Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Nag-ikot-ikot nga tayo rito sa Marikina Public Market para i-check ang presyo ng karneng baboy.
00:36At inalam din natin yung reaksyon ng mga nagtitinda doon sa plano ng gobyerno na itigil muna ang pagpapatupad ng MSRP o yung Maximum Suggested Retail Price sa karneng baboy.
00:49Noong March 10 sinimulang ipatupad ng Department of Agriculture o DA ang Maximum Suggested Retail Price o MSRP sa karneng baboy.
01:03Mahigit dalawang buwan ang nakalilipas, plano ng DA na pansamantala munang itigil yan.
01:08Hindi raw kasi kaya ng mga nagtitinda sa palengke na sundin ang itinakdang MSRP ng pamahalaan dahil patuloy raw ang pagtaas ng karneng baboy na nakukuha nila mula sa kanilang supplier.
01:19Maganda po yun para makaraos po yung mga nagtitinda. Sobrang laki po ng tinaas eh.
01:28Halos ano, laki na, halos 100 pesos na po, 100.
01:36Kasi dati nasa magkano lang po baboy, mga 280 lang yun. Yung katay na po yun ngayon, grabe. Sobrang taas na talaga.
01:44Dito sa Marikina Public Market, ang kada kilo ng liyempo nasa 420 pesos.
01:49Ang iba't ibang klase ng laman, 380 pesos.
01:53Ang ribs, 380 pesos din. Habang ang pata, mabibili sa 350 pesos.
01:59Mas mataas yan sa itinakdang maximum SRP ng DA na 380 pesos sa kada kilo ng pork liyempo.
02:05At 350 pesos naman sa kada kilo ng kasim at pigi.
02:09Sa taas ng presyo ng baboy, todo tipid ang ilang mamimili.
02:13Hindi ako kasi nagbabarbecue ako. Ngayon, minsan hindi na ako bumibili ng laman.
02:21Walaan na. Dito ka na lang at saka yung bulo ng manok.
02:24Dahil sobra sa taas ng baboy.
02:27Inahati-hati po na lang, tapos tinipid-tipid.
02:30Imbis na dalawang kilo, isang kilo na lang.
02:34Tapos imbis na adobohin mo, isabawan mo na lang para sa buong pamilya makakain.
02:41Mas marami.
02:43Ayon sa DA, ang pagtaas ng presyo ay dulot ng African Swine Fever o ASF.
02:48Gayun din ang pagtaas ng demand nitong nagdaang eleksyon.
02:51Gayunman, sinigurado ng pamahalaan na sapat ang supply sa bansa
02:55at patuloy ang repopulation efforts ng gobyerno.
02:59Igan, wala pang formal na anunsyo kung kailan ititigil yung MSRP sa karneng baboy.
03:11Pag-aaralan mo na raw ito ng Department of Agriculture.
03:15At yan, ang unang balita mula rito sa Marikinas City.
03:18EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
03:22Igan, mauna ka sa mga balita.
03:25Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube