Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/11/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00May inaraos pong programa ngayong araw sa Rizal Park bilang pagdiriwang ng Independence Day.
00:06At live mula sa Maynila, may unang balita si EJ Gomez. EJ?
00:15Ivan, happy Independence Day!
00:18Nandito tayo ngayon sa Mayrojas Boulevard at galing tayo kanina doon sa Rizal Park
00:23kung saan ipinagdiriwang nga ang ikasandaan at dalawamputpitong taon ng kalayaan ng Pilipinas
00:31na pinangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:39Ilang kalsada ang pansamantalang isinara ng lokal na pamahalaan para bigyang daan para sa mga aktibidad ngayong araw ng kalayaan.
00:46Hanggang alas 12 ng tanghali, sarado ang kahabaan ng Rujas Boulevard.
00:49Ganyan din ang Bonifacio Drive, Katigbak Road, Calao Avenue at Burgos Road.
00:54Pansamantala rin hindi madadaanan ang Vicente Soto Street.
00:57Ilang makikilahok sa selebrasyon ang na-traffic daw papunta dito sa Rizal Park.
01:02Galing po ako ng Makati, nabot po ako ng mga 30 minutes.
01:05So from 30 minutes na yan, maiksi lang ang biyahe.
01:09Kaya lang pagdating dito sa Mayrojas Boulevard, maraming kalsada ang sarado.
01:14So nahirapan kami kung saan saan dumaan.
01:16Sa mga magtutungo rito sa Rizal Park, pwedeng ipark ang kanilang mga sasakyan sa ilang piling kalsada tulad ng Rojas Boulevard Service Road at CCP Complex.
01:25Pasado alas 4 pa lang ng madaling araw, marami na ang nasa Rizal Park.
01:29May nag-rehearsal din sa Maywatawat ng Pilipinas.
01:32Pagkatapos ng flag-raising at roof-laying ceremony rito sa Rizal Park, magkakaroon ng parada ng kalayaan sa Rojas Boulevard patungong CCP Complex.
01:40Mamayang alas 7 naman ng gabi, may concerts sa Metropolitan Museum.
01:43Galing po kami iliilo, alam mo ba, ages ko grabe.
01:47Pero we're very grateful and happy because we're going to pa, sasaya ulit kami sa Maynila.
01:53It takes up mga 2 days kami nagbiyahin, alam mo ba, by Roro.
01:58Ilang nagtitinda ng mga watawat ng Pilipinas ang sinusulit ang oportunidad na kumita ngayong araw.
02:03Sa kanyang mensahe ngayong araw ng kalayaan, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat pahalagahan ang naging sakripisyo at kabayanihan na mga taong nagsumikap na makuha ang ating kalayaan noong 1898.
02:15Dahil diyan, natatamasa raw natin ang karapatan at kalayaan ngayon at dapat magamit ito para sa pagpapabuti at proteksyon ng ating bayan.
02:24Ivan, ayon sa Manila Police District, nasa 2100 ang bilang ng mga polis na nakadeploy sa buong Maynila ngayong Independence Day Celebration.
02:39At kita ninyo sa aking likuran, yan yung live na nangyayari doon sa Rizal Park.
02:45At marami tayo mga kapuso na nandito nanonood doon sa kaganapan.
02:50At ilang bahagi ng Rojas Boulevard, yung may ganitong set-up para nga masubaybayan ng mga nakikilahok sa Independence Day ngayong taon.
02:59Ivan, at kanina no, dito sa Maynila umulan pero ilang minuto lang yung tinagal at sa mga puntong ito makulimlim pero ambon-ambon na lang yung nararanasan.
03:11Yan muna ang latest mula rito sa Rojas Boulevard sa Maynila.
03:15EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
03:18Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended