Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
24 Oras: (Part 3) Paaralang may 1,800 estudyante, meron lang 2 standard-sized at 6 na make-shift classroom; LWUA, pinatotohanan sa imbestigasyon ang mga reklamo ng consumers vs. Primewater ; pilot ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre," pinuri ng manonood, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isinugod sa ospital kaninang umaga si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Tevez Jr.
00:07mula po sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
00:09Ito ay matapos siya makaranas ni umano ng matinding pananakit ng tiyan.
00:13Ayon sa kanyang abugado, kailangan umanong isailalim sa isang major surgery si Tevez
00:18at inerekomenda ng kanyang doktor na ilipat siya sa isang privadong ospital.
00:23Naipagbigay alam na raw ito sa mga korte kung saan may mga nakabimbing kaso si Tevez na murder at frustrated murder
00:31kabilang ang pagkakapas lang kay Negros Oriental Governor, Roel de Gamo.
00:37Halos dalawang libo ang estudyante pero dalawa lang ang standard classroom sa isang paaralan sa Cavite.
00:46At kahit nagdagdag na ng anim na makeshift classroom at nakigamit ng mga bakanting housing unit,
00:53i-apektado pa rin ang kalidad ng pagtuturo.
00:57Nakatutok si Mark Salazar, exclusive!
01:03Dito sa Kalubgob Elementary School sa Nae Cavite, matinding sakripisyo ang kapalit ng edukasyon.
01:10Mahigit sa libo at walong daan ang enrollees pero dalawa lang ang standard size classroom.
01:15Ang anim na iba pang silid ay makeshift o yung pansamantala lang nagawa sa magagaang material.
01:21Kaya ang pagitan ng dalawang silid, blackboard.
01:25Ang nagsisiksikang grade 4 student sa isang makeshift classroom, 64.
01:31At sa kabilang classroom, 77 ang pinagkasya.
01:35Ang may lamang biruan nga ng mga teacher dito,
01:38hinga lang ang pwedeng gawin ng mga bata, bawal kumilos.
01:42Di po kami makadaal ang maayos.
01:44Sobrang sikip po dito sa school.
01:47Sa sobrang sikip, ang row 1 ng grade 6 class nakadikit na sa blackboard.
01:53At halos lumabas na ng pinto ang upuan ng ilan.
01:56Ang kindergarten to grade 3 nga ng Kalubgob Elementary School
02:00ay pinanghiram na lamang ng ilang bakanting housing unit sa kalapit na pabahay ng gobyerno.
02:05Ang mga pabahay units na ito dito sa barangay Kalubgob na Aykavite
02:10ay nasa 30 square meters lamang ang lapad.
02:14Pero pinilit itong maging mga silid-aralan.
02:18Pinagkakasya ang nasa 45 hanggang 50 ng mga estudyante.
02:23Talagang wala na kasing choice kundi gamitin ang mga unit na ito
02:26para lang mapunan ang pangangailangan ng mga bata sa classroom.
02:31Pati kinder na nag-aaral palang magsulat, walang armchair kaya sa hita ipinapatong ang sinusulatan.
02:40Di kalayuan, itinatayo ang dalawang school building sa mas malawak ng campus.
02:45Pero walang detalyang nakalagay sa project board ng DPWH.
02:49Ayon sa mga nag-aabang na teacher, 2023 pa raw ito nasimulan.
02:53Idinadaing din ang mga guro ang nasa sakripisyong kalidad ng kanilang turo.
02:57Sin Sula kaming laboratory, napaka-limited nung pwedeng pagkilusan.
03:03Sula kaming ICP room, hindi nakakapag-hands-on ang mga bata.
03:08Halimbawa po, sa laro, nagda-download na lang ako ng video.
03:12Kahit po sa classroom, hindi namin siya ma-execute kasi sikip din po yung classroom.
03:16Halimbawa po, ang aming topic ay sa dance.
03:19Hindi ko rin po maituro sa kanila.
03:21Video na lang din po kasi wala nga po kaming space.
