00:00Nailipat na ang 200 persons deprived of liberty o PDL mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa patungo sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental, Mindoro.
00:10Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr., 100 corrections officer ang nag-escort sa mga bilanggo para masiguro ang maayos na pagbiyahe.
00:21Kasama ang mga tauhan ng Bucor, SWAT, PNP Muntinlupa at PNP Highway Patrol Group, Philippine Coast Guard, Port Police at SLEX Security Team.
00:32Ligtas naman silang nakarating sa Sablayan.
00:35Bahagi lang ito ng patuloy na decongestion program ng NBP at para suporta na rin ang agricultural manpower ng Sablayan Penal Colony.