Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/30/2025
Exclusive: Mga pangyayari sa pagpapadeport at pagkuha sa kustodiya ni dating Rep. Teves mula sa Timor-Leste

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala po, eksklusibo na natutukan ng ating team
00:04ang pagsundo mula sa Timor-Leste ng mga otoridad ng Pilipinas
00:09kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Tevez.
00:12Ang kaganapan na yan hanggang sa sumailalim sa booking procedure
00:17ang dating mamabatas ating alamin sa Sentro ng Balita ni Luisa Erisver.
00:23Matapos arestuhin si dating Congressman Arnolfo Tevez Jr. sa Dili Timor-Leste
00:28Martes ng gabi at naglabas ng pahayag ang gobyerno ng naturang bansa
00:32na agaran ng ipadedeport si Tevez.
00:36Ang pamahalaan ng Pilipinas, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:41agaran ding naghanda para sa deportation at pagkuha kay Tevez mula sa Timor-Leste.
00:46Sa pangunguna ng Department of Justice, National Bureau of Investigation,
00:50Bureau of Immigration, Presidential Communications Office at Philippine Air Force,
00:55Merkules, alas 11 ng gabi, agad na bumiyahe ang pamahalaan para kunin ang puganting sospek.
01:02Nandito tayo ngayon sa loob ng Philippine Air Force C295,
01:06ang aeroplano na susundo, inaasahang susundo kay dating Congressman Arnolfo Tevez Jr. sa Dili Timor-Leste.
01:13Yung upuan na nakikita niyo sa aking likuran, yung blanco upuan na yan,
01:17dyan inaasahan na uupo mamaya si dating Congressman Tevez para inuwi na siya sa Pilipinas.
01:23Sa aeroplano ito naman, ang kasama natin sa ngayon ay ang mga opisyal at mga tahuhan
01:29ng National Bureau of Investigation, Department of Justice, Bureau of Immigration at Presidential Communications Office.
01:36Mula Villamore Air Base, nakarating ang Philippine Air Force C295 sa Dili Timor-Leste,
01:42mag-aalas 12 ng tanghali, Webes, oras sa Pilipinas.
01:46Sinalubong agad ang delegasyon ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa Timor-Leste.
01:51Nandito na tayo ngayon sa loob ng airport ng Dili Timor-Leste,
01:55at makikita niyo sa aking likuran, nag-uusap-usap na yung mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas
02:00at opisyal ng gobyerno ng Timor-Leste.
02:03Ngayon ay may inaayos lang ng mga dokumento o mga papeles
02:07at kung maayos na yan ay inaasahang dadalhin si Tevez doon sa aeroplano
02:11at saka siya isasakay doon para nga ipadeport pabalik ng Pilipinas.
02:16Matabos maayos ang mga dokumento sa paglipat ng kustodya o turnover kay Tevez sa Pilipinas,
02:21agad siyang pinuntahan ng mga NBI personnel at ng DOJ.
02:26Kinapkapan si Tevez.
02:28At saka siya pinalakad papunta sa aeroplano.
02:30Habang naglalakad si Tevez, nakaposas na may kadena ang kanyang kamay at paa.
02:37Pero bago isakay sa aeroplano,
02:39nakiusap si Tevez na tanggali ng kanyang posas dahil hindi naman umano siya tatakas.
02:46Pumayag naman ang Pilipinas na tanggali ng posas.
02:49Pero pag-akyat ng aeroplano, muli siyang pinusasan sa kamay.
02:54Paliwanag ng NBI, protocol kasi na posasan si Tevez dahil wanted siya sa Pilipinas.
02:59May turnover siya sa atin ng Timor-Leste authorities, nakaposas siya at pati sa paa nakaposas.
03:10So hindi naman tayo masyadong cruel, pinusasan lang natin siya sa kamay.
03:16But that is protocol, talagang ganun.
03:19Pagkaan tao ay arestado, kailangan nakaposas.
03:22Nang makaakyat si Tevez sa aeroplano at makaupo, binasahan na siya ng Miranda Rights.
03:27Ginoong Arnolfo Tevez Jr., kayo po yun sir.
03:31You are under arrest by virtue of the warrant of arrest issued by Manila Court on September 2023
03:38for 10 counts of murder, 12 counts of frustrated murder, 4 counts of attempted murder.
03:49In addition to that, in 2024, a warrant of arrest was also issued against you by the Dumaguete Court
03:58for murder, for illegal possession of explosives, for illegal possession of firearms,
04:08and for the Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.
04:13Ginoong Arnolfo Tevez Jr., kayo po ay may karapatan, malaman ang iyong karapatan.
