00:00Unang araw pa lamang ng pagbabalik eskwela, napasabak na sa paglusong sa baha ang mga estudyante sa Malabon City.
00:09Apektado kasi ang lungsod ng nasirang floodgates sa Napotas. Si Christian Pascones sa Report.
00:17Balik eskwela na ang mga estudyante at baliklusong sa baha dahil tagulan na naman, lalo na sa lungsod ng Malabon na kilalang mahaing syudad sa Metro Manila.
00:27Ayon sa City Disaster Risk Redaction and Management Office, apektado ang Malabon ng sirang floodgates sa Napotas, lalot ang kanilang bayan ang exit point ng tuwig baha.
00:37Matatandaang nasira ang naturang floodgate noong nakaraang taon na ipinaayos ng MMDA.
00:43Ngunit nitong nakaraang linggo lamang ay nagkaroon na naman ito ng sira, kaya agad na naghanda ang Malabon LGU lalo na't nagsimula na ang pasukan.
00:51May direktiba sa atin ang ating mayor na imonitor natin palagi yung ating kapaligiran and inayahandahin natin ang mga barangay para makapag-responde rin sila kagad.
01:04Pagka yung worst case scenario, halos lahat ng barangay may mga portion na binabaha pero hindi naman totally submerged talaga lahat.
01:12Kasabay ng pagbuhos ng ulan, ang pagdami rin ang bilang ng mga kaso ng sakit na nakukuha dahil sa paglusong sa baha, kaya paalala ng LGU sa publiko.
01:22Yung panahon kasi ngayon, di ba unpredictable, di natin alam kung kailan bigla bubuhos yung ulan.
01:27So lagi magdala ng mga panangga sa ulan at palagi pong iwasan na baglusong kasi may mga kaso rin tayo ng leptospirosis.
01:38So iwasan natin magsot tayo ng mga bota, ng mga panangga sa ulan.
01:42Mas binadali ng Malabon DRRMO ang pagre-report ng anumang emergency ng mga residente sa pamamagitan ng isang emergency response application.
01:51Kaya nitong makatanggap ng anumang tawag na may kinalaman sa kalamidad, medical emergency, police assistance, mga reklamo at marami pang iba.
01:59Sa kanilang command center, bawat sulok ng lungsod ay kayang maabot ng kanilang naka-install na high-definition CCTV cameras.
02:05Kaya madaling makumpirma kung may mga kaganapan.
02:09Bagamad laging binabaha, patuloy pa rin na gumagawa ng mga hakbang ang lokal na pamahalaan ng Malabon
02:15para matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga residente lalo na sa oras ng kalamidad.
02:20Kaya ang sabi ng taglay nila, Malabon Ahon.
02:25Mula dito sa Malabon, Christian Baskones para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.