03:24Kulang din sa guro ang Kalubkob Elementary School.
03:28Ang grade 6 class na ito, 65 silang lahat sa isang kwarto ay naka-standby muna ngayon
03:33dahil meron silang isang subject na wala pa silang teacher, yung mape.
03:38Dahil sa katotohanan, may problema talaga ng kakulangan sa paaralan na ito ng mga guro.
03:44Ang problema ng Kalubkob Elementary School, hinaharap din ng iba pang guro't mag-aaral sa bansa.
03:50Sabi nga ng DepEd, aabuti ng 55 taon bago mapunan ang 165,000 na kakulangan sa mga classroom.
03:59Pero hanggang kailan kaya magtitiis sa mga bata para makamta ng karapatang mabigyan ng maayos na edukasyon
04:05kung sa simpleng pasilidad, hindi nila matamasa.
04:08Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
04:16Magandang gabi mga kapuso!
04:23Ako pa ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
04:27Na-alarmang ilang Firefly tour organizers sa Bohol,
04:30usap-usapan kasing ang ating henerasyon ang huling makakakita sa ganda ng mga alitap-tap.
04:36Gaano ito katotoo?
04:37Bigyan natin yan ng liwanan.
04:39Sa unang tingin, misto lang mga bituwing kumukuti-kutitap sa kalawakan.
04:51Ang mga alitap-tap
04:52na naninirahan sa mga bakawa ng Abatan River sa Bohol.
04:58Maharin silang masilayan sa inoorganisang tour ng grupo ni Naemi.
05:01It's a project of the Abatan River Development Management Council.
05:05And this is a community-based ecotourism project.
05:11May walang species daw na alitap-tap na makikita rito.
05:14At ang isa sa mga ito, rare daw kung ituring.
05:17We call it the Roptic McDermottie.
05:19And it's only in Abatan.
05:21And yun yung talagang lumalaw.
05:23Makikita gabi-gabi.
05:25We have three trip schedules daily.
05:29Marami na pong nagpabuksa amin ng parklight tour.
05:32Iba't-ibang nationalities.
05:34Hanggang ngayon.
05:36Siyempre po, natutuwa.
05:37Kasi kapag marami yung guests, marami ang natutulungan.
05:42Pero si Emi, napapost ka baka kailan?
05:45Focal extinction?
05:47Dahil sa babala ng mga eksperto,
05:49na maaring tayo na raw ang huli generasyon na makakakita ng mga alitap-tap.
05:53May extinct na nga ba ang mga insektong ito?
05:55We have him!
05:56I don't know!
05:57Alam niyo bang, merong mahigit 2,000 species ng alitap-tap sa buong mundo?
06:06Ang nakakalungkot na balita ang kanilang popurasyon,
06:08mababawasan na sa maraming bahagi ng mundo,
06:10kabilag na sa Pilipinas,
06:12dahil sa habitat loss, light pollution, at climate change.
06:15Sa North America, merong 18 species ng alitap-tap ang nanganganib ng ma-extinct.
06:19May mga species din na vulnerable o endangered na ayon sa IUCN.
06:24Gayunman, sa kasalukuyan,
06:25wala pang naitalang species ng alitap-tap na ganap na na-extinct.
06:29At mababa man ang kanilang bilang ng ilan sa mga species nito,
06:32ang kanilang bunglahi,
06:34hindi pa may tuturing na globally endangered.
06:36At ang magandang balita,
06:38maaring pa natin silang masalba kung a-actionan natin ito ngayon.
06:41Protektahan natin ang kanilang mga tahanan
06:43at bawasan natin ng light pollution.
06:46Samantala, para balaman ng trivia sa likod ng viral na balita,
06:48ay post o ay comment lang
06:49Hashtag Kuya Kim, ano na?
06:51Laging tandaan,
06:52kimportante ang may alam.
06:54Ako po si Kuya Kim,
06:55at sagot ko kayo,
06:5624 horas.
07:02Nilubos ng ilang kapuso stars
07:03ang pagbisita sa Reyna Mercedes sa Isabela.
