00:00Samantala maring dinipensahan ni U.S. President Donald Trump ang pagpapadala nila ng libu-libong security forces sa Los Angeles, California.
00:07Paubos na lahi ng rhinoceros sa Kenya. Sinusubukan pang isalba.
00:11Si Joyce Salamatin sa Sentro ng Balita.
00:15Nauwi sa riot ang kabikabilang mga protesta sa Los Angeles, California.
00:20Sa gitna ito ng immigration raids sa lugar, nagkagirian ng mga polis at ralista.
00:24Una ng kinundina, nila Los Angeles Governor at Mayor Karen Bass ang pagbideploy ng libu-libong U.S. Marines at National Guard troops sa syudad.
00:35Encourage the administration that if they deployed the National Guard in Los Angeles, it would create a sense of chaos.
00:43It's the last thing our city needs. So we don't need any of that in our city right now.
00:47Our city is trying to heal. Our city is trying to rebuild. Our city does not need to be torn apart with a provocative measure from the federal government.
00:57Kaugnay nito, agad na dinipensahan ni U.S. President Donald Trump ang aksyon ng kanyang pamahalaan.
01:03I wouldn't call it quite an insurrection, but it could have led to an insurrection. I mean, that was a serious, that was a lot of, that was a lot of harm that was going on last night.
01:12I watched it very closely. And it was amazing that the job that the National Guard did. And by the way, the police were working very hard also.
01:22But, you know, the police are giving instructions to be politically correct. I said, no, no, you don't have to be politically correct. You have to do the job.
01:30Tiniyak ni Colombian President Gustavo Petro ang pagkakamit ng justisya kasunod ng pamamaril kay Presidential Candidate Miguel Uribe sa gitna ng kanyang pangangampanya.
01:42Ipinagkutos ni Petro ang mabusising investigasyon para matugis agad ang mastermind sa insidente.
01:49Batay sa paunang ulat, naaresto na ang 15 anyos na bumaril kay Uribe.
01:54Sa ngayon, nananatiling kritikal ang kondisyon ng biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo at tuhod.
02:02Sa Kenya, isa-isang hinuhuli ng Kenya Wildlife Service ang mga rhinoceros para dalhin ang mga ito sa kanilang conservancy forest sa Laikipia County.
02:12Ayon sa KWS, bahagi ito ng mas malaking misyon nila na paramihin ang populasyon ng nasabing wild animals.
02:20Matatandaan na isa ang rhinoceros sa mga endangered animals na sinusubukan pa rin isalba.
02:26Batay sa datos ng Rhino Foundation, nasa 28,000 na lang ang mga nabubuhay nito sa buong mundo,
02:33habang higit sa 90% nito ay makikita sa Afrika.
02:37Joy Salamatin para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.