- 6/12/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Lagda na lang ng Pangulo ang kulang para ma-isabatas ang panukalang iurong sa susunod na taon ang barangay at SK elections na dapat ay sa Desembre.
00:10Nagsisihara man ang Senado at Kamara sa kung bakit hindi na-isabatas ang panukalang dagdag sahod.
00:16Saksi si Maki Pulido.
00:21Paasa ang turing ng mga labor groups sa sinapit ng panukalang umento sa sahod.
00:27Kahit kasi pumasa ang magkaibang versyon ng Senado at Kamara sa kanika nilang plenaryo, hindi ito na pag-isa sa pagsasara ng 19th Congress kahapon.
00:35Grabe ho ang nararamdaman naming galit. Dinidribble lang ng Senado at saka ng Congress yung legislative wage increase.
00:44Parang nagamit na kami sa eleksyon eh.
00:47Nagkaturuan kung sino ang may sala.
00:49Sabi ng Senado kahapon, kasalanan ng Kamara dahil gipit na sa oras na ipasa sa kanila ang panukalang batas.
00:55Ayon sa Kamara, ang gusto ng Senado ay tanggapin lang ang versyon nito na 100 pesos na dagdag sahod.
01:02Handa rin a nila ang Kamara na sumalang sa bicameral conference para pag-isahin ang kanika nilang versyon.
01:09Let's not sugarcoat it. The Senate killed the 200 peso wage hike bill.
01:14200 pesos man o 100 pesos ang legislated wage hike, tutol ang economic managers.
01:20Dahil dagdag gasos a nila sa produksyon na magpapamahal ng bilihin.
01:23Sabi ng KMU, sa halip na ipatong ang cost of production sa umento ng sahod,
01:28ibawas dapat ito sa kita ng malalaking kumpanya.
01:32Ang maliliit namang mga negosyo dapat alalayan ang gobyerno tulad ng pag-alalay nila sa mga foreign investor.
01:38Aware kami na dapat hindi siya matranslate sa inflation.
01:42So paano yun gagawin?
01:44Dapat ang binabawasan yung tubo ng kumpanya.
01:47Binabaliktad nila ang argumento.
01:481989 pa, huling nagkaroon ng legislated wage hike sa pamamagitan ng RA 6727.
01:55Dahil din sa batas na yan, nabuo ang mga regional wage board.
01:59Ang gusto ng economic managers,
02:00hayaan ang mga regional wage board na magtakda ng minimum wage depende sa regyon.
02:05Mas muraan nilang mamuhay sa probinsya,
02:08kaya tama lang na mas mababa ang sahod doon.
02:10Pero sabi ni Arian na nagtapos ng kursong maritime and tourism at ngayoy isang construction worker,
02:17sobrang baba naman ng sahod nila sa probinsya.
02:20Mahirap din po yung buhay sa probinsya.
02:23Maliit lang po yung sahod kasi provincial rate.
02:26Minsan po, mahal po yung mga bigas, bilhin po.
02:30Tapos maliit lang po yung sahod.
02:32Sa gitna niyan, ilan sa mga prioridad na panukalang batas ng LEDAC o Legislative Executive Development Advisory Council
02:39ang lumusot sa BICAM at niratipika na ng Senado at Kamara ang BICAM Report.
02:45Ibig sabihin, maaaring may isa batas kung pipirmahan ng Pangulo.
02:49Pero kahit walang pirma, magiging batas sa mga ito kapag lumipas ang 30 araw na walang aksyon mula sa Pangulo.
02:55Kabilang dito ang Virology Institute of the Philippines o VIP Act,
02:59E-Governance Act, Konektadong Pinoy Act o yung nagbabalangkas para mapalawak ang internet access sa bansa,
03:06pati ang panukalang batas na nagluluwag ng pagpapaupa ng mga pribadong lupain sa foreign investors.
03:12Niratipika na rin ang Kongreso ang BICAM Report na nagpapahaba sa termino ng barangay at sangguniang officials.
