Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/12/2025
- Kotse at truck, sinalpok ng van


- #BagyongAuring


- Dalawang sub-contractor ng MERALCO, arestado sa pangingikil umano ng customer


- Marcos at Padilla na senator-judges sa impeachment, kasama ni VP Sara Duterte sa Kuala Lumpur


- Babae, napuruhan sa mukha matapos tagain ng amain ng pinsan; suspek, tinutugis


- In Case You Missed It: 127th Independence Day; MRT-7 Batasan station


- SB19 Justin sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"; ilan sa O.G. cast ng T.G.I.S., reunited


- Buhawi, nanalasa sa basketball court


- Pambihirang arkitektura, Turkish ceramic, hot air balloon ride at food trip, ilan lang sa dinadayo sa Turkiye 


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:05Pagkalikon ng elf truck na yan, bumulaga ang isang van at sumalpok sa kotse na may kuha ng dashcam video.
00:22Nangyari ang aksidente sa Pulomolok, South Cotabato ngayong umaga.
00:25Tinamaan ng van ang gilid ng kotse at bumanga sa likod ng truck.
00:30Buti na lang may airbag ang kotse, kaya nakaligtas ang driver nito.
00:34Sugatan din ang ilang sakay ng van. Patuloy ang investigasyon sa aksidente.
00:42Bago ngayong gabi, bagyo na ang binabantayang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:49Tinawag po iyang bagyong Aurin, ang unang bagyo ngayong 2025.
00:54As of 8pm, namataan ang pag-asa ang tropical depression sa layong 270 kilometers north of Itbayat, Batanes.
01:02Taglay nito ang lakas ng hangi nga abot sa 45 kilometers per hour at bugso nga abot sa 55 kilometers per hour.
01:09Kubikilos yan pa north-northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
01:13Bahagyan itong palalakasin ng habagat, kaya asahan pa rin ang mga pag-ulan.
01:19Batay naman sa datos ng metawether, magpapaulan din ang thunderstorms.
01:24Naglabas naman ng heavy rainfall warning ang pag-asa sa Batanes at Kagayan Bukas.
01:31Mistulang na kuryente sa sarili na lang modus ang dalawang subcontractor ng Miralco sa Laguna.
01:37Pinapalabas umano nilang tampered ang metro ng kuryente para makikilan ang customer.
01:43Narito ang report ni Jun Veneracion.
01:48Tila naging hudyat ng entrapment operation ang paghinto ng rider na yan sa may tindahan sa San Pablo, Laguna.
01:55Agad pinalibutan ng mga tauhan ng PNPC IBG ang target sa kapinadapa.
01:59Isa siya sa dalawang sinasabing subcontractor ng Miralco na inireklamong nangikil umano sa isang customer.
02:07Sa follow-up operation, nahuli ang isa pang suspect, ang kanila raw modus.
02:11Nung binigyan po siya ng disconnection notice, binuksan po ang metrohan ng Miralco at pinahawakan po sa ating complainant.
02:22At sinabi po na ang kanyang metro ay tampered.
02:27Pwede siyang kasuhan at pwedeng magmulta sa alagang P300,000.
02:33At para raw hindi makasuhan at pagbultahin dahil sa tampered na metro.
02:37Hininga ng P20,000 ang biktima.
02:40Pumalag noon ang biktima sa baygiit na hindi tampered ang kanilang metro.
02:44Agad din siyang nagsumbong sa mga otoridad.
02:45Kinasuhan natin ang robbery extortion yung mga suspects in relation to cybercrime prevention.
02:54Sinusubukan pa namin makuha ang palig ng mga inaresto.
02:58Ang Miralco, nagpasalamat sa mabilis na aksyon.
03:00Kung paalala nila sa mga customer, hindi kailanman naniningil o tumatanggap ng alamang bayad ang kanilang mga empleyado.
03:08Tanging sa Miralco Business Centers lang daw pwedeng tumanggap at magproseso ng bayad.
03:13Base sa investigasyon ng CIDG Laguna, may iba pang nabiktima ang mga suspect sa kanilang modus na palalabasing tampered ang metro ng kuryente
03:21na kanilang bibiktimahin para makapangikil.
03:24Umapila sa kanila ang maotoridad na magsamparin ang reklamo.
03:28June Van Alasyon, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:38Sa gitna ng mga issue ukol sa impeachment,
03:41namataang nag-uusap si na Senate President Cheese Escudero at House Speaker Martin Romualdez sa isang pagtitipon sa Malacanang.
