Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/5/2025
Panayam kay BIR Commissioner Romeo “Jun” Lumagui Jr. para sa mga update at digitalized na serbisyo ng ahensiya

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At bago tayo magtungo sa ating talakayan, hingi muna tayo ng update mula sa BIR.
00:04Unahin natin siyempre si Comjun. Congratulations po sa inyong pananatili sa pwesto bilang BIR Commissioner.
00:11Ano pong masasabi ninyo at kayo po ay hindi napalabas ng bahay ni Kuya?
00:16Unang-una po, nagpapasalamat tayo sa ating mahal na Pangulo sa patuloy na pagtitiwala sa ating kakayanan na pamunuan ang BIR.
00:25Alam naman natin na ang ahensyang ito ay napaka-importante sa pagkalap ng pondo ng ating bayan para tustusan ang mga proyekto at lahat ng mga kinakailangang ibigay na servisyo ng ating pamahalaan.
00:40Kaya po, ikinagagalak po natin na tuloy ang pagtiwala po sa ating mahal na Pangulo.
00:46At makakaasa po ang ating mga kababayan at ating mahal na Pangulo na patuloy pa rin ang improvements na gagawin natin.
00:53Patuloy pa rin ang pinating na servisyo na ibibigay po natin para mabuti pa ang pagninegosyo at pagtransact ng ating mga taxpayers sa BIR.
01:04Sinabi rin ni Executive Secretary Bersa Mingna, doon sa mga na-retain,
01:08magkakaroon kayo ng parang panibagong approach sa pagpapatakbo ng agency.
01:12Sabi niya, including myself. So, sa tingin niyo, meron kayong bagong may-offer given that kayo po ay na-retain.
01:19Yan on, pinag-aaralan po natin yan. In fact, nakipagpulong na rin po tayo kay Secretary Ralph Recto ng Department of Finance.
01:27At nag-usap-usap na rin po kami ng ating magiging recalibration sa approach ng hindi lamang ng BIR kundi ng buong Department of Finance family.
01:37Kaya naman na makakaasa pa ating mga kababayan na mas marami pang pagbabagong gagawin na mas mararamdaman ng ating mga kababayan.
01:45So, sa mga update naman po from BIR, pwede niyo po bang ipaliwanan kung ano yung factors na nakatulong para maabot ng BIR yung 1 trillion pesos na koleksyon sa unang apat na buwan nitong 2025?
01:56Ngayon nga pong unang apat na buwan ng 2025, kinagagalak po natin na maiulat na na-attain na po natin yung target for this period.
02:06At ang nakatulong po dito, again, yung ating pinigting na enforcement actions, lalo na po dito sa mga gumagamit ng mga peking resibo.
02:15So, naging agresibo po tayo, nakita po natin itong nakaraang buwan na marami pong kasuhan ng Department of Justice.
02:24Kinatigan tayo ng Department of Justice sa ating mga kasong sinampa laban sa mga malalaking kumpanya na gumagamit ng peking resibo.
02:31At ito ay ang nagtulot ng pagbabago sa mga taxpayers dahil nakita nila kung gaano kaseryoso ang ating pamahalaan
02:39at kung gaano kaseryoso ang BIR, katulong ang Department of Justice na subpuin ang ganitong uri ng kalakaran.
02:45Kaya naman na maraming nag-comply rin na at hindi na gumagamit ng mga peking resibo na ito.
02:51Of course, nandyan din yung mga pinapaganda natin ang servisyo, sinisimplify natin yung mga proseso
02:58and yung pinaka-importante yung ating mga digital transformation progress ng BIR.
03:05So, speaking of digitalization, paano po nakatulong?
03:08Ang digitalization service ng BIR para sa pagtaas naman ng koleksyon ngayong taon
03:12at kung may mga bagong sistema ba o plataporma para nang mailudsa dito ng mas madali ng pagbabayad ng buwis?
03:20Sa digitalization, ang importante dyan na ano ba ang naidudulot ng digitalization?
03:27Ang naidudulot po nito ay of course, mas nagiging efficient ang mga servisyo.
03:32Marami tayong ginawa like netong taon na ito or even last year,
03:36yung sinimula natin na inutos natin na lahat ng district offices magkaroon ng e-lounges na tinatawag.
03:43Ang e-lounges na yan, maikita natin may mga computers dyan and connectivity na kung saan,
03:48pwedeng dun nyo rin gamitin ang aming mga computers sa pag-file at pagbabayad ng buwis.
