00:00Ni-ratify na ng Bicameral Conference Committee ang Panukalang Batas na naglalayong palawigin ang termino ng mga barangay at sangguniang kabataan official.
00:11Magkakaroon naman ng Emergency Meeting ng Comelec para pag-usapan ang posibleng pagpapahinto sa paganda para sa BSKE.
00:21Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita.
00:23Ni-ratipikahan na sa Bicameral Conference Committee kahapon ang Panukalang Batas na naglalayong i-extend ang termino ng mga barangay at sangguniang kabataan officials.
00:36Base sa ni-ratipikahang Panukalang Batas mula sa dating tatlong taon, apat na taon na ang kanilang termino.
00:44Ang isang barangay official pwede namang umupo hanggang tatlong termino pero ang SK officials isang termino lang.
00:50Kaugnay nito, ang Commission on Elections magkakaroon ng Emergency Meeting para pag-usapan ang posibleng pagpapahinto ng preparasyon para sa nakatakdang barangay at SK elections sa December 2025.
01:04Sakali kasing pirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ganap na itong maging batas sa November 2026 na matutuloy ang halalan.
01:13May mga kagamitan na hindi kami dapat bumili muna o i-procure dahil baka po kasing ito masira katulad na indelible ink.
01:22At meron din naman po ng mga bagay na kinakailangan namin ipagpaliban.
01:26Halimbawa yung registration of voters na dapat ay July 1 to 11 lamang, maiksing panahon dahil nasa barangay ng SK elections sa December 1.
01:34Pero kung ito ay maririsat talaga sa November, marapat din po siguro na ito ay amin po i-reset upang mas pahabain natin ang magiging registration.
01:42Ilan sa posibleng mababago ang voter registration, imbis na sa July, sisimulan na lang sa October 2025 at magtatagal hanggang August 2026.
01:53Hihingi rin ang karagdagang budget ang COMELEC dahil inaasahang mas maraming magpaparehistro kung uusog sa susunod na taon ang BSKE.
02:01Pero sinisiguro naman ang COMELEC walang nasayang na pondo kahit pa ipatigil nila ang preparasyon.
02:07Nagsimula na kami ng procurement ng 60,000 na ballot boxes, yung dilaw na bakal dahil na medyo matagal-tagal itong gawin.
02:15Siguro ang gagawin namin dyan, ipagpapatuloy na lang namin yung procurement kahit yung mismong pagpapagawa nito at pagdi-deliver later o kaya pwede naman namin i-adjust yung delivery date dahil medyo matagal gawin niyan.
02:26Pero yung indelible in, kalimbawa, siguro marapat na yan ay later namin ipaprocure sapagkat may period kasi ang expiration niyan.
02:34Samantala, kahapon, natapos naman na ang palugid sa pagsusumitin ng Statement of Contributions and Expenditures o SOSE.
02:42Base sa tala ng Paul Buddy, 61 ang senatorial candidates na nagsumite at may limang hindi.
02:49May 25 naman na political party at 141 na party list.
02:53Para sa mga hindi nagsumite, may multa na 5 hanggang 10,000 piso.
02:58Para naman sa mga dalawang beses na hindi nagsumite, posibleng humarap sa perpetual disqualification.
03:03Iyo-audit ng COMELEC ang mga SOSE para sa mga lalabas na overspending, may kaso pa rin na paglabag sa omnibus election code.
03:12Ipupursigin namin to the fullest yung criminal case laban sa kanila.
03:16At at the same time, perjury pa yun. Hindi lang election offense violation ng SOSE law natin yan kung hindi perjury yan.
03:22Dahil nga lahat ng SOSE ay pinapanumpaan.
03:25At remember, hindi namin tinatanggap kapag hindi ito under oath.
03:29Ay either mananagot yung mismong kandidato or yung treasurer o yung president mismo ng partido o ng party list.
03:35Sa susunod na linggo, posibleng ipost ng COMELEC sa website ang mga isinumiting SOSE na mga kandidato.
03:43Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.