Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/30/2025
Natunton ng DSWD ang iba pang taong naninirahan sa drainage sa Makati para maabutan ng tulong. Nagawa nila ito sa tulong ni Alyas Carla na nag-viral kamakailan matapos makuhanang lumalabas mula sa imburnal.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Natunto ng DSWD ang iba pang taong naninirahan sa drainage sa Makati para maabutan ng tulong.
00:07Nagawa nila ito sa tulong ni Alias Karla na nag-viral kamakailan matapos makuha ng lumalabas mula sa Imburnal.
00:15Nakatutok si Oscar Oida.
00:20Matapos mag-viral ng kumalat ang mga kuha sa kanya habang lumalabas sa Imburnal kamakailan.
00:26Ngayon, mistulang honorary social worker na ng DSWD si Karla.
00:32Hindi niya tunay na pangalan.
00:35Kanina nga, sinamahan pa niya si DSWD Secretary Rex Gatchalian.
00:40Para matuntun at maabutan ng tulong,
00:42ang mga sinasabi ni Karla na tunay umanong naninirahan sa mga drainage sa Makati.
00:49Pero wala silang inabutan sa nasabing lugar.
00:52Ang explanation niya, pag nabubulabog sila, nagpupunta sila doon sa South, sa S-Lex.
00:59Kaya kami nagpunta sa S-Lex kanina.
01:01Kasi yung kalahati nung nakatira sa ilalim ng drain,
01:05umaakyat doon, minsan doon sila natutulog pag nabubulabog yung kinalalagyan nila.
01:11At di naman sila nabigo.
01:13Ilan nga sa mga ito ang natuntun nila?
01:16Malungkot kami.
01:17Kasi 2023 nag-ooperate kami sa kalsada, sa flyover, sa underpass.
01:24Pero hindi namin sukat akalain merong nakatira sa loob ng drainage.
01:28Kaya ngayon, kasama na raw ang mga ito sa kanilang misyon na mayangat ang kalagayan.
01:35Di naman daw nila ito gagawin ng sapilitan.
01:38Hindi tayo gumagamit ng dahas.
01:40Kasi yung mga hindi sustainable na program,
01:43natatakot yung beneficiaryo eh.
01:45Kasi pag makakita lang sila na naka-uniforme kanina,
01:47tumakbo na kagad, nakita nyo nga.
01:49Na-evaluate namin yung intervention namin.
01:52Kami ang mag-a-adjust kung ano yung pwede pa namin gawin para hindi na siya bumalik.
01:57Ang ipapaabot daw na tulong ay di pare-pareho.
02:01Ibabase raw nila ito sa isinasagawang case management.
02:05Tulad ng ginagawa nila kay Carla na nakatanggap na umano ng paunang tulong.
02:10It's a gradual monitoring system.
02:12Hand-holding yan.
02:14Ang gagawin ng aming social worker,
02:16una bibigyan siya ng pauna.
02:18Katulad nga raw kagabi,
02:19nagsimula na sila mamili ng mga ibebenta doon sa tindahan.
02:24Then ima-monitor natin sila ulit.
02:27Pag nakita natin na maganda yung takbo,
02:29dadagdagan natin ang nadagdagan natin hanggang sa mabuo natin yung 80,000.
02:33Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatuto, 24 oras.

Recommended