03:19Kung may isa batas mula tatlong taon, magiging apat na taon ang kanilang panunungkulan.
03:23Ipagpapaliban din sa November 2026 ang dapat sana'y barangay at sanggunian elections sa December 2025.
03:31Kung sakali, sabi ng Comelec, mas makakatutok sila sa Barm Parliamentary Elections na nakatakda sa Oktubre.
03:38May mga tagamitan na hindi kami dapat bumili muna o i-procure dahil baka po kasi ito masira,
03:44patulad na limbawa ng Indelible Inc.
03:45Kung ito'y maririsat talaga sa November, marapat din po siguro na ito ay amin po i-reset upang mas pahabain natin ang magiging registration.
03:54Niratipika na rin ang Senado ang BICAM Report para sa panukalang batas na nagbabalangka sa paggamit ng nuclear energy
04:01at nagtatatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o FILATOM,
04:07pati ang Arrow Act o yung nagre-reforma sa Right of Way Act.
04:10Para sa GMA Integrated News, ako si Mackie Pulido, ang inyong Saksi.
04:22Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Independence Day sa Malaysia,
04:26nagpasaring si Vice President Sara Duterte sa mga anyay, nagbabalat kayo.
04:32Kasama niya roon ang dalawang center judges na sinaay ni Marcos at Robin Padilla.
04:37Saksi, si Rafi Tima.
04:40Ngayon paman, sa ating pagkakaisa, ay nalalantad ang mga interes na salungat sa interes ng mga Pilipino.
04:53Nabubunyag ang tunay na kulay at nalalantad ang kanilang pagbabalat kayo.
05:00Matapang ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
05:07Isa sa nabanggit niya ang pagkakaaresto sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
05:11dahil sa kinakaharap na kasong Crimes Against Humanity sa International Criminal Court.
05:16Gamit ang dahas at hiram na kapangyarihan ay papahirapan nila tayo.
05:23Ang dinaranas ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kongkretong halimbawa nito.
05:31At kaugnay sa impeachment proceedings laban sa kanya, sabi ng Vice.
05:35The attacks are cowardly, yet openly disingenuous and arrogant.
05:42Absence of basic human decency and respect for the rule of law.
05:49Typical of people drunk in power.
05:52Pero nananatili tayong nakatayo dahil ang pinaglalaban natin ay tama at totoo.
06:05Kasama ng BC sa Kuala Lumpur, sina Sen. Aimee Marcos at Sen. Robin Padilla na parehong nanawagan ng suporta para sa BC Presidente.
06:12Gusto ko muna mong magbigay bugay, ula-ula sa susunod na pahulo ng tulipinan niya.
06:19Bugay sana at unerte.
06:22Bugay sana at unerte!
06:49Bugay sana at unerte!
06:52I'm not going to go back to that President Duterte in the Philippines.
06:59Because you are going to go back to the Philippines,
07:04you are going to go back to the Philippines.
07:10Para siyang nakahostage.
07:15Bibitawan ko lang yan siya kapag si dating Pangulong Duterte ay nabalik na sa Davao City.
07:25Nabanggit din ni Marco sa mga nangyari sa Senado.
07:28Gaya ng hindi nila pagsusuot ng impeachment troop noong mag-convene ang impeachment court.
07:32Alam po ninyo, dalawang gabi, isang gabi, hindi na kami, tumayong kami bilang hukom.
07:40At nagsuot ng gamit bilang hukom.
07:43Nakita siguro ng iba sa inyo.
07:46Pero kami, mga pasaway nyo, hindi kami nagsuot.
07:50Alam namin noon, pangit.
07:52It's not my color.
07:54Ayan.
07:58Alam po ninyo, ang totoo, tumayong kami.
08:01Pagkat kaakibat ng kalayaan ang responsibilidad na maging batas at marangal.
08:09Kasama si na Marcos at Padilla sa labing walang pumabor na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban sa BICE.
