalaman
01:33kung talagang OA ang pag-overcharge sa inyo.
01:36Hindi nabali kung frequent pasahero kayo sa ruta ninyo na alam nyo kung magkano ang nararapat na bayaran.
01:43Baka hindi kayong magbayad et tama naman pala ang sinisingilang driver,
01:47kayo naman ang mabaliktad at makasuhan naman ng estafa.
01:51Pero kung sigurado kayo na OA ang charge,
01:55maaari ninyong hindi bayaran ang sobrang kalabasan nito,
01:59lalo na kung libo-libo ang sinacharge na hindi naman dapat lumampas ng ilang daan lamang ang bayad.
02:05Mahirap din magtansya kung sobrang traffic.
02:08Basta tandaan kung sasakay kayo ng taxi,
02:11ang flag down rate ay P50 at P13.50 per kilometer at P2 per minute ng waiting time.
02:19Kaya't mahirap din sabihin kung magkano ba exactly ang dapat bayaran
02:23dahil maaaring mag-iba-iba ito depende sa traffic at kung saan kayo pinick up talaga ng taxi.
02:30Pero kung alam nyo kung magkano more or less ang tamang babayaran,
02:34maaaring sabihin ninyo na hindi nyo babayaran ang sobrang OA na sinacharge sa inyo.
02:39Tandaan na bawal din ang hindi pagpayag ng taxi driver na gamitin ang metro.
02:44Illegal ang paggamit ng fixed rate,
02:46dapat ay sa metro ang basihan ng tamang babayaran.
02:50Kaya't pag-upo pa lamang sa taxi,
02:52siguraduhin na ibababa ang metro or ipipindot ang buton
02:56depende sa taxi na may sasakyan ninyo.
02:58So kung makatapat kayo ng driver na nagsasabing,
03:02Naku ma'am, sir, ikontrata na lang natin ang taxi fare at huwag nang gamitin ang metro,
03:07Naku, isulat nyo na ang pangalan ng driver,
03:10pangalan ng taxi company at operator at ang plate number nito.
03:15Isumbong sa LTFRB agad dahil ang overcharging,
03:18ay maaaring magdulot ng 5,000 na fines, suspension o kanselesyon ng prangkisa
03:23at pag-impound ng sasakyan.
03:26At kung matuklasan na ang taxi ay kolorong pala,
03:29ibig sabihin ay walang prangkisan,
03:31Naku, 120,000 pesos at fine
03:34at kasama ang impound din ng sasakyan.
03:37Kaya't dapat talaga mayroon kayong palaging handa na papel o yung telepono
03:42para malis down at magsumbong either sa LTFRB,
03:46sa LTO, or sa Airport Authority.
03:49Ito naman, attorney, sinasabi na kasabot na ang mga airport police
03:53dahil kahati sila sa kita ng taxi.
03:56Ano naman ang maaaring nilang kaharapin?
03:58Ay, naku, kung mapatunayang kasabot po ang airport police
04:02sa overcharging ng mga taxi dahil kahati nga
04:05at tumatanggap sila ng parat sa kita o merong lagay,
04:08sila ay maaaring managot sa ilalim ng iba't-ibang batas.
04:11Of course, bilang isang public official,
04:14ang pagtanggap o pag-require ng kahati sa OA na charging
04:18ay isang form of graft and corruption
04:20na ay pinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 3019.
04:23Ito din ay isang krimen of direct bribery
04:26sa ilalim ng revised penal code.
04:28So, siguro ay binibigyan ng taxi driver ang mga polis
04:31para hindi sila paalisin para kumuha ng pasahero.
04:34Bawal para sa ating mga public officers
04:36at mga government employees
04:38na humingi ng mga regalo o mga benepisyo
04:40in relation to their official functions.
04:43Para sa mga polis, aside from penalties
04:45for bribery and graft charges,
04:47halimbawa sa ilalim nga ng RA 3019,
04:50hanggang 15 years po ang kulong
04:52along with perpetual disqualification
04:54ng office.
04:56Meron ding posibleng administrative na kaso
04:58na maaaring magresulta
05:00ng dismissal from office
05:02at pagkawala ng mga retirement
05:03at iba pang benepisyo.
05:06So, medyo mabigat po ang kaso.
05:08Kung civic ang civic duty,
05:10magsumbong agad.
05:11Ang mga usaping batas,
05:12bibigyan po nating linaw
05:14para sa kapayapaan ng pag-iisip.
05:16Huwag magdalawang isip.
05:18Ask me.
05:19Ask, Atty. Gabby.

Recommended