Hinihintay na ang pinal at opisyal na listahan ng 12 Senador na magsisilbi sa susunod na 6 na taon. Sa mga nagdaang Eleksyon, nakita nating mainit na pinag-agawan ang pinakahuling slot sa Senatorial race na nauwi pa sa pagsasampa ng election protest. May senador pang nagbitiw at mayroon ding naupo ng halos dalawang taon lang.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Balikan po natin yan sa pagtutok ni JP Soriano.
01:00Sa mga nagdaang eleksyon, nakita nating mainit na pinag-aagawaan ang huling slot sa senatorial race.
01:20Noong 2007, naproclaim na panalo sa 12th slot ang senatorial candidate si Migs Sobiri.
01:27Salamang na wala pang 20,000 boto sa sumunod na si Coco Pimentel.
01:31Nag-ha-in noon ng electoral protest si Pimentel sa aligasyon na dayaan at humingi ng recount.
01:38Inabot ng apat na taon ang protesta hanggang noong August 2011.
01:43Nagbitiw sa pwesto si Sobiri pero itinatangging may kinalaman sa dayaan.
01:48After the statements nga ni Mr. Bedol and Mr. Ampatuan, kasi sila po ay mga key personalities dito sa arm, lalo-lalo na sa Maguindanao.
01:58So paglabas po nila ng kanila mga paratang na ganun nga nangyari, kumuha pa sila sa ibang senador pa ilagay sa akin,
02:06nakakahiya na itong tatlong senador pa ay kasama ko dito sa senado, ay kailangan magpakita po tayo ng delikadesa.
02:14Makalipas ang ilang araw, inanunsyo ng Senate Electoral Tribunal na si Pimentel ang duly elected senator noong 2007 eleksyon.
02:22Matagal naman akong kumbinsido na sa fraud. It took him long to be convinced pero at least dumating tayo dun sa punto na na-convince din siya na may fraud.
02:30Naupo sa pwesto si Pimentel para tapusin ang nalalabing kulang sa dalawang taong termino.
02:37Noong 2001 naman, labing tatlong posisyon ang pinagbutohan sa senado.
02:41Ang panlabing tatlo maglilingkod lang ng tatlong taon dahil pupunuan niya ang nalalabing termino ni senador Teofisto Gingona na itinalagang vice-presidente ni Pangulong Gloria Arroyo.
02:53Nakuha ito ni Gringo Honasan pero nanindigang siya dapat ang panlabing dalawa na hawak noon ni Ralph Recto.
03:00Pinitisyon niya ito sa Korte Suprema na binasura rin ng hukuman.
03:05Nag-ha-in din si 14th placer Juan Ponce Endride ng election protest na kalaunan ay binawi rin niya.
03:12Ang panalo ni Rodolfo Biazo na nasa ikalabing dalawang pwesto noong 2004,
03:17magkahihwalay na ipinitisyon ng 13th placer na si Robert Barbers at 15th placer na si John Osmeña.
03:25Ang boto ni na Biazo at Barbers mayroon lang noong mahigit 6,000 pagitan.
03:29Dinismiss ng Korte Suprema ang petisyon ni Barbers habang binawi naman ni Osmeña ang inihain niya sa Senate Electoral Tribunal.
03:38Pinalagan din noon ni Francis Tolentino ang nakuhang 12th spot ni Leida Denima sa 2016 elections.
03:45Sa lamang na mahigit isang milyong boto, dumulog si Tolentino sa Korte Suprema na pigilin ang pagproklama sa ilang mga nanalo.
03:52Ayon sa kanyang abogado, di pa dapat iproklama ang nasa ikasampu hanggang kalabing dalawang pwesto dahil sa anihain data manipulation.
04:01Sinagot yan ng kapo ni Denima at sinabing dapat nang tanggapin ni Tolentino ang kanyang pagkatalo.
04:08Lumipas ang tatlong taon at inabutan na ng eleksyon 2019.
04:13Binawi na lang ni Tolentino ang kanyang protesta bilang paghahanda sa kanyang muling pagtakbo.
04:18Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.