08:16Kagabi, pinagtibay ng Kamara ang resolusyon para sertifikang na aayon sa salikang batas ang impeachment complaint,
08:22gaya ng hinihingi ng Senate Impeachment Court.
08:25Gayunman, kinwesyon pa rin ni House Speaker Martin Romualdez ang utos na ibalik ang Articles of Impeachment sa Kamara.
08:31The decision of the Senate titing as an impeachment court to return the Articles of Impeachment is deeply concerning.
08:44The House of Representatives acted not out of haste but with deliberate care.
08:52We followed the law.
08:54We honored our mandate.
08:56Pero inaprobahan din ang mosyon na huwag munang tanggapin ang ibinilik na Articles of Impeachment
09:00hanggat hindi sinasagot ng Senate Impeachment Court ang mga tanong ng House Prosecution Panel sa pagubalik ng naturang Articles.
09:06Kung tinanggap po namin yung, ito po, kanya-kanya po kasi kami ng partner now, no?
09:12Kung tinanggap po namin yung kanilang ninanais, di parang tinasyabi po namin na tama po yung kanilang ginagawa.
09:23E marami po sa amin ang hindi po naniniwala at ang iba po sa amin ang paningin ay ito po ay unconstitutional dahil ito po ay wala naman po sa rules.
09:33We shall comply with the requirements of the Impeachment Court not to abandon our cause but to ensure the process continues.
09:44Because in matters of truth and accountability, the House does not back down.
09:53Hindi rin muna ipinadala sa Senado ang certification ng Kamara dahil pag-uusapan pa ito ng House Prosecution Panel.
09:59It was decided by the House leadership that the Secretary General can issue the certification for maybe for everyone's appeasement
10:08but it does not necessarily mean that we will transmit such certification to the Senate.
10:16Yun po ang aming stand, wala po silang authority to remand the Articles of Impeachment.
10:23It's not under the Constitution that they can return or remand the Articles of Impeachment.
10:31Hindi naman malinaw pa kung anong magiging aksyon ng Kamara sa ikalawang hinihingi ng Impeachment Court
10:36ang paglilinaw ng papasok na 20th Congress kung interesado pa itong ituloy ang Impeachment Complaint.
10:42Gate ni Sen. President C. Scudero, dapat igalang at sundin ng Kamara ang pasya ng Impeachment Court.
10:48Dapat din daw tumugo ng bise sa summons.
10:51Tanging Korte Suprema lang daw ang pwedeng magsabi kung unconstitutional o hindi ang kanilang ginawa.
10:56Sui generis ang Sen. Impeachment Court.
10:59Nakalagay din yon sa rules of court.
11:01Sui generis means it sa klaso it's wrong.
11:04Pwedeng gawin ng Impeachment Court, anumang nila nais gawin ito ayon sa mutuhan.
11:10At kung may hindi man sumasangayon,
11:12edi malaya silang pwede iyakit sa Korte Suprema yan
11:16at hantayin natin magpasya ang Korte Suprema.
11:19Inaasahan ng Impeachment Court ang sagot ni Bibi Duterte sasama sa June 23.
11:23Ang prosecution naman meron hanggang June 28 para mag-reply sa tugon ng bise kung nanaisin ito.
11:29Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Timang, inyong Saksi!
11:34Arrestado ang dalawang subcontractor na Meralco na inirereklamo dahil sa umano'y pangingikil.
11:40Ang mga suspect pinalalabas umano'ng tampered ang metro ng kuryente
11:44para makahingi ng pera sa mabibiktimang customer.
11:48Saksi si June Veneroso.
11:50Hindi na nakapalag ang dalawang lalaking ito
11:55nang palibutan sila ng mga tauhan ng PNPC IDG sa San Pablo, Laguna.
12:00Tinarget sa entrapment operation ang dalawang suspect ng mga subcontractor ng Meralco
12:05at inirereklamong nangikin umano'ng sa isang electricity customer.
