Patapos na ang sesyon ng Kongreso nang ihabol ng Kamara ang bersyon nito ng panukalang umento sa sahod. Ikinadismaya ‘yan ng Senado dahil kailanagn maghain ng mga bagong panukala sa susunod na Kongreso at magsisimula ulit ‘yan sa komite.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Patapos na ang sesyon ng Kongreso nang ihabol ng Kamara ang versyon nito ng panukalang Umento sa Sahod.
00:06Ikinadismayayan ng Senado dahil kailangang maghain ng mga bagong panukala sa susunod na Kongreso at magsisimula ulit yan sa Komite.
00:15Nakatutok si Maki Pulido.
00:19Sa pagtatapos ng 19th Congress, mukhang natuldukan din ang mga panukalang legislated wage hike para sa mga manggagawa.
00:26Pikun din ang Senado sa Kamara dahil kung kailan patapos na ang 19th Congress, saka nito ipadadala ang versyon nila ng panukalang batas.
00:34Noong February 2024 pa lumusot sa Senado ang panukalang 100 peso legislated wage hike.
00:40Kailangan pa itong pag-isahin sa versyon ng Kamara na 200 pesos ang panukalang Umento.
00:45Yung impeachment pinadala nyo huling araw na lang ng sesyon namin.
00:49Ito ganun din, huling mga araw ng sesyon namin.
00:53Tapos ayan na naman kayo, mamadaliin nyo na naman kami na parang kami ang may kasalanan.
00:58Ayon sa Senado, wala na silang oras para sa bicameral conference nila at ng Kamara kung saan pinag-iisa ang mga panukala.
01:06Kaya noon pa nila inapila at ng National Wage Coalition sa House Committee on Labor and Employment,
01:11i-adopt na lang ng Kamara ang 100 peso legislated wage hike bill ng Senado.
01:16Simpleng muson yan sa plenaryo ng Kamara at hindi na kailangan ng BICAM.
01:26Ang problema ng mga miyembro ng BICAM, pati ako personally, hindi ko alam kung saan nila hinugot ito.
01:32Parang pinupush tayo to the brink na naghahanap ng escape goat.
01:39Nakakalungkot because at the end of the day, this will be at the expense of our workers.
01:44Ayon sa mga economic managers ng gobyerno, 200 pesos o 100 pesos mana wage increase ay magdudulot ng pagmahal ng mga bilihin.
01:52Anila, patataasin kasi ng dagdag sahod ang gastos sa produksyon.
01:56Mahihirapan lalo ang mga maliliit na negosyo na maaaring mauwi sa pagbabawas ng trabaho.
02:02Kaya ayon sa isang Senador,
02:03Mavivito ni Presidente yan. Definitely that will be vetoed. It looks bad on everyone.
02:08Senate has stood up and fought for these sectors. Unfortunately, our friends in the House have not been very accommodating.
02:18Pero posibleng din ang umabot sa mesa ng Pangulo ang panukala kung hindi mahabol ang pagpasa sa panukalang batas hanggang magsara ang 19th Congress ngayong gabi.
02:28Pag nangyari yan, start from scratch ang panukalang batas sa 20th Congress.
02:32Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido, Nakatuto, 24 Horas.