00:00So mandala, pag-usapan naman natin ang mga bagay na malapit sa iyo at sa iyong mental health.
00:06Oras na para sa panibagong kwentuhang All About You, kasama ang Millennial Psychologist na si Rianne Portugal.
00:14Panodin natin ito.
00:20Magandang araw. Ako nga pala si Rianne Portugal, your Millennial Psychologist, at welcome sa All About You.
00:28Kung saan ito yung safe space mo at pag-uusapan natin ang tungkol sa iyo.
00:32Para sa araw na ito, magbabasa tayo ng letter.
00:35At ito yung letter na nanggaling kay Carla.
00:38Ang sabi niya,
00:39Ano po ang gagawin ko?
00:41Na pinag-iisipan ako ng masama ng kamag-anak ko na nagpa-aral sa akin.
00:47Sa iba ko pa malalaman na pinag-iisipan ako ng masama.
00:50Ang masakit sa akin ay akala ko tinuring nila akong anak.
00:53Gets ko na pinag-aral nila ako, pero di ko pa rin maiwasan na masaktan.
00:58Huh!
00:58Yan yung mga usual na problema din natin, no?
01:01Na kapag may mga ganitong klaseng sinasabi sa atin yung kamag-anak natin or kapamilya natin na hindi direct ang sinasabi sa atin.
01:10So, gusto ko lang sabihin sa iyo Carla na valid yung nararamdaman mo na nasasaktan ka.
01:15Pero syempre, meron tayong mga specific ways din para ma-manage natin itong nararamdaman natin.
01:21And at the same time, maiwasan din natin yung pupwedeng maka-apekto dun sa relationship na nabuo sa iyo,
01:27dun sa mismong kamag-anak mo na nagpa-aral sa iyo.
01:30Una, kilalanin yung nararamdaman mo.
01:33So, sabi nga natin kanina, valid yung nararamdaman mo na nakakalungkot, pupwedeng nakakadismaya.
01:37Ano ibig sabihin ng lungkot na ito? Ano ibig sabihin ito? Kung meron ka bang sama ng loob?
01:43Nagagalit ka rin ba? I-acknowledge mo siya.
01:45Kasi paraan ito para makatulong din sa iyo kung papaano mo ma-iexpress yung mismong thoughts mo o kaya yung feelings mo sa kanila.
01:55Kaya yung pangalawa nating tip, nandito yung humingi tayo ng malinaw na komunikasyon dun sa tao na yun.
02:01Maganda na kausapin natin sila.
02:02Siyempre, kausapin mo sila sa time na talagang ano ka naman na relaxed ka din naman kahit papaano o kaya naman mas mahinahon ka.
02:10Hindi naman agaran na kapag nakilala mo yung nararamdaman mo na masama yung loob mo, talagang dediretsyohin mo na sila at kakausapin mo na kagad na galit na galit ka.
02:18So, mahalaga talaga na kakausapin mo sila sa panahon na ready ka na talagang kausapin sila.
02:23So, susunod dito siyempre na iwasan din natin na ma-internalize yung mismong negative na sinabi nila sa atin.
02:32Tulad niyan, na-mention mo kanina na sabi mo, akala mo itinuring kang anak.
02:36Para bang nawala na talaga lahat-lahat ng efforts nila na pinag-aral ka nila at inisip mo na kagad na parang kinat-off na,
02:43na parang hindi ka nila anak na dahil dun sa narinig mo.
02:46Although, hindi ko alam kung ano particularly yung sinabi sa'yo.
02:50Pero tulad nga ng sabi natin, maganda na linawin mo yun.
02:53Sumunod, siyempre, importante na humanap tayo ng suporta.
02:56Yung mga taong mauunawaan tayo at mayaintindihan tayo.
03:00Kapag i-open up natin yung problema natin, tulad nito, maganda kausapin natin yung isang tao na trusted natin.
03:07Kasama din dito yung self-compassion.
03:10Kasi siyempre, may mga times kapag nagkakaroon na tayo ng self-judgment mula dun sa narinig natin sa ibang tao,
03:16iniisip natin yung mga bagay na hindi maganda patungkol sa atin.
03:19Kung hindi naman natin talaga totally alam yung nangyari,
03:22o kaya naman wala tayong basihan dun sa mga sinasabi nila,
03:28iwasan natin na i-judge yung sarili natin.
03:30Mahalaga na maging mabuti tayo dun sa ating sarili.
03:34So ayun, maraming maraming salamat.
03:36And kapag meron kayong mga questions,
03:38huwag ninyong kalimutan na mag-send dito sa ating email na makikita ninyo sa screen.