Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nagkasunog sa isang barangay sa Quiapo, Maynila.
00:03Ang mga nasunugan halos walang naisalbang gamit.
00:06Balit ang hatid ni Bea Pinla.
00:12Binulabog ng nagnangalit na apoy ang mga residente ng barangay 392 Quiapo, Maynila, pasado alas 10 kagabi.
00:19Ang 20 anyos na si Russia, wala pa raw sa bahay nun kaya dali-daling umuwi ng mabalitaan ng sunog.
00:25May baby po sa bahay namin, tapos may senior po, tsaka yung asawa po ng tatay ko, Bulog po.
00:33Kaya nung nalaman pong may sunog sa amin, tumakbo po kami kahit buntis po ako.
00:41Kasi natatakot po kami sa mga kasama namin eh.
00:45Ang ilan sa mga inuna nilang isinalba ang alaga nilang aso, Biblia at mga imahen sa altar.
00:51Ang 76 anyos naman na si Nanay Globy, nakayapak ng lumikas mula sa nasusunog nilang bahay.
00:58Inila na nila ako palabas. Wala na kaming naisalba kahit ano. Wala talagang natira.
01:05Parang nangihihina ako na anong, pati mga yan, iyakanang iyak sa akin, ay anong gagawin ko naman.
01:12Pati ako kinakabahan. Hindi ko po alam kung anong mangyayari. At bahala na yung taas.
01:19Itinas ang sunog sa ikalawang alarma. Hindi bababa sa dalawampung firetruck ng BFP at mga fire volunteer ang rumispundi sa sunog na tumupok sa dalawang bahay.
01:31Kung makikita niyo po yung involved ay light materials. Mostly light materials.
01:37Kaya itinas po natin para po kaagad ay maagapan natin ang pagkalat ng apoy.
01:43Ang isa sa mga nasunog na bahay.
01:46Nagpapaupa sila ng mga border. Pero sabi nga nung mayari, wala pa raw yung mga border ngayon. Kasi may mga trabaho ata.
01:55Dalawang pamilya o nasa sampung tao ang apektado.
01:59Inaalam pa ang sanhinang sunog na tuluyang naapula mag-aalas 11 ng gabi.
02:04Nakikipagugnayan na rin ang DSWD sa pamunuan ng barangay at sa mga nasunogan para mag-abot ng tulong.
02:11Yung pagsisilungan nila doon sa ginagawa namin barangay hall, baka pwede doon muna sila para kasi baka biglang umulan, at least may matutuluyan sila.
02:22Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.