03:54Kaya naman itong digitalization na ito, mas pinadali ang pagbabayad ng buwis,
03:59mas magiging transparent.
04:03So patuloy, ang dami pa rin nating ginagawa na mga improvements dito sa larangan ng digital transformation.
04:11Tsaka bukod dyan, syempre, maaga rin pagpa-file o pagbabayad para hindi rin naman sila,
04:15baka nagkaklag na doon sa social media nila or doon sa kanilang mga cellphones.
04:21Pero diba, maigi pa rin yung maaga, hindi tayo nagkakram na kung kailan malapit yung deadline,
04:25saka tayo nagkukumahog.
04:27Yes, tama yan.
04:28Kaya nga nagsimula yung ating tax campaign noong buwan ng Pebrero.
04:31At tayo ng tax official na tax awareness month.
04:37So, sir, yung target naman ninyo sa buong 2025 ay higit trilyong piso.
04:46Ano po yung strategy ninyo para mapanatili o mahigitan pa ito?
04:50Yan nga po ang naiatas sa atin, naibigay sa atin na 3.2 trillion pesos ngayong taon na ito.
04:59Nandiyan pa rin po tayo nakafocus sa apat na pillars ng ating panunungkulan,
05:04ang ating mas pinagandang servisyo at yung digital transformation
05:11at yung ating integrity and professionalism of the institution
05:15na sinisigurado natin na ang mga bawat angkawanin ng rentas internas
05:21sa mga empleyado ay tapat na magsiservisyo sa ating taong bayad.
05:25Kaya naman, andyan din yung ating capacity building,
05:30pinapaganda natin, yung karunungan ng ating mga empleyado
05:34para mas efficient at mas tama ang servisyo.
05:38And lastly, yung ating enforcement activities na nakita natin
05:44yung pagtugis sa mga illicit trades, sa mga bay products,
05:47sa mga peking resibo.
05:48So lahat yan, yung mga talagang walang planong magbayad ng tamang buis.
05:52Pero dun sa mga nagko-comply at gustong mag-comply,
05:55ayan ang utos natin dyan ay gabayan at tulungan na masiguradong tama ang ginagawa nila.
06:02So dyan pa rin iikot yung ating kabuhuan na mga strategies
06:05para masigurado na ma-attain natin itong collection target na ito
06:10at mas magiging tapat at mas mararamdaman talaga tayo ng ating mga taong bayad.
06:15So kung may mga bagong programa ba ang BIR para naman sa edukasyon
06:18suporta sa maliliit na negosyo, maging yung sa mga self-employed individuals
06:22pagdating sa pagbabayad ng buis?
06:25Patuloy ang ginagawa natin yung tax awareness,
06:28yung ating tax campaign na magkakaroon tayo ng mga webinars.
06:32So nandyan po yan sa official Facebook page ng BIR
06:36tapos sinisharing po natin sa ating personal Facebook page
06:41lahat ng mga webinars patungkol sa pag-re-rehistro at pagbabayad ng buis.
06:47So kompleto po yan, sinisigurado namin kapag kayo ay nag-rehistro,
06:51ginagabayan namin yan, magkakaroon ng tax awareness and tax education para sa kanila.
06:57At ngayong marami pa tayong inaaral, ayoko na lang pangunahan
07:01pero meron pa tayong ilalabas hopefully soon patungkol sa mga maliliit na mga negosyatid
07:06o yung tinutukoy ng mga micro taxpayers dahil alam natin na kinakailangan talagang gabayan itong mga ito
07:13dahil maliliit yung negosyong ayaw natin na madagdagan pa yung mga gastos pa nila
07:19para lang makapag-comply.
07:21Kasi alam naman natin dahil maliliit yan, syempre mag-i-engage ka pa ng accountant, bookkeeper,
07:25mga ganyan. Yan ang pinag-iisipan natin kung paano ito maitulong sa kanila
07:30dahil most likely simple lang naman ang mga transaction ng mga micro taxpayers
07:35especially dito sa mga online taxpayers.
07:38So makakaasa po kayo na marami tayong pinag-aaralan and hopefully soon may ilalabas tayo patungkol dyan.
07:45Sir, sa ibang usapin naman, ano po yung nangyari dun sa operasyon ninyo sa Giginto Bulacan?
07:49Ano po ba ito? Paano siya nagsimula? At ano yung naging basihan para i-rate ito?
07:53Ang nangyari po dyan, itong nakita po natin na may nagbebenta ng illegal or illicit vape products
08:01dyan sa may giginto Bulacan. At ito ay, karamihan ng kanyang benta ay online.
