Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/21/2025
Hinihintay pa rin sa ngayon ang tugon ni Vice Pres. Sara Duterte sa summons ng Impeachment Court lalo't binigyan siya ng deadline na hanggang Lunes.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito ang 11 steps ng impeachment proceedings na ipinakita ng tagapagsalita ng Senate Impeachment Court.
00:26Tapos na sila sa unang apat na akbang.
00:29Ang pagtalakay ng impeachment rules, pag-convene ng impeachment court, pag-issue at pagsisilbi ng summons kay Vice President Sara Duterte.
00:37At sa lunes, matatapos na raw ang step 5 o ang pag-sumite ng sagot ni Vice President Duterte sa summons ng impeachment court.
00:45Ngayong araw, dapat matatapos ang 10 araw na deadline dyan ni VP Sara.
00:49Pero dahil tumapat ito ngayong Sabado, pwede pa silang mag-sumite ng sagot sa lunes hanggang 11.59 ng gabi via email.
00:55Sabi ni Atty. Reginald Tungol, hanggang kaninang umaga, hindi pa rin nagsusumite ng sagot sa summons ang kampo ng vice.
01:03Whether or not there's an answer or whether or not there's an appearance pero walang answer, patuloy pa rin po yung proseso.
01:10Ang step 6 ay pag-sumite ng sagot ng House Prosecutors.
01:15Binigyan ang prosekusyon ng limang araw para sumagot pero dahil tatapat din ang Sabado on June 28, pwede pa hanggang June 30.
01:22At ang step 7 o pagharap mismo ni VP Sara sa impeachment court, posible raw sa 20th Congress mangyari.
01:29Yes, tatawid talaga kasi yun talaga yung mangyayari po, whether we like it or not.
01:37As to the 19th Congress, we are on time and expected to finish half of the steps.
01:46Sabi ng Office of the Vice President, nasa Australia ngayon ang vice para sa personal trip
01:51at dadalo rin sa rally para sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:56Nagkomentor yan ang kamera.
01:57Sara all. Pero bilang halal na opisyal na bayan, yung oras mo na ginugugol sa loob at labas ng ating bansa
02:10at ito man ay pang personal o opisyal, dapat para sa taong bayan, hindi sa personal na interes.
02:20Sinusubukan pa namin kunin ang panig ni VP Duterte kaugnay ng pahayag na yan.
02:24Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended