00:00Patuloy na binabantayan ng Department of Health ang bagong COVID-19 variant na Nimbus o NB.1.8 na dahilan umano ng pagtaas ng kaso sa ibang bansa.
00:12Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, sa ngayon ay wala pang naiuulat na kaso ng Nimbus variant sa Pilipinas at wala rin na momonitor na pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
00:24Sa kabila nito, tiniyak ng kalihim na nananatiling nakabantay ang kagawaran lalo na sa pagpasok ng flu season.
00:33Binigyan diin din ni Herbosa na efektibo pa rin ang mga umiiral na COVID-19 vaccines sa bagong variant.
00:40Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na alamin ang mga abiso ng kagawaran at gawin ang standard health precautions para maiwasan ang sakit.