Articles of impeachment vs. VP Sara Duterte, ibinalik sa kamara ng impeachment court!‘Yan ang pag-uusapan sa Issue ng bayan! Panoorin ang video.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Category
😹
FunTranscript
00:00Mga Igan, mainit na usapin ngayon ng impeachment at kagabi nga, binalik ng Senado,
00:07mayroon silang bagong term, Raymond, sa camera ang Articles of Impeachment.
00:13Dahil dito, di matutuloy ang presentation of the Articles of Impeachment na nakatakta sana ngayong araw.
00:20Ngayong umaga, yan ang pag-uusapan natin dito sa Issue ng Bayan.
00:24At mga kasama po natin ngayon, Constitutional Law Assistant Professor Paulo Tamase ng UP College of Law.
00:36Professor, good morning po. Welcome sa Issue ng Bayan.
00:39Magandang-umaga din, Igan, at sa inyong mga taga-panood.
00:41Laging lamang po ng balita itong development ngayon sa impeachment trial ni Vice President Terte.
00:46At sa dami na nangyayari, ang ibang kababayan natin parang, siyempre,
00:49ako mismo, nahihirapan na ako humabol, yung iba, hindi maunawaan na.
00:55Sa madaling salita, itong development na ito, ito ba'y pasok dun sa itinatakda ng saligang batas
01:00na impeachment process labas sa mga matataas na opisyal ng gobyerno?
01:05Sa honest ko lang po na pananaw, bilang akademiko, hindi po ito nasasadya sa saligang batas.
01:12Ang malinaw po na kapangyarihan ng Senado ay to try and decide,
01:15maglitis at magdesisyon at o humusga.
01:19At actually, mas telling na hindi din po siya nakikita sa rules of impeachment ng Senado mismo.
01:24So, hindi na po kayo yung naguguluhan.
01:26Marami din po kahit yung mga legal na akademiko, nalilito din po sa proseso ngayon.
01:32Umalma ang Kamara at sinabi nga, tulad ng nabanggit mo,
01:34unconstitutional daw yung hakbang na ito ng Senado na pagbalik sa kanila, no,
01:39ng articles of impeachment.
01:40Eh, ang gusto ng Senado eh, gusto pa ba ng Kamara ituloy ito?
01:46Unconstitutional ba ito? Parang alam na natin isasagot ng Kamara.
01:50Pero, hindi ba dapat itong mga tanong na ito ay sagutin sa impeachment trial mismo?
01:56Yun din po yung paniniwala ko at ng ibang hubong mga kasama sa UP,
02:01sa Constitutional Law Cluster.
02:03Ang paniniwala po nila ay yung mga tanong na nilais,
02:07di Senador ba ito kahapon, mas mabuti po na sagutin mismo
02:10ng mga prosecutor ng House sa actual na trial.
02:15Kasi nagconvena sila sa impeachment court eh, diba?
02:18Gusto ko lang po malaman, Professor, sa ordinaryong korte po,
02:22kunyari, may dinidig na kaso.
02:26So, may prosecutor na nag-akusa sa'yo.
02:31May defense, ikaw na mga abogado na magtatanggol sa'yo.
02:34So, susuriin ng judge.
02:37Pero natin natin yung termino sa ordinaryong korte na motion to dismiss yung case, no?
02:44Wala pa ako nakitang judge na siya ang nag-motion to dismiss.
02:48Ang dapat itong nagmamotion nun, yung depensa.
02:50Tama.
02:51So, parang may maliho ba dito sa proseso ng impeachment court?
02:56In a way po, no?
02:57Nung naging impeachment court na sila kahapon, matapos nila manumpa,
03:02nanumpa ako din po kasi sila na magiging neutral na sila sa proseso.
03:06At ibig sabihin nun, kung may mangyayari sa proseso na makabubuti para sa isang panig,
03:11nanggagaling po dapat yan dapat sa pagbumongkahi ng panig.
03:14So, yung motion po na yun mukhang appropriate po siya na dapat defense po on a grace.
03:19Alam po natin yung kasi pag tinignan natin yung corona impeachment,
03:22may similar na moves to dismiss yung kaso ng maaga.
03:26Nanggaling po sa depensa yun.
03:27Hindi po nanggaling sa senator judges.
03:29Makikinig lang dapat sila?
03:30Opo, at magdidesisyon.
03:31Manunuri, okay.
03:32Pero ibang ito mangyari, hindi tanggapin ng kamera,
03:35yung ibinalik na articles of impeachment ng Senado.
03:38Ano na po mangyayari?
03:40Pwede po mangyayari yun.
03:41Kung ako po yung kamera,
03:43maintindihan ko po yung pagka-insulto.
03:46Parabang kinikwestiyon ng Senado yung ginawa ko.
03:51Pantay naman po yan na sangay ng lehistratibo na branch natin.
03:56Ngunit, sa palagay ko po,
03:58kung practical po yung kamera,
04:00ay sasagutin ko na lamang po.
04:02Pwede ko po sagutin na na-offended,
04:04pero sasagutin ko at ibabalik ka agad.
04:06Kasi kung pag-aawayan po natin,
04:08may ipit po tayo.
04:09Hindi natin alam kung saan tutungo itong kaso na ito.
04:11Yung panahon, ano?
04:12Opo.
04:12Yung kalaban natin.
