Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Igagalang naman daw ng Kamara ang desisyon ng Senado sa 20th Congress kaugnay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:07Sa gitna yan, ang debate ng mga Senador kaugnay sa issue.
00:11Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
00:16Nausog sa June 11 ang presentasyon sana sa Senado ng House Prosecution Panel ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:24Ayon kay Sen. President Cheese Escudero, may iba pang prioridad ng mga panukala na kailangan nilang unahing tutukan.
00:32Paliwanag ni Escudero, suggested calendar lang ang ibinigay niya noon dahil naka-reses ang Senado.
00:38Pero kailangan pa rin itong aprubahan sa plenario ngayong baliksesyon na sila.
00:42Pinadalahan na raw ng notice ng Senado ang Kamara para humarap ang House Prosecution Panel sa June 11.
00:48Bukod sa presentasyon ng Articles of Impeachment, isasabay na rin ang pag-convene ng impeachment court.
00:53Panunong pa ng Sen. Judges at pag-issue ng summons para sumagot ang kampo ng bisay at prosekusyon.
00:59Pero tanong ni Sen. Minority Leader Coco Pimentel, bakit hindi pa yan isama sa agenda?
01:04Gayong ang tagal nang ipinadala ng Kamara ang Articles of Impeachment sa Senado.
01:09Are we doing it today?
01:11Kasi February 5 ba yun? That's why I'm mentioning the date that it was received, February 5.
01:18So can we include it in the reference of business today?
01:23Kasi parang mas normal eh. Mas normal yun eh.
01:27Please look into it, Your Honor. I tend to agree with this Honor's position. We will take it up with the Secretary.
01:33Pinagdebatihan din kung pwede bang ituloy ng susunod na kongreso ang impeachment trial dahil matatapos na ang 19th Congress sa June 30.
01:42Giyit ni Sen. Majority Leader Francis Tolentino, may mga desisyon na ang Korte Suprema na lahat ng kapangyarihan ng Senado sa lehislatura at pag-iimbestiga ay natatapos pag nagtapos din ang kongreso.
01:53Prinsipyo rin daw sa ibang bansa na hindi pwede ma-carry over sa susunod na kongreso ang anumang unfinished business.
02:00Dagdag ni Tolentino, labindalawang senador lang ang maiiwan at wala ng quorum ang Senado.
02:05If we cannot conclude the trial before June 30, 2025, we must recognize this impeachment case is functionally dismissed by constitutional operation
02:21and no action can be taken by the 20th Congress on the matter for lack of constitutional authority.
02:30Sabi naman ni Pimentel, walang nakasaad sa konstitusyon na pwedeng ituloy o hindi pwedeng ituloy ng susunod na kongreso ang isang impeachment complaint.
02:39Pero ayon-ana niya sa Senate Rules, pwede ituloy ng Senado ang impeachment trial.
02:43Jurisdiction once acquired is not lost but continues until the case is terminated and hopefully terminated to its logical end.
02:57Hence, it is my humble opinion that the trial of the current impeachment case, now pending before the Senate of the 19th Congress,
03:07can cross over or continue from the 19th Congress to the 20th Congress.
03:13The impeachment duket of the Senate impeachment court continues and remains to be the same.
03:21Dagdag ni Sen. Risa Ontiveros, hindi legislative function ng Senado ang impeachment, kaya hindi ito apektado magpalitman ng kongreso.
03:28It is true that the 19th Congress cannot bind the 20th Congress and all unfinished business will.
03:37be terminated. But this is only true for any work done by us in the exercise of our legislative functions.
03:46Napakahalagang mandato po ng saligang batas ito.
03:50Pero sabi rin ni Escudero sa isang press conference, hindi matatali ng 19th Congress ang 20th Congress sa isyo ng impeachment.
03:58Hindi namin pwede o kayang i-bind ang 20th Congress.
04:02Although karamihan ng mga miyembro ng 19th ay nandun din sa 20th Congress,
04:06kailangan itong pagpasyahan muli ng 20th Congress, either by an affirmative vote or by their silence and acquiescence.
04:14Pwedeng sabihin ng 19th Congress, tatawid yan.
04:17Pero ang pasya ng 20th Congress, hindi tatawid yan.
04:21At i-didismiss nila.
04:22So, depende.
04:24Sa dulo, you have to understand, in Congress, plenary is supreme.
04:28It's not the decision or the voice of one member, even if he or she is the Senate President or an officer of the Senate or the House.
04:36Desisyon palagi ng plenaryo ang mangingibabaw.
04:39Reaksyon niya sa komento ni Congresswoman-elect Laila de Lima, na tila pinapatay na ng Senado ang impeachment trial ng Bise.
04:46Hindi ko trabahong reaktan ang congressman-elect na hindi pa naman formal na nagiging prosecutor o bahagi ng trial.
04:56Lalo na at partikular na na ito'y pagpapasya ng Senado, na hindi kabilang pa at wala pang papel ang Kamara.
05:04Si Laila na inaasahang magiging miyembro ng House Prosecution Panel, dismayado naman sa presko ni Escudero.
05:11Akala ko yung parabang naalisin na niya yung mga agam-agam tungkol dyan na magkakaroon pa ba ng trial o hindi.
05:21He could have been more categorical that in so far the Senate is concerned, tuloy-tuloy kami.
05:29Tingin ni Laila, nilabag ni Escudero ang konstitusyon sa pag-antala sa impeachment proceedings.
05:34This is clearly violative of what the Constitution says. Forthwith is forthwith.
05:40Tsika ilang beses na yan, nadidelay.
05:42Para naman kay House Speaker Martin Romualdez, dapat respetuhin ang desisyon ni Escudero at ng Senado.
05:48Yung sulat sa akin ni Senate President J. Escudero is pretty straightforward.
05:52Kaya yung impeachment complaint ay nasa Senado na.
05:57So we leave it to their sound discretion as to how they want to proceed and conduct.
06:05Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.