07:06Bukod sa paghatid saya,
07:08inalam din nila ang makulay na kasaysayan ng lugar.
07:11Ibabahagi din nila yan
07:12sa report ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
07:19Sa puso ng probinsya ng Isabela,
07:22matatagpuan ang isang bayan.
07:25Duyan ang payapa at makulay na nitong kasaysayan,
07:28ang Reyna Mercedes.
07:30Dating isang baryo ng Kawayan City,
07:32ang Reyna Mercedes,
07:33at naging isang ganap itong bayan noong taong 1886.
07:37Pinangalanan nitong Reyna Mercedes
07:38bilang pagpupugay kay Queen Mercedes,
07:41na unang asawa ng nooy,
07:43haring ng Spain na si King Alfonso XII.
07:45Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan
07:48sa Reyna Mercedes.
07:50At marami ring magagandang pasyalan.
07:53Taong 2022,
07:54nang buksan sa bayan
07:55ang isang hardin na may lawak na 4.8 hectares.
07:58Patatagpuan nito ang libo-libong variety
08:00ng buginvilla,
08:01kabila na ang century-old buginvilla
08:03na nasa 104 years na ang tanda.
08:07Naging inspirasyon ng bayan ang pasyalang ito
08:10para sa makulay
08:11at makahulugang pagdiriwang
08:13ng Masetas Festival.
08:15Ang salitang Masetas ay hango sa salitang Ibanag
08:18na nangangahulugang mga halaman at bulaklak.
08:21Taon-taon ipinagdiriwang ng bayan
08:22ang Masetas Festival,
08:24tampok ang iba't ipang aktividad
08:25na nagpapakita rin ng pagmamahal sa kalikasan.
08:28Sinulit ng kapuso artists
08:30ang kapistahan
08:31upang pasayahin ang mga taga-Rena Mercedes
08:34sa isang masayang kapuso fiesta.
08:36Umtisa pa lang ng palabas,
08:38more tawa,
08:39more saya na ang hatid
08:41ni kapuso comedian Pepita Curtis.
08:44Back-to-back biritan ang baon
08:46ni nagkapuso singers Chloe Redondo
08:48at Marian Osebel.
08:54Ang ex-PBB housemate
08:56at maka-cast member
08:57na si Josh Ford.
08:59Game na hinarana ang crowd
09:01at ibinida pa ang kanyang T2 dance moves.
09:07Mainit din ang pagtanggap sa cast
09:09ng upcoming kapuso serye
09:10na Cruz vs. Cruz
09:13na si Alexi Gonzalez
09:14at Christopher Martin.
09:18Mas lumakas ang hiyawan
09:20nang lumabas si Tom Rodriguez.
09:22Gusto kong magpasalamat
09:23sa mga taga-Rena Mercedes
09:25at sa buong Isabela
09:26dahil win-welcome nyo kami dito
09:28at ang ganda,
09:29ang ganda sobra ng Isabela.
09:32Mula sa GMA Regional TV
09:34at GMA Integrated News,
09:37CJ Torida,
09:38nakatutok,
09:3924 oras.
09:42Nahulikam ang tangka
09:43o manong paranambang
09:44sa isang konsehal
09:45sa Dabao del Sur.
09:47Sa kuha ng CCTV,
09:48makikita ang paghinto
09:50ng isang otorsiklo
09:51sa likod
09:51ng isang nakaparadang
09:52sasakyan.
09:53Tila may kinuhang
09:54nakabalot
09:55ang angkas na suspect
09:56pero hindi malilaw
09:57kung ano.
09:58Mayang-maya pa,
09:59bumaba ang angkas
10:00at hinabol
10:01ang isang lalaki
10:01sa gilid ng sasakyan
10:03na nagmamadali namang
10:04pumasok
10:05sa isang gusali.
10:06Ayon sa polisya,
10:07tinangkao mo nung
10:08barilin
10:08ang biktimang
10:09kinilalang si
10:10Dabao del Sur
10:11counselor,
10:12Melvin Ordaneza.
