Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/11/2025
Bago ngayong gabi! In-adopt ng Kamara ang resolusyon na nagsesertipikang sumunod sa saligang batas ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Hindi naman muna nila tinanggap ang ibinalik ng Senado na articles of impeachment ang kanilang paliwanag, sa report ni Jonathan Andal.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:00Bago ngayong gabi, in-adopt ng Kamara ang resolusyon na nagsisertipika na sumunod sa saligang batas
00:14ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
00:18Hindi naman muna nila tinanggap ang binalik ng Senado na Articles of Impeachment.
00:23Ang kanilang paliwanag sa report ni Jonathan Andat.
00:25Dahil sa utos ng impeachment court na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte,
00:46hindi na itinuloy ngayong araw ang pagpresenta nito ng prosekusyon sa Senado.
00:50Sabi ng presiding officer ng impeachment court, walang magagawa ang Kamara kundi sumunod.
00:56Hindi ito House at Senate kunsaan co-equal ang mga ahensyang yan.
01:03Sa parte ng impeachment, korte ang Senado, prosecutor ang Kamara.
01:10Wala sa lugar para sa akin ang Kamara na hindi sumunod sa ipinag-uutos ng impeachment court.
01:16Pero ang House Prosecution Panel naguguluhan sa utos ng impeachment court.
01:22Dalawa ang hinihingi ng impeachment court mula sa Kamara.
01:24Una, maglabas ng certification na nagsasabing nasunod lahat ang requirement ng konstitusyon sa impeachment,
01:30particular ang one-year bar rule.
01:33At pangalawa, resolusyong aprobado ng 20th Congress na interesado pa itong ituloy ang impeachment complaint.
01:39About the certification, we maintain our position.
01:45Sumunod po kami fully and strictly to the requirements of the Constitution.
01:53We did not violate the one-year prohibition rule.
01:58With respect to the second order, it is impossible to be complied with because first of all, 20th Congress doesn't exist yet.
02:16Tayo po ay nasa ikalabing siyam na kongreso pa lamang.
02:21Tingin ng House Prosecutors sinasadya ng Senado na i-delay ang impeachment trial.
02:27Magpapadala sa Senado ang mga prosecutor ng mosyon ng clarification.
02:32Sa ngayon, hindi rin muna pupunta ng Senado ang House Prosecution Panel.
02:35Wala rin daw direktiba sa kanila, si Speaker Martin Romualdez tungkol sa utos ng impeachment court.
02:40Kanina, inadapt ng Kamara ang House Resolution 2346
02:44na nagsasertipikang sumunod sa saligang batas ang impeachment proceedings na sinimulan nitong Pebrero.
02:50Pero hindi muna nila tinanggap ang ibinalik ng Articles of Impeachment ng Senado
02:55hanggat hindi nito sinasagot ang mga paglilinaw na hinihingi ng Kamara.
02:58I move to defer acceptance of the Articles of Impeachment until such time as a Senate sitting as an impeachment court
03:05has responded to the clarificatory queries raised by the panel of prosecutors relative to the remand of the subject articles.
03:13Is there any objection? The chair hears none. The motion is carried.
03:17Ang Office of the Vice President natanggap na ang summons o utos sa kanya na humarap sa impeachment court.
03:24Kalakip nito ang kopya ng Articles of Impeachment.
03:26Nasa Kuala Lumpur, Malaysia si VP Sara para sa isang personal trip kasama ang kanyang pamilya.
03:32Hiniling naman ang ilang kalyado ng bisis sa Korte Suprema na maglabas ng TRO o Temporary Restraining Order o pigilan ng impeachment trial.
03:40Kinalampag naman ang iba't ibang grupo ang Senado.
03:48Bit-bit ang mga tarpulin at plakard, deretsyahan ang mga paratang nila sa mga senador na bumoto para ibalik sa Kamara ang impeachment case.
03:56Kasama sa mga kumundena sa desisyon ng impeachment court, sinang incoming representatives Leila de Lima at Shell Jokno,
04:02na inasahang magiging miyembro rin ng prosekusyon.
04:04Ang nangyari paghahapon ay isang pag-aabando na sa ating saligang batas.
04:09Dahil ho sa ginawa nilang yun, pwede pa rin ho tayo, meron pa ho tayo, pwede itawag sa kanila.
04:16Mga sobrang kapal ng mukha.
04:21Nauna na naglabas ng pagkadismaya ang ilang senator judge na tutol sa pagbalik ng impeachment complaint sa Kamara.
04:27So nakikita natin, Mr. President, talagang brick by brick, stone by stone, dinidismantle itong impeachment trial process at dinidismantle yung impeachment complaint.
04:43It's addressable by an advisory.
04:46Hindi ko nakikita bakit dinadala kami sa dismissal, remand, return, whatever is the term.
04:52Ayon kay Attorney Christian Munson, na isa sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution, tila dinidiskaril ng ilang senator judge ang impeachment proceeding.
05:02There is a constitutionality issue. That's a Supreme Court.
05:05These people have another agenda other than obeying the mandate of the Constitution.
05:13Nakakalimutan yata nila na they're senators because the people voted them as senators.
05:19So they are senators of the people. They are not senators of Vice President Duterte.
05:28Ayon naman kay Retard Associate Justice Adolf Ascuna, na isa rin sa nagbalangkas ng saligang batas,
05:34unprecedented o hindi pa nangyayari ang ginawang pagbalik ng impeachment complaint.
05:39Pero pinapayagan ito para masiguro ang malinis na pagtawid ng articles of impeachment mula 19th Congress patungong 20th Congress.
05:48Ang pinaka-importanteng elemento raw, hawak na ng impeachment court ang kaso at maaari ng masunod ang paglilitis at pagdedesisyon
05:57nang wala ng delay matapos nitong tumawid sa susunod na kongreso.
06:02Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:05Ikinababahala ni House Speaker Martin Romualdez ang utos ng Senado na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
06:17Git ni Romualdez na transmit ng Kamara ang Articles of Impeachment alinsunod sa saligang batas
06:22at suportado ito ng 200 at 15 miyembro ng Kamara na anya'y tumugon sa panawagan ng taong bayan na magkaroon ng accountability.
06:32Hindi raw nagmadali ang Kamara at sumunod ito sa batas at kanilang mandato.
06:52Hindi raw magamakala ni House Speaker Martin Romualdez ang utos ng Kamara ang warang

Recommended