Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/19/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Impeachment Court
00:30Susumite ng sertifikasyon na naaayon sa konstitusyon ang inihain nilang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:37Pero hindi pa ito nasusumite ng House Prosecution Panel.
01:00Huwelta pa ng tagapagsalita ng impeachment court, imbis na ang korte ang pag-initan, dapat paghandaan ng prosekusyon ang defense team ng Vice.
01:10Huwag daw awayin ang Senado dahil hindi silang magkalaban.
01:13Ano po motibo nila by criticizing the court?
01:18Dapat po yung energy po nila na pagkikritisize sa korte ay ginugugol nga po nila doon sa kanilang kalaban.
01:25Dahil hindi po nila kalaban ng korte.
01:27Ang kalaban po nila ay yung kabilang party, yung defense po.
01:33So sabi nga po, formidable yung at mga respetabling mga abogado po yung nasa defense team.
01:40So paghandaan na lamang po nila.
01:43At yun yung awayin po nila at huwag po yung impeachment court.
01:45Iniiwasan din ano yan ng korte na ipakontempt ang prosekusyon.
01:50At sana raw, huwag na umabot sa Korte Suprema ang isyo dahil baka humaba lang ang proseso.
01:56Giyit naman ang tagapagsalita ng House Prosecution Panel, hindi silang nakikipag-away,
02:01kundi nananawagan lang sa impeachment court na kumilos base sa konstitusyon.
02:05We are calling them out to do their constitutional duty.
02:09Hindi namin away. We are just calling them out to act on the articles and proceed to trials.
02:14Wala pa raw desisyon ang Prosecution Panel kung kailan ipapadala ang kanilang sagot sa impeachment court.
02:20May hihingin pa raw silang klarifikasyon mula sa korte.
02:23We want a clear understanding of what they really want.
02:26Kasi ano eh, yung kanilang order of returning it, it is so irregular.
02:31It is not contemptible per se. But there are serious repercussions. Why?
02:37If we do not comply, the process will be again delayed.
02:40Ayon kay dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, wala sa rules ng impeachment court na dapat hinga ng sertifikasyon ng Kamara.
02:47Wala naman doon sa kanilang rules na dapat magkaroon ng certification yung house to the effect na nasunod yung one-year abad.
03:02Wala naman yung rules and regulations nila eh. Eh bakit nila ngayon iniimpose yung reglamento na yan?
03:11Si Puno ang chairperson ng Philippine Constitution Association o FILCONSA, ang pinakamatandang constitution watchdog ng bansa.
03:18Lahat tayo ay nababagalan sa pag-usad ng impeachment complaint dyan sa Senate impeachment court.
03:31Hindi naman na hinihingi ng mga mamamayan na magkaroon ng akwital or conviction.
03:43Basta magkaroon lang ng closure at makita kung ano mga magiging desisyon ng Senate impeachment court.
03:53Naniniwala rao si Puno na walang dapat question na pwedeng tumawid ang impeachment trial mula sa 19th Congress tungo sa 20th Congress.
04:02Sa pagsusuri ng maraming galubhasa sa ating saligang batas.
04:09Klarong-klaro naman doon na yung impeachment court is a continuing body.
04:16Yung papalit ng judge, eh hindi rasun yun to doubt the continuity of the jurisdiction of the court.
04:27Hindi na hito dapat maging issue, tama ho ba?
04:30Opo, kung susundin nila yung case law dyan, yung jurisprudence, yung practices, hindi na dapat pag-usapan yan.
04:40Sa lunes ang palugit kay Vice President Duterte para sagutin ng summons ng impeachment court.
04:45Ayon sa tagapagsalita ng impeachment court, sumagot man o hindi, tuloy ang paglilitis.
04:51Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended