Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Pinagsusumiti rin ni Pangulong Bomba Marcos ng courtesy resignation ang mga namumuno sa mga Government-Owned and Controlled Corporations o GOCC.
00:10Kanina po, bumisita naman siya sa mga warehouse ng NFA kung saan nangako siya na mas paiigtingin pa ang tulong sa