Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/22/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Siniyak ng pamahalaan na mananatili sa P45 pesos per kilo ang maximum retail price ng imported na bigas.
00:07At live mula sa Marikina, may unang balita si EJ Gomez. EJ?
00:16Susan, sabi nga ng Agriculture Department, posibleng manatili ang P45 pesos na kada kilo ng imported na bigas sa mga palengke.
00:25Yan yung maximum suggested retail price. Dahil daw yan sa patuloy na hidwaan sa pagitan ng Israel at Iran.
00:33Okay daw yan para dun sa mga nakausap nating kapuso, pero mas mabuti rin daw kung ang presyo e mas ibababa pa.
00:45Kasabay ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, na una nang nagresulta ng pagtaas ng presyo ng langis sa world market,
00:52na posibleng sundan pa ng iba pang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin,
00:58tiniyak ng pamahalaan na mananatili ang P45 pesos na MSRP o maximum suggested retail price sa kada kilo ng imported na bigas sa bansa.
01:07Ayon kayo, Agriculture Secretary Francisco Churaurel Jr., mananatili ang MSRP habang sa ma-stabilize ang presyo sa merkado.
01:15Sa ngayon, ibinibenta ang rice for all o 5% broken rice sa mga kadiwa outlets sa P43 pesos kada kilo.
01:23Ang 25% na broken rice, nasa P35 pesos kada kilo.
01:27Habang ang kada kilo ng 100% broken, mabibili sa P33 pesos.
01:32Dito sa Marikina Public Market, nasa P50 pesos hanggang P63 pesos ang kada kilo ng ordinaryong local rice.
01:39Habang ang premium, mabibili sa P60 hanggang P63 pesos ang kada kilo.
01:43Ang imported rice naman, gaya ng hasmin at yung inaangkat mula sa Thailand, ibinibenta sa P49 pesos kada kilo.
01:51Sabi ng mga nakausap nating mamimili, bukod sa mapanatili ang MSRP, sana raw, mas mapababa pa ang presyo ng bigas.
01:59Ayon naman sa ilang nagtitinda, mabenta sa ngayon ang imported na bigas.
02:03Yung bentahan sa ngayon kasi okay naman, tuloy-tuloy naman, wala namang mababang sales.
02:12Maganda yung inabisuan na maaga yung mga Pilipino para nakapag-prepare sila, nakapag-ready, nakapag-budgeting din yung mga pamilya.
02:22Pero mas maganda sana kung i-maintain nila, pati mas maganda kung bababaan na lang din.
02:27Maraming nagihirap na Pilipino, hindi maka-afford lang P45 pesos eh.
02:31Eh kung itataas pa, mas mahirap yun sa atin.
02:34Hindi naman natuloy yung pangako na P20 pesos.
02:37Kung kaya pang ibababa hanggat hindi pa nakakaroon ng resesyon, dapat ibababa pa.
02:45Susan, sabi pa ng mga nakausap nating rice vendor, dumidiscarded na lang daw yung ilang mamimili para magkasa yung kanilang budget sa bigas.
02:54At makatipid, may ilan nabibili raw ng murang bigas tapos hahaluan na lang ng tig-isa, dalawang kilo ng mas mamahaling bigas
03:03para masiguro na okay pa rin yung quality ng isasaing nilang bigas o sinaing para sa kanilang pamilya.
03:12At yan, ang unang balita mula rito sa Marikinas City.
03:16EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
03:24At tumutok sa unang balita.

Recommended