10:13Bigo mo nung pumutok
10:14ang barilang gunman
10:15na pininiwala
10:16ang nakatago
10:17sa maliit na backpack.
10:19Ayon pa sa polisya,
10:20wala pa silang
10:20natatanggap na report
10:21na may banta
10:22sa buhay ng biktima.
10:23Patuloy ang
10:23investigasyon
10:24sa insidente.
10:27Umagos
10:28ang mga problema
10:29sa tubig
10:30na nadeskubri
10:31sa gumugulong
10:32na investigasyon
10:33sa prime water.
10:35Pinatotohanan
10:36ng nag-imbestigang
10:37Local Water
10:38Instilities Administration
10:39ang mga reklamong
10:40naranasan
10:41ng mga consumer.
10:43Nakatutok si
10:43Maris Umali.
10:44Maruming tubig,
10:50amoy o lasang kalawang,
10:52o malansa,
10:53at may pagkakataon
10:54pang wala talagang tubig.
10:56Kabilang ito
10:56sa mga problemang
10:57naglitawan,
10:58matapos pa-imbestigahan
10:59ni Pangulong Bombong Marcos
11:00sa Local Water
11:01Utilities Administration
11:02o LUWA
11:03ang sanhinang
11:04kawalan ng tubig
11:05sa banyo
11:05ng ininspeksyong
11:06eskwelahan sa Bulacan.
11:08Isa sa kanilang
11:09inaimbestigahan
11:10ang water concessionaire
11:11na prime water.
11:12Ito sa revalidation
11:13of the initial
11:14investigation report
11:16natin na sinimula
11:17natin noong Mayo.
11:19So parang naulit lang.
11:20Well,
11:21the water concessionaire
11:22may is not doing enough
11:24to fix this issue.
11:25Kasi ang daming
11:26nagagalit
11:27because of the service.
11:29Nagpunta daw
11:30ang mga ingenyero
11:30ng LUWA
11:31sa Laguna,
11:32Quezon,
11:32Pampanga,
11:33Nueva Ecija,
11:34La Union,
11:35at Pangasinan
11:35para kumpirmahin
11:36ang mga reklamo.
11:37Pinavalidate namin
11:38kasi meron naman
11:39kaming listahan
11:39na water districts
11:40na gustong kumalas.
11:42Pinapunta namin
11:43yung mga tao namin doon,
11:44pinacertify namin
11:45sa LUWA engineers namin
11:46and representatives
11:47that this is actually happening.
11:50Pinatotohana namin
11:51yung mga reklamo
11:52ng residente.
11:53Isinasapinal na rao
11:54ng LUWA
11:55ang kanilang report
11:56na naglalaman
11:56ng kanilang mga natuklasan,
11:58pati mga rekomendasyon
11:59na nakatakda rao nilang
12:00isumite sa Pangulo
12:01na yung linggo.
12:03Ang prime water,
12:04may halos isandang
12:04joint venture agreements
12:06sa mga water districts
12:07sa buong bansa.
12:08Hinihinga na namin
12:09ng tugon dito
12:09ang prime water
12:10pero hindi pa sila
12:11nagbigay ng sagot
12:12kaugnay sa mga reklamong ito.
12:14Pero handa rao ito
12:15makipagdayalogo.
12:16Nagsumite na rin daw sila
12:17ng catch-up plan
12:18sa LUWA
12:19para tugon na
12:20ng mga problema.
12:21Basically,
12:21the catch-up plan
12:22consists of
12:23engineering works
12:25and water supply.
12:27Yun ang number one nila.
12:28So,
12:29yung time frame nyan
12:30iba-iba
12:30depending sa
12:31engineering difficulty
12:32ng per water district.
12:34Ayon sa LUWA,
12:35hindi rin daw agaran
12:36ng mga solusyong ito.
12:37Kaya hinahanapan pa rin daw nila
12:39ng solusyon
12:40ng problema
12:40ng mga consumer.