03:49Kasama naman ni Vice President Sara Duterte sa Malaysia ang dalawang senator-judge sa kanyang impeachment trial.
03:55May report si Rafi Tima.
03:58Kasama ni Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Kuala Lumpur, Malaysia,
04:05si na Sen. Amy Marcos at Sen. Robin Padilla,
04:08ang dalawa kabilang sa labing walong senator-judge na pumabor na ibalik sa kamera ang articles of impeachment laban sa bise.
04:13Gusto ko muna kong magbigay bugay ula-ula sa susunod na kahulo ng Pilipinas.
04:19Ang day Sara Duterte.
04:24Duterte! Duterte! Duterte! Duterte! Duterte! Duterte!
04:32Ang sarap! Kapag sinisigaw ko lalo ako tumatapang eh!
04:39Si Marcos nagbirupa.
04:40Sa lahat kamuntip ng guntalin si Sen. Joel Villarueva.
04:46Maisog kami talaga ako nasigawan ko si Risa O'Kliber.
04:50Sorry!
04:50Nabangit din niya kung bakit hindi sila nagsuot ng robe ng Sen. Judge.
05:00Duterte kami mga pasaway ni Robin, hindi kami nagsuot.
05:04Ayaw namin nun, pangin.
05:06It's not my call.
05:08Ayan.
05:10Alam po ninyo ang totoo, tumayong kami pagkat kaakibat ng kalayaan ang responsibilidad na maging patas at marangal.
05:23Ang busy na banggit din ang nangyari ngayong impeachment trial.
05:26Napanood niyo ba yung speech ni Sen. Amy doon sa Senado?
05:31Marami ang nagsabi sa akin na ipaliwanag niya ng maayos kung ano ba yung nangyayari sa impeachment na ginagawa.
05:46The attacks are cowardly yet openly disingenuous and arrogant.
05:53Kung ang isa sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution ang tatanungin,
05:56dapat nang mag-recuse o mag-inhibit sa impeachment trial ang ilang senador dahil sa posibleng conflict of interest.
06:03If they're incapable of independent thinking, I think they should withdraw and say, you know, we are not participating.
06:10Sabi ni Sen. President Chisiscudero, hindi pwedeng pilitin ang isang senator judge na mag-inhibit sa impeachment.
06:15Desisyon nila kung mag-inhibit nga ba o mag-re-recuse sila.
06:20Hindi yan subject matter of vote.
06:22Hindi yan pwedeng pagbotohan na, hoy, ikaw, tanggal ka na.
06:26Sabi rin ni Escudero, wala pa silang natatanggap na anumang pleading mula sa Kamara
06:30kaugnay nang ibinalik nilang articles of impeachment.
06:32Ang balita pa lamang naman yan sa media at wala pa kaming formal na natanggap.
06:37Kahapon, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na tatalima sila sa requirements ng impeachment court.
06:42Pero ang sertifikasyon ng Kamara, hindi pa ipinadadala sa Senado.
06:46Pag-uusapan pa raw ito ng House Prosecution Panel.
06:48It was decided by the House leadership that the Secretary General can issue the certification for us, maybe for everyone's appeasement, but it does not necessarily mean that we will transmit such certification to the Senate.
07:05Kanina namataan si Escudero Trumualdez na nag-uusap sa taon ng Independence Day Vindonor o Wine of Honor sa Malacanang.
07:12Wala pang impormasyon kung ano ang napag-usapan nila.
07:15Kasabay ng pag-unita sa araw ng kalayaan,
07:17Nag-tipo ng mga malitanteng grupo sa People Power Monument sa EDSA para ipanawagan ng pag-usad ng impeachment trial.
07:23Convict! Convict! Convict! Saranao!
07:27Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:34Isang babae sa Marilao, Bulacan, ang tinaga sa mukha.
07:38Ang sospek, amai ng kanyang pinsan.
07:41Kwento ng pinsan, nagpasama raw siya sa biktima para kumuha ng gamit sa bahay ng kanyang stepfather.
07:47Bigla raw siyang nilapitan ng sospek at inundaya ng taga, pero nakatakbo siya.
07:52Habang ang biktima na nasa labas ng bahay, sinubukan daw kunin ang gamit at tinaga ng sospek.
07:58Sa laki ng hiwa sa bibig ng biktima, halos bumagsak na ang baba niya.
08:03Isinugod siya sa ospital.
08:04Na-recover ang patalim at patuloy na tinutugis ang sospek na maaharap sa mga reklamong frustrated homicide at attempted homicide.
