00:00Muling sasabak sa aksyon ang Pinoy Mixed Martial Artist na si John Lo Sangyao sa susunod na buwan.
00:06Matapos ang halos dalawang taong pagkakagarahe, lalabanan ni Sangyao ang isang Mongolian fighter sa undercard ng One Fight Night 33 sa July 12 sa Bangkok, Thailand.
00:16Sa kanyang huling laba noong Agosto ng taong 2023, nalasap ni Sangyao ang una niyang professional career loss sa mga kamay ng isa pang mixed martial artist mula Mongolia.
00:27Pero bago yan, kabilang ang tinaguriang Little Machine sa pinakamainit na prospect sa One Championship.
00:33Kung magwawagi sa kanyang comeback, maaaring mabawi ng 22-year-old fighter ang kanyang estado bilang isa sa mga pinaka-aabangang rising stars mula sa Pilipinas.