12:41Nauna na rin sinabi
12:42ng prime water
12:43na naiintindihan nila
12:44ang kahalagahan
12:45na hindi na puputol
12:46na supply ng tubig
12:47lalo na sa mga eskwelahan.
12:49Nananatili rin daw silang
12:50nakatoon sa pagbibigay
12:51ng mga asahang servisyo
12:52sa tubig
12:53at seryoso rin daw
12:54nilang tinutugunan
12:55ang lahat ng reklamo
12:56o issue kaugnay nito.
12:58Sa San Jose del Monte,
12:59Bulacana,
13:00paagaraw
13:00ang pagputol
13:01sa kontrata
13:01ng prime water
13:02pero may legalidad
13:03pa itong kinakaharap
13:04dahil 25 taon
13:06ang kontratang pinirmahan.
13:08May mekanismo na raw ngayon
13:10ang luwa
13:10para bantayan
13:11at parusahan
13:11ang mga water concessionaire
13:13na hindi tumutupad
13:14sa mga patakaran.
13:15It has to be
13:16a practical solution.
13:17Diba?
13:18Napakadaling sabihin natin
13:20tatanggalin yan.
13:21But it will not bring water
13:23to those people.
13:24Has to be a practical solution.
13:26That's why we're aiming
13:27for short-term
13:28and systemic
13:29long-term solutions here.
13:31Para sa GMA Integrated News,
13:33Mariz Umali Nakatutok,
13:3424 Horas.
13:39It's official,
13:41worth it
13:41ang 8 years
13:42na paghihintay
13:43sa Encantadio Chronicles Sangre
13:44basis sa good reviews
13:46ng mga netizens
13:47sa pangmalakasang effects
13:48at casting.
13:49At wait lang,
13:51dahil hindi pa lumalabas
13:52sa kwento
13:53ang new-gen Sangres
13:54na naging emotional
13:55after ng kanilang
13:57watch party kagabi.
13:58Makichika
13:59kay Aubrey Carampelle.
14:01Nakakapanindig balahibo.
14:14At talagang sulit
14:16ang ilang taong
14:17paghihintay.
14:21Muling napatunayan
14:23kagabi
14:23that the magic lives on
14:25sa world premiere
14:26ng Encantadio Chronicles Sangre.
14:31This is how you open
14:34the most awaited
14:35Telefantasha,
14:37sabi ng isang netizen.
14:39Dahil simula pa lang
14:40nakamamanghana
14:41kung gaano kaganda
14:42ang apat na kaharian
14:44ng Encantadio.
14:46Mula sa Lireo,
14:49Hattoria,
14:52Adamia,
14:53at Sapiro.
14:54At Sapiro.
14:59Nakasakay sa kani-kanyang kabayo
15:01ang mga minakal na Sangre.
15:04Simula kay Perena
15:05played by Glyza de Castro,
15:08si Danaya,
15:09Sanya Lopez,
15:11Alena,
15:11Gabby Garcia,
15:13at si Amihan,
15:14Kylie Padilla.
15:15Hirit ng fans,
15:19first five minutes pa lang
15:21ibang klaseng visuals
15:22na agad
15:23ang naipakita.
15:31Marami rin
15:31ang napawaw
15:33sa transition na ito.
15:34At ang maikling
15:43pangangabayo
15:44ng mga Sangre,
15:45malaking simbolismo rao
15:46sa mga Encantadix
15:48na matagal
15:49nang tumututok.
15:50Tila sumasalamin daw
15:51kasi sa plot
15:52ng Encantadio 2016
15:54ang pangungunan
15:55ni Perena
15:55sa karera.
15:57Gaya ng kanyang
15:58pag-asam
15:59na makuha
16:00ang trono
16:00ng Lireo noon.
16:02Pero naabutan
16:03at naungunan
16:04pangusan pa rin
16:05ni Amihan
16:05na napiling hara.
16:12Sabi pa ng ilang netizens,
16:14Masterpiece on Free TV
16:16ang pilot episode
16:17dahil sa malak
16:19Hollywood effects
16:20mula sa isang
16:21malaking pasneya
16:23hanggang sa
16:28level up costume.
