Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
Mala-ghost ship ang turing sa mahigit 50 Chinese Militia Vessels na namataang nagkukumpulan sa Rozul Reef sa West Philippine Sea. Ang mga barko kasi walang katao-tao.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malagost ship ang turing sa may git limampung Chinese militia vessel na namatang nagkukumpulan sa Rosul Reef sa West Philippine Sea.
00:08Ang mga barko kasi walang katao-tao.
00:11Ang posibleng misyon na mga yan sa pagtutok ni Sandra Aguinaldo.
00:18Matapos makatanggap ng mga ulat ng swarming o pagkumpul-kumpul ng Chinese Maritime Militia sa Rosul Reef,
00:25agad na ipinadala ng Philippine Coast Guard o PCG ang kanilang eroplano at dalawang barko.
00:34Ang tumambad sa kanila, mahigit limampung Chinese militia vessels.
00:41Ang iba, dikit-dikit na nakaangkla sa lugar habang may mga paisa-isang barko naman sa paligid.
00:47Ang Rosul Reef ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:52130 nautical miles lang ito mula sa Palawan.
00:56Ayon sa PCG, dalawang araw nang naroon ang mga militia vessels.
01:01We keep on challenging them to tell us their intention and to depart immediately.
01:08But unfortunately, sa dami ng Chinese Maritime Militia vessels na ito,
01:13wala ni isa sa kanila ang nag-responde sa ating aircraft and even for the Philippine Coast Guard vessels.
01:19Nag-deploy din daw ang Coast Guard ng mga rubber boat para malapitan ang mga barko.
01:25Ano kaya ang pakay sa Rosul Reef ng tinawag ni Tariela ng mga ghost ship?
01:31Wala pa tayong nakikitang tao.
01:33Talagang parang ano lang sila, mga ghost ships.
01:36They want to assert their claims dito sa mga area na ito na unoccupied.
01:42They're also being used for surveillance and intelligence gathering.
01:47Kung ang mga maingisda will see na ganito kadami ang Chinese Maritime Militia,
01:53they might be intimidated and not to go there for fishing activities.
01:58Patuloy daw ay mamonitor ng PCG ang sitwasyon sa lugar.
02:02Hindi rin daw sila mananawa sa pag-challenge sa mga militia vessels ng China.
02:07Lahat ng impormasyon ipapasaraw nila sa National Task Force on the West Philippine Sea.
02:13Bagamat unang swarming daw ito na na-document nila ngayon taon,
02:18may mga dati ng insidente ng swarming.
02:23Sa mga nagdaang insidente naman daw, umalis din kalaunan ang mga barko.
02:27What we can do right now is we document the bow numbers of all these Chinese Maritime Militia vessels
02:35na alam naman natin talagang Chinese flag vessels
02:40and then forward this to the National Task Force for the West Philippine Sea.
02:43Kaugnay naman sa nilagay ng mga payaw o floating aggregate device
02:49ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
02:53sa Hasa-Hasa at Kanduli Shoal,
02:56umaasa raw ang PCG na hindi ito kukunin ng mga Chino gaya ng dati.
03:00Babantayan raw ito ng mga mangingis ng Pilipino,
03:03lalot pamamahayan ito ng mga isda na makatutulong sa kanilang kabuhayan.
03:08Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo Nakatuto, 24 Horas.

Recommended