04:20Bukod sa wanted, dahil itinuturong mastermind sa Pamplona massacre o pagpatay
04:25kay dating Negros Oriental Governor Roel de Gamo,
04:28may waranto rin si Tevez sa murder mula sa isang korte sa Dumaguete Court
04:32at sa kasong terrorism financing.
04:35Matapos nito, umalis na ang aeroplano sa Timor Leste para maibalik si Tevez sa Pilipinas.
04:40Mag-aalas 3 ng hapon, oras sa Pilipinas, nakaalis na ang aeroplano ng Philippine Air Force
04:47na C-295 mula sa Dine Timor Leste.
04:50Kaya sa ngayon ay kasama na natin dito sa loob ng aeroplano
04:54si nating Congressman Arnolfo Tevez Jr.
04:56At doon na siya pinaupo sa unahan saan katapingan niya
05:00ang Director ng National Bureau of Investigation,
05:03si Director Jaime Sanchago,
05:04at sa kamilang banda naman ay si Assistant Secretary Eliseo Cruz
05:09ng Department of Justice.
05:11Dahil nga mabilisan lang yung naging interval ng turnover kay Tevez
05:16mula sa immigration ng Timor Leste at sa mga tauhan ng Pilipinas,
05:22ito lang yung nadala ni Tevez sa kanyang biyahe.
05:25Ito ay dalawang paper bag, isang kulay pula at isang kulay puti.
05:29Ang laman lang nito ay may mga tubig, shirelas at meron din mga kaunting pagkain.
05:35Pero pagkating naman dito sa aeroplano ay hindi siya pinapabayaan,
05:38meron may binibigay sa kanya na pagkain at inaalalayan din siya
05:41ng mga tauhan ng Philippine Air Force.
05:44Matapos naman ng limang oras,
05:45una-munang tumigil ang aeroplano sa Davao International Airport
05:49para sa refueling at saka ito bumiyahe pavilyam or airbase.
05:53Sa aktong 11.18 ng gabi ng Webes,
05:56nakalapag na ang aeroplano na lulan si Tevez sa Villamor Airbase.
06:00Bago sumakay sa sasakyan ng NBI,
06:03ipinasuot siya ng bulletproof vest at helmet.
06:06At saka siya idiniretso sa headquarters ng NBI sa Pasay City.
06:10Dito dumaan sa booking process kung saan kinuha ang kanyang fingerprint
06:14at nagkaroon din ng medical procedure.
06:17Booking, yung mugshot,
06:20and then medical,
06:23siyempre.
06:25Sabi niya nga sa akin, marami siyang gamot,
06:28naiwan dito.
06:29So, magkukonsult siya uli sa aming doktor,
06:34sabihin niya kung ano nararamdaman niya,
06:36itignan siya ng doktor,
06:38bago namin siya iturn over sa aming detention facilities.
06:43Nakitaan naman ng ilang galos at pasa sa katawan si Tevez.
06:46Pero agad din itong ginamot ng doktor sa NBI.
06:49Paliwanag ni Tevez,
06:50ito ay marahing sa pag-aresto sa kanya sa Dili Timor Leste.
06:54Matapos naman ng medical check-up,
06:56agad siyang kinuhana ng mugshots
06:58at nagkaroon na siya ng pagkakataon
07:00na makita ang kanyang ina at abogado sa opisina ng NBI.
07:04Sabi ng DOJ,
07:06malaking tagumpay ang ginawang pag-aresto kay Tevez
07:08dahil sa tulong na rin ng komunikasyon sa gobyerno ng Timor Leste.
07:12Bagamat agaran ang nangyaring deportation,
07:16matagal na rin naman umanong plano
07:17na pabalikin si Tevez sa Pilipinas
07:19mula pa noong September 2024.
07:21Na-approve na ito last September pa last year.
07:25Kaya lang nagkaroon ng mga delay
07:28dahil sa mga petisyon
07:33itong si congressman, si Arnold Potevez.
07:38Kaya ngayon lang natin na i-implement.
07:40Mabilis naman yung komunikasyon natin.
07:42Bagamat mayroong mga konting delay,
07:45nakuha namin naman natin on time
07:50yung si Arnold Potevez.
07:52Inaasahan naman na i-detain si Tevez
07:54sa New Believed Prison
07:55pero sa detention facility ng NBI.
07:58Ang NBI na rin ang mag-a-assiste sa kanya
08:01sa pagpunta sa mga hearing sa korte
08:03para sa mga kasong nakabimbin laban sa kanya.
08:06Luisa Erispe,
08:07para sa Pambansang TV
08:09sa Bagong Pilipinas.

Recommended