12:09Nung binigyan po siya ng disconnection notice,
12:14binuksan po ang metrohan ng Meralco at pinahawakan po sa ating complainant.
12:22At sinabi po na ang kanyang metro ay tampered.
12:27Pwede siyang kasuhan at pwedeng magmulta sa alagang 300,000 pesos.
12:37Para hindi ba kasuhan at magmultahin dahil sa tampered daw ng metro ng kuryente
12:41nang hingi umano ang mga suspect ng 20,000 pesos sa biktima.
12:45Pero sabi ng biktima, hindi tampered ang kanilang metro.
12:49Modus lang daw yun ang mga suspect.
12:51Nagsumbong ang biktima sa mga otoridad, kaya naisagawa ang Chapman.
13:07Sinusubukan pa namin makuha ang palig ng mga naaresto.
13:10Pero sa isang pahayag, nagpasalamat ang Meralco sa mabilis na aksyon ng mga otoridad.
13:16Nagpaalala sila na hindi raw naniningil o tumatanggap ng anumang bayad
13:20ang mga empleyado ng Meralco.
13:22At tangin sa mga Meralco Business Center lamang
13:25maaaring tumanggap at magproseso ng anumang bayad.
13:29Base sa investigasyon ng CIDG Laguna,
13:31may iba pang nabiktima ang mga suspect sa kanilang modus
13:34na palalabasing tampered ang metro ng kuryente
13:37ng kanilang bibiktimahin para makapangikil
13:40o makapila sa kanila ang mga otoridad
13:42na magsamparin ang reklamo.
13:44Para sa GMA Integrated News,
13:46ako si Jun Vatakasyon, ang inyo, Saksi.
13:50Sa protesta, idinaan na ilang grupo
13:52ang pag-alala ng Araw ng Kalayaan.
13:54Kasabay naman ang iba't ibang pagdiriwang,
13:56inilunsad ang bagong patrol vessel ng AFP.
13:59Saksi, si Chino Gaston.
14:01Sumbi! Sumbi! Sumbi! Sumbi! Sumbi!
14:08Ngayong araw ng Kalayaan,
14:10giyit ng mga grupo na nag-rally
14:12sa People Power Monument sa EDSA kanina
14:14ipagpatuloy ang impeachment trial
14:16ni Vice President Sara Duterte.
14:18Bakit parang nagahanap sila ng win-win solution
14:22for the minority and for the pro-Duterte senators?
14:26It doesn't make sense.
14:29Pero may mga nagpahayag din
14:31ng pag-suporta sa Vice Presidente.
14:37Kaninang umaga nagtangkari ng grupo
14:38na makalapit sa U.S. Embassy
14:40bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan.
14:42Pero hanggang Kalaw Avenue na lang nakarating ang mga rallyista
14:47dahil hinarang na ang maggabilang lane
14:50ng mga tauhan ng Manila Police District.
14:52Wala mang rally permit,
14:53kinayaan pa rin sila tapusin ang kanilang programa.
14:57Nandung palagi tayo sa maximum tolerance
14:59kung mapapansin nyo na nandito sila
15:01pinapahayag nila yung kanilang mga salo-event
15:04ito maman ay pabor o hindi pabor sa ating gobyerno.
15:06Sa Luneta, pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos
15:12ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
15:14Mas madadaman ang Pilipino ang kalayaan
15:17kung may pagkain sa hapat,
15:19may maayos na transportasyon,
15:21may gamot para sa mga may sakit,
15:24at may dignidad ang bawat manggagawa.
15:28Sa gitna ng mga hamon,
15:30dapat daw manindigan para sa tama.
15:33Piliin natin maging tapat kahit walang nakakakita.
15:38Piliin natin na manindigan,
15:40lalo na kung may nagkakamali.
15:44Nanguna rin sa pag-unitan ng
15:46127th Independence Day ng Pilipinas,
15:49ang iba't ibang matataas na opisyal ng bansa.