04:14Ngayong araw, sana po nakatakda
04:15ang presentation of the articles of impeachment,
04:18pero hindi na po ito matutuloy.
04:20Pag yung pagbabasa ho ba ng articles of impeachment,
04:24malalaman na ng publiko
04:25yung mga kasong isinampa.
04:27Iisa-isahin na po ba yun?
04:28Opo.
04:29Well, yung copy naman po ng articles of impeachment,
04:32I think, nasa internet po at nakikita na.
04:34Pero mahalaga po yung seremonya
04:37ng pagbabasa niyon.
04:39Sa impeachment po sa Pilipinas,
04:40hindi po gaya ng impeachment sa Estados Unidos,
04:43lahat po na nangyayari, televised.
04:44At matagal.
04:45So, yung pagbabasa ng articles of impeachment na iyon
04:48ay pagkakataon para sa ordinaryong mamamayan
04:51na marinig kung bakit yung mataas na opisyal ng gobyerno
04:54na kanilang binoto
04:55ay isinasakdal ngayon
04:57at inaakusahan sa harap ng Senado.
05:00So, maganda siya
05:00kung ang titignan natin ng impeachment
05:03as isang mekanismo ng pananagutan,
05:05mechanism of accountability.
05:07Okay.
05:07Kasi napupunta yung tao na nakikita nila mismo kung ano yung nangyayari.
05:12Nag-issue po ng writ of summons ang Senado kay VP Sara
05:15para maghain ng kanyang sagot sa loob ng sampung araw.
05:19So, ano po yung ibig sabihin nito?
05:21Kung binalik na yung articles of impeachment sa Kamara,
05:25ano yung pinapasagot ngayon kay VP ng Senado?
05:28So, ang naintindihan ko po, no?
05:30Dahil pinabalik po yung articles of impeachment sa House,
05:33hindi naman po nangangahulugan na hindi pwede bigyan ng kopya
05:36si Vice President Dutera.
05:38So, bahagi pa rin ng proseso yun?
05:39Bahagi pa rin siya ng proseso.
05:41In a way, siguro ito yung pamamaraan ng Senado
05:43to assure yung mamamayan
05:44na hindi naman nila dinidismiss yung kaso.
05:47So, binalik nila sa House pero nagpapatuloy yung mga proseso.
05:50Okay.
05:51So, pasasagutin muna nila si VP Sara ng 10 days
05:53tapos may limang araw naman yung House
05:56para sumagot dun sa tugon ni Vice President.
05:59Paano naman po kung mag-adjourn na ang 19th Congress?
06:02Ngayong araw yata,
06:03pero hanggang June 30 pa yata yung mandato nila.
06:05So, ito na naman yung tatawid ba ito sa 20th Congress?
06:09Siguro makikita nyo sa last two weeks ng impeachment na ito
06:13na nagkakaroon na ng konsensus yung mga akademiko
06:16na walang nagpapahintulot sa pagtawid nito
06:19mula sa 19th hanggang 20th Congress.
06:21Yung posisyon ng UP law faculty
06:24na pumirma dun sa liham namin last week in particular,
06:28ang binibigyan naming diin doon ay una,
06:30pag-impeachment ang kaso,
06:31hindi normal na Senado ang Senado,
06:34hindi siya layis na tibong sangay.
06:35Mas mahalaga dun,
06:37mas akma sa pananagutan.
06:39Yung hahayaan mo yung paglilitis na tumawid
06:41from the 19th to the 20th Congress.
06:43At kung mahatulan guilty si BP Sara dito sa impeachment,
06:47ano na po yung mga susunod na pangyayari?
06:49Kung mahatulan siya,
06:51ang penalty o konsekwensa ating sa Ligang Batas
06:54ay dalawang bagay.
06:55Una ay ang pagkatanggal sa pwesto.
06:58Ang pangalawa ay ang pagka-disqualifica.
07:01Hindi naman natin sinasama dito yung mga criminal na penalty,
07:04ibang usapan yun.
07:06Pero yun yung dalawa na konsekwensa sa Ligang Batas.
07:08Habol ko lang,
07:09ang kamera nagsampas sa kanya ng mga recommendation,
07:12sa committee level,
07:14plunder, bribery, at iba pa.
07:17Hiwalay sa impeachment ito, no?
07:18Hiwalay pa yun, no?
07:19Yung recommendation na yun ng kamera,
07:21ipapadala sa tamang opisina.
07:23Sa palagay ko, ito ay ang ombudsman.
07:25At ang ombudsman na magde-decision
07:27kung maghahain ba ng kasong kriminal laban
07:29kay Vice President Duterte.
07:30At wala siyang immunity from suit ang vice?
07:32Wala, no?
07:33Ang meron lang immunity from suit
07:35ay ang Pangulo natin.
07:37Pero ang vice-presidente ay hindi immune from suit.
07:39Ah, baka yun yung plan B na nila
07:42dahil nakikita nila yung takbo sa impeachment.
07:44Ay, nakamarami salamat,
07:45Professor Paulo Tamase ng UP College of Law.
07:48Isa-isa nating ima yun,
07:49tatalakay na sasagutin ang mga issue ng bayan.
07:52Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
07:55sa GME Public Affairs YouTube channel?
07:57Bakit?
07:58Mag-subscribe ka na, dali na,
08:00para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
08:03I-follow mo na rin yung official social media pages
08:05ng unang hirit.
08:07Salamat ka, puso!