16:34at kapangyarihan
16:37ng mga Sangre.
16:43Major Game of Thrones
16:45vibes nga raw.
16:49Lalo nang ipakilala
16:50ang lupain naman
16:51ng mga isinumpa
16:53o miniyave.
16:55Nakilala si Arsus
16:56ang higanting
16:57kinatatakutan
16:58ng lahat.
17:05Gayon din si Metena.
17:11Ang episode
17:12kagabi
17:13patunay
17:13nakakaiba
17:14ang kapangyarihan
17:15ng mga Sangre
17:16dahil
17:17nanguna
17:17sa ratings
17:18at pinag-usapan
17:21kaya
17:21number one
17:22trending online.
17:25Wala pang 24 hours
17:26pero umabot na
17:28ng 18 million views
17:30and counting
17:30across all platforms
17:32ang unang episode.
17:37Ang new-gen Sangres
17:39di napigilang
17:40maging emosyonal
17:41sa kanilang
17:42watch party
17:43kagabi.
17:45Hindi po ito
17:46posible
17:47kung wala rin po
17:48sila.
17:49Encantadic
17:50mahal namin kayo
17:51sana po
17:51ay masaya kayo.
17:53This is something
17:53na I've only
17:54prayed for
17:55in the past.
17:56Sobrang napaproud ako.
17:59No words talaga
18:00and
18:00to be able
18:02to watch it
18:02with everyone
18:03to begin
18:04na bumuo
18:05ng Encantad.
18:07Lubos yung
18:07pasasalamat ko
18:08sa sama
18:09na
18:10hindi ko
18:12inaasaan ko.
18:13Present din dyan
18:13ang kanilang
18:14co-stars
18:15GMA executives
18:16at si Kera Miten
18:18na Rian Ramos
18:19na all praises
18:20ng dahil sa
18:21top-tier
18:21villain acting.
18:23Para sa isang fan,
18:24perfect kung perfect
18:25nga raw
18:26ang pag-cast
18:27kay Rian.
18:28Combination po yun
18:30nung
18:30siyempre yung
18:31pagsulat ng script,
18:32ang ganda
18:33nung set design,
18:35yung mga effects,
18:37yung mga costume,
18:38everything just adds
18:39to yung power
18:40and magic
18:41ng mundo
18:42ng Encantad.
18:42Kagabi
18:44nagsimula
18:45ng magpakita
18:46sa panaginip
18:47ni Hara Durye
18:48Kasyopea
18:48ang nilalang
18:49na papaslang
18:50sa kanya.
18:52Sinimula na rin
18:53ang pagsasanay
18:54ng mga batang
18:55sangre
18:55sa posibleng
18:56panganib
18:57at mamaya
18:58mas marami
18:59pang karakter
19:00ang makikilala
19:01sa pagsisimula
19:02ng paglaganap
19:03ng laging
19:04at lamig
19:05sa Encantadya.
19:07Ibig ninyong
19:08manirahan kami
19:08ng abisala
19:09esma po
19:10sa lahat
19:10ng mga Encantad
19:11maraming salamat
19:12po sa inyong lahat.
19:14Eko radyo!
19:16Bobri Garampel
19:17updated
19:18to showbiz
19:19happenings.
19:23And that's
19:24my chika
19:25this Tuesday night.
19:26Ako po si
19:26Ia Araliano.
19:27Miss Mel,
19:28Emile.
19:30Salamat sa iyo
19:31Ia.
19:32Thanks Ia.
19:32At yan ang mga
19:33balita ngayong
19:34Martes.
19:34Ako po si
19:35Mel Tiangko
19:36para sa mas
19:37malaking
19:38misyon.
19:38Para sa mas
19:39malawak na
19:39paglilingkod
19:40sa bayan.
19:41Ako po si
19:41Emile Sumangio.
19:42Mula sa
19:43GMA Integrated News,
19:44ang News Authority
19:45ng Pilipino.
19:46Nakatuto kami
19:4724 oran.

Recommended