00:00Samantala, libo-libo na naman mga oportunidad ang bubuksan ang pamahalaan sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa.
00:07Tekasabay na rin ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Bansa bukas.
00:12Ang mga industriya na maaring pasukan alamin sa Sentro ng Balita ni Bien Manalo.
00:19Paahirapan pa rin para sa senior high school graduate na si Jennifer ang makahanap ng trabaho.
00:24Marami pa rin aniya kasing kumpanya ang hindi tumatanggap ng mga senior high school graduate dahil na rin sa kakulangan sa work experience.
00:34Kinakailangan na rin kasi niyang makapagtrabaho para matustusan ang pangangailangan ng kanyang isang taong gulang na anak.
00:41Kasi yung iba po hindi po sila tumatanggap ng walang experience.
00:44So dapat po kahit wala po sanang experience eh matanggap po lalo na po yung mga kabataan na gusto na po agad magtrabaho since senior high po walang experience.
00:53Kaya malaking bagay aniya ang mga ikinakasang job fair lalo na sa mga gaya niyang senior high school graduate.
01:00Mahalaga po sir kasi kailangan po ng bawat isa ng trabaho.
01:04Gawa po nung iba po nahihirapan maghanap ng trabaho pag sa kanila lang.
01:09Although yung iba po kailangan po talaga ng galing sa Dolly na offer.
01:13Salamat din po sa Dolly na may opportunity po na ganyang job fair po sa bawat isa po.
01:19Nakatulong po sa mga kabataan na gusto na rin po magtrabaho sa mga wala po.
01:23Magandang balita para sa mga gaya ni Jennifer na naghahanap ng trabaho.
01:28Libo-libong trabaho kasi ang bubuksan ng Department of Labor and Employment sa kanilang ikakasang job fair sa bong bansa sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
01:37Ayon sa Dolly, nasa 800 employers ang lalahok sa job fair na gagawin sa halos 50 job fair sites nationwide alok ang maygit 70,000 trabaho.
01:50Kasama sa mga trabahong bubuksan ay mula sa industriya ng manufacturing, retail, BPO, food and service activities at financial or insurance industry.
02:00Sabi pa ng Labor Department, pumapalo sa 90-95% o katumbas ng halos 2 milyong aplikante ang nabibigyan ng trabaho kada taon dahil na rin sa pagpapaiting ng kanilang Career Development Support Program.
02:15Inaanyayahan po natin ang ating mga kababayan na magtungo po sa ating online job matching portal, ang fieldjobnet.gov.ph para po tignan at tignan ang mga bakanteng trabaho online.
02:28Inaanyayahan rin po natin ang ating mga kababayan na lumapit po sa mga public employment service offices para alamin po ang mga latest na bakanteng trabaho at mga training opportunities sa inyong inyong mga munisipyo, syudad at probinsya.
02:39Hinihikayat naman ng Dole ang mga first-time job seeker na kumuha ng certification sa kanilang barangaya para ma-avail ang mga libring serbisyo, alinsunod na rin sa Assistance to First-Time Job Seekers ACA.
02:52Pinapayuhan din ang mga aplikante na bisitahin ang website at social media page ng Public Employment Services Office at Dole Regional and Field Offices sa kanilang lugar para sa mga detalye at listahan ng venue ng mga job fair.
03:05BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.