08:16Pangulong Marcos, pinangunahan ng selebrasyon na ikaistandaan at 27 araw ng kalayaan ng Pilipinas sa Maynila.
08:28Giit ng Pangulo.
08:30Tuloy ang laban para sa kalayaan sa gitna ng mga banta tulad ng fake news.
08:34Dapat din daw panagutin ang mga nagmamalabi sa tungkulin at nagkukulang sa paglilingkod.
08:42Ginunita rin ang Independence Day sa iba't ibang panig ng pansa.
08:47SUV driver na nabagsakan ang tipak ng simento mula sa Naya Expressway sa Paranaque.
08:55Nakakonfine pa rin sa ospital.
08:57Ayon sa kanyang ama, kailangan niyang sumailalim sa CT scan at ilang test.
09:03Patuloy daw na nakikipagugnayan sa kanila ang pamunuan ng Skyway.
09:07MRT 7 Batasan Station sa Quezon City, ipinasilip ng Department of Transportation.
09:16Ayon sa DOTR, halos isandaang porsyento ng tapos ang estasyon.
09:21Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:30Justin ng SB19, papasok na rin sa acting.
09:35May special participation si Justin sa Encantadia Chronicles, Sangre.
09:41Ang kanyang magiging role, abangan.
09:46Sangre Adamus, Calvin Miranda, spotted namang nage-enjoy sa isang street food stall.
09:55May little visitor ang set ng sanggang dikit na FR.
10:00All smile si Dilan, habang iniexplore ang workspace ng kanyang mami, Jenny Lynn Mercado, at daddy, Dennis Trillo.
10:10Ilan sa OG cast ng 90's Youth Oriented Show na TGIS, reunited.
10:20Sa post ng director ng show na si Direct Mark Reyes,
10:24kasama niya si na Bobby Andrews, Michael Flores, Angelio De Leon, at Juan Mig Bondoc.
10:31War Santiago, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:38Naapatakbo ang mga nag-aabang ng basketball tournament sa Abulo, Cagayan ng manalasang isang buhawi.
10:53Tinangay ng malakas na hangin ng mga plastik na upuan.
10:56May pumutok pang ilaw ng poste.
10:59Nawala ang buhawi kalaunan at natuloy ang naro.
11:02Tanawing nakamamangha, mayamang kultura, at masasarap na pagkain.
11:13Yan at iba pa ang alok ng bansang Turkiye.
11:16G tayo dyan kasama si Oscar Oida.
11:2010-day trip abroad?
11:22Chak na sulit dahil sa dami ng iiexplore.
11:26Tara sa makasaysayan at makulay na kultura sa Republic of Turkiye.
11:32Look at that!
11:36Bansang napapalibutan ng mga gusaling may tuturing na architectural marvel.
11:42Mula sa makabagong istruktura hanggang sa mga historical landmarks.
11:48Isa raw sa hindi daw at palampasin ang Hadya Sophia, dating katolikong simpahan na ginawang moske.
11:54Makikita mo pa rin yung images na Jesus Christ at saka ni Mama Mary hindi nila tinanggal.
12:00Kasi nagu-goosebumps ako nung pumasok talaga ako sa Hadya Sophia.
12:03Feeling ko like 100 years of history ang nawitness ko.
12:07Walang basagan ng trip sa babasaking trip na pwedeng dayuhin para mamili ng Turkish Ceramic.
12:19Makukulay, ibat-ibang hugis at dekalidad ang kitchenware, figurines at iba pang mapagpipilian.
12:26Magpalutang-lutang sakay ng hot air balloon sa Cappadocia.
12:30Nakakalula sa una pero mas malulula sa ganda ng tanawing makikita.
12:38Nakakamanga ang bawat sulok.
12:40Pero pagdating namin doon, ang daming magandang place.
12:43Like kahit saan ka mag-stop, picture perfect yung location.
12:47Sa Bosturus Cruz in Istanbul, mas mapagmamasdaan ang ganda ng turkey.
12:52At siyempre, subukan ang iba't-ibang Turkish cuisine.
13:01Ang dessert sa turkey, bumabaha talaga siya.
13:05So every single time kapain ka sa turkey, dapat dapat meron ka space for desserts.
13:11Kasi it's ano talaga, part of their meal.
13:16Oscar Oida nagpapalita para sa GMA Integrated News.
13:22Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
13:29Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
13:34Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
13:38Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
13:52Huwag magpahuli sa ordinance na paglilingkod saיד.
13:54Huwag magpahuli sa fat Serách houga.
13:55Ang certeza!
13:59Huwag magpahuli sa slipsan preferis-tuffu sa papilina.
14:02Ga i

Recommended