15:52Tuloy rin ang pagdiriwang sa iba pang panig ng bansa.
15:55At ang kabayanihan ng mga lumaban para sa ating kalayaan,
16:04inalala pati sa BRP Teresa Magpanwa ng Philippine Coast Guard.
16:08Nasa Japan ito ngayon para lumahok sa trilateral maritime exercise
16:12kasama ang mga Coast Guard ng Amerika at Japan.
16:15Sa South Korea, inilunsad ngayong araw ng AFP ang BRP Raja Sulayman,
16:26na pinakabagong offshore patrol vessel ng bansa.
16:29Ang bargong ipinangalan sa Raja na nanindigan laban sa mga mananakok,
16:34modernong sagisag-anila ng katapangan at tibay ng loob ng mga Pilipino.
16:39Ayon sa AFP, magiging katuwang ito sa pagtatanggol ng deritoryo ng bansa.
16:46Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong Saksi.
16:52Labing-anim na bansa ang nagahanap ng mga skilled worker mula sa Pilipinas.
16:56At tampok po yan sa job fair ng Department of Migrant Workers
17:00na dinayo ng libo-libong aplikante ngayon pong araw ng kalayaan.
17:05Saksi, si Darlene Kahn.
17:09Hindi pa man nagsisimula ang Independence Day job fair sa isang mall sa Ortigas.
17:15Mahaba na ang pila ng mga gusto mag-apply para sa mga trabaho abroad.
17:18Isa rito si Jose Lito, isang bartender.
17:21Labing-liman taon siyang nagtrabaho sa Dubai,
17:23pero umuwi sa Pilipinas noong 2022 para dito na magtrabaho.
17:27Pero hindi raw sapat ang oportunidad at kita dito sa bansa.
17:31Maraming competition talaga, especially nagkakaedad na rin.
17:35Siyempre pinipili ng mga employer, yung mga medyo bata, yung medyo fresh,
17:40and then may mga experience din dito.
17:43Pero sa experience, mas namang tayo sa kanila.
17:46Ayon sa DMGW, may 3,630 job orders dito ngayong araw mula sa 10 participating job recruitment agencies patungo sa 16 na bansa na nangangailangan daw ng skilled workers.
17:58Ang isang nakikita kong trend is yung in terms of tinatawag na skilled workers,
18:07hindi na yung dating professional o highly professional or technical.
18:13Yung tinatawag na skill sets na meron naman tayong kaukulang surplus o marami naman talaga tayong panggagalingan.
18:23Yan ang isang na-observe ko na hindi na masyado papasok nito sa pinatatawag na brain-brain o maubos yung workforce natin.
18:34Ilan sa mga aplikante ang hired on the spot.
18:37Ang call center agent na si Angelica na hire bilang cleaner sa Saudi Arabia.
18:41Naghahangad daw siya ng mas malaking kita at mas magandang oportunidad.
18:45Overwhelming po, tsaka mixed emotions kasi hindi po ini-expect na pwede pala yun na hired on the spot.
18:52Mas maganda rin kasi yung opportunity kapag nasa ibang bansa.
18:56Magiging regular na raw itong job fair para sa mga nagahanap ng trabaho abroad.
19:00Pero bukod dito, meron na rin daw programa yung DMW para sa mga kasalukuyan ng OFW
19:05pero gustong madagdagan yung kanilang kaalaman at kasanayan
19:08para makahanap sila ng mas magandang trabaho at oportunidad para sa kanila.
19:12We are preparing ourselves for a smoother path towards upskilling.
19:17Isang OFW domestic worker halimbawa galing sa abroad, nag-alaga ng bata o matanda,
19:23pwede na siyang bumalik dito sa bansa, ma-assess o di kaya mag-training para maging caregiver naman
19:30para hindi na domestic worker yung pagbalik niya.
19:33Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
19:38Mga kapuso, maging una sa saksi.
19:41Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Recommended
0:38
1:20