08:08Kasi tayo, nakatutok tayo, hindi lamang sa physical stores.
08:12Of course, sinuyod natin yan, itong buwan ulit ng Mayo, nagsagawa tayo ng nationwide raid ulit
08:18or inspection sa mga physical stores na mga vape products.
08:22So nagpunta tayo dyan, pero hindi lamang kami limitado sa pagmamatsyag at pagmamonitor
08:27ng mga nagtitinda ng vape products sa mga physical stores.
08:30Nakatutok tayo sa nagbebenta online, mapa-Facebook man yan.
08:34Alam namin at binabantayan namin lahat ng mga online platforms
08:38at yung marketplace na ikita natin na nagkakaroon ng mga groups
08:45at kung saan nagkakaroon ng transaksyon at nagbebentahan.
08:49Kaya naman dyan tayo nakatutok ngayon.
08:50Nakita natin, itong hinuli natin at na-rate natin ay karamihan ng kanyang benta ay online.
08:57Kaya naman, nung na-verify natin yan, nagpatulong na rin tayo,
09:01kakibat ang NBI, sinalakay po natin yan at natagpuan natin ang itong nga pong libo-libong vape products
09:10na kinonfiscate po natin.
09:12So lately, puro vape products, ano?
09:13So ibig sabihin, ganun siya kalagana at binibenta siya illegally.
09:18So ano po yung klaseng monitoring pa yung ginagawa natin?
09:22Kasi dati yung mga cigarettes na galing sa ibang bansa na naipapasok dito,
09:27ito naman mga vape products.
09:28So ano po kaya yung pwedeng gawin para tuluyang masawatay itong ganitong klaseng kalakalan?
09:34Well, as far as sa BIR is concerned, patuloy ang nagiging operasyon namin.
09:38Hindi namin tinitigilan ito.
09:39So in fact, namomonitor natin at nakikita natin kung paano sila,
09:45nag-e-evolve din kung paano yung pagninegosyo nila.
09:48Nung una, lantaran sa mga physical stores, ano?
09:50Tanong napansin nila na nakatutok tayo dyan at nauhuli at nakoconfiscate natin yung mga produkto.
09:55Ang ginawa naman nila, tinago nila yung mga iligal at ang naka-front at naka-display yung mga compliant na mga vape products.
10:02So alam rin namin yan.
10:03Kaya naman na simula rin nun ay tinitingnan namin, nahuli rin natin yan.
10:07Kaya nakita natin na yung may secret menu pa na kapag kapag pumunta doon,
10:11ang pinapakita menu kung ano-ano yung mga produkto yung binibenta nila.
10:14So nahuli din natin yan.
10:16Tapos ang sunod nilang ginawa, nag-shift sila doon sa online na.
10:19Diyan, karamihan ng bentahan.
10:21Kaya naman na patuloy rin ang aming pagtugis dito sa mga nagbibenta online.
10:26So marami tayong ginagawa dyan.
10:28So gano'ng kalaking tax yung nawawala doon?
10:30Lalo na din yung sa mga may mga bahay, gumagamit sila ng bilang lugar kung saan ginagawa nila itong bodega?
10:37Malaki-laki. Ito pa lang na ano, itong bahay rin na ito sa Giginto,
10:41dahil na-confiscate natin dyan, mga nasa mahigit na 20,000 na mga vape products.
10:48At yung basic tax na compute natin dyan, mahigit na 5 million na agad,
10:54almost 6 million yung tax liabilities nyan.
10:57So imagine na ang dami pa nyan, nakikita natin na laganap talaga siya nationwide.
11:01Kaya malaki-laki, alam natin na billion ang nawawala dyan.
11:05Sir, ano naman po yung mga kasong isinampa o isasampa laban sa mga taong sangkot sa operasyon,
11:10kabilang na yung mga online agents?
11:12Kasi sabi nyo nga sa social media, nagbibenta doon marami.
11:15Yan, lahat ng involved, hindi lamang yung may-ari ng negosyo,
11:20kundi yung may-ari kung saan natagpuan yung produkto na yan.
11:22Di ba, marami rin tayo nga nahuli na yung iba sa mga nasa subdivision, yung mga bahay,
11:28ilan na yung nahuli natin na ginagamit ang kanika nilang mga bahay para mag-imbak ng ganito.
11:35At diyan na nagiging pick-up point, hindi na yung commercial na warehouse,
11:38kundi ginagamit again ang mga bahay-bahay, mga kondominium.
11:43Lahat kung sino ang registered owner nyan ay masasampahan ng kaso
11:46dahil alam naman natin na iligal yung produktong yan.
11:50Ang isang kaso nga isasampan natin,
11:53unlawful possession of excisable articles na hindi bayad ang excise tax.
11:58So, ang batas na ito, kung sino ang may possession ng produktong ito,
12:02ay siyang makakasuhan.
12:04Regardless kung hindi ko ba ang nagbenta niyan o hindi.
12:07So, dahil sa iyo natagpuan yan,
12:09ay kasama kayo sa kaso.
12:12Kaya siguraduhin natin, huwag tayong papayag na gawing imbakan
12:15ang mga bahay-bahay natin at ang mga warehouse natin
12:19dahil damay kayo sa kaso na yan.
12:21Of course, nandyan na rin yung kaso ng tax evasion
12:24dun sa mga talagang mapapatunayan.
12:25At yung mga nagbebenta rin.
12:27So, kunyari, ikaw ay rider ka rin.
12:29Nahuli ka, nagbenta ka.
12:30Kaya siguraduhin nyo kung rider kayo,
12:32kung nagde-deliver kayo ng produkto,
12:34dahil pag sa inyo nahuli yan,
12:35kayo ang nagde-deliver ng produkto na nakita nyo,
12:38yung vape nyo ay walang stops,
12:41ay damay kayo sa pwedeng makasuhan.
12:43Paano, sir, kung halimbawa nag-re-rent lang sila doon sa bahay?
12:46Siyempre, itong may-ari, in good faith,
12:48naniwala siya na bahay gagawin yung ano,
12:51kahit yun yung nakalagay sa contract.
12:53Tapos, ginawa siyang warehouse na ganyan.
12:55So, pati po ba yung may-ari ng bahay?
12:56Badadamay din?
12:57Well, depende na sa ebidensyang mapapakita.
13:00Pero, siyempre, dahil nandun yun, bahay niyan,
13:03una-una may presumption.
13:04Pero, again, kung mapapakita naman na talagang
13:06totoong hindi siya sangkot dyan,
13:08ay depende na sa ebidensya kung masasampahan siya ng kaso o hindi.
13:11So, doon naman po sa mga concerned citizen,
13:14ano yung dapat nilang gawin kung may hinala sila
13:16na may illegal na warehouse ng vape sa kanilang lugar?
13:19Paano po makikipagunayan ang publiko sa BIR?
13:22At saka kung anong pwede nilang i-report?
13:25Ayan, nakikita nila yan, katulad nung mga nahuli natin
13:29sa mga subdivisions.
13:31Open naman yung gate na ikita nila.
13:32So, I'm sure, yung mga kapitbahay,
13:35yung mga katabing units niyan,
13:37ay alam nila na may nangyayaring ganyan.
13:39In fact, doon sa niraid nga natin din sa may kalookan,
13:43ay yan ang sinabi na nung nakausap yung mga kalapit na bahay,
13:48alam nila na oo, nagbebenta ng vape,
13:51nakikita namin na yung rider ay pumupunta dyan
13:53at nagde-deliver ganyan.
13:55So, ang panawagan natin,
13:57lahat ng mga ganyan sana ay magtulungan tayo,
14:00i-report sa BIR pag nakita ninyo na
14:02may mga ganyan transaksyon na nangyayari,
14:04nagiging imbakan ang kapitbahay,
14:06ang mga bahay or mga units,
14:08kondominium units,
14:09i-report po agad sa BIR at a-actionan po natin.
14:12Mag-email lamang po.
14:13At pwedeng maging anonymous po yung inyong complaint
14:16para hindi naman malaman na kayo ang nagsumbong.
14:19Ang pagsumbong nyo po,
14:20pwede nyo pong gamitin ang Cerevi,
14:22yung chatbot natin sa ating website
14:24na pwede po magsabit ng complaint dyan.
14:27O sa email po natin,
14:31commissioner at bir.gov.ph,
14:34ibigay lamang po yung detalye
14:35kung saan, ano yung mga nakita ninyo,
14:37at saan po yung lugar na yan,
14:39at ma-actionan po natin yan.
14:40Yan yung mga dapat minamarites,
14:42yung kapakipakidabang.
14:43Yan, tama po.
14:44At para naman na may tulong sa ating bayan.
14:47Okay, maraming salamat, Commissioner June,
14:49sa mga update na ibinahagi nyo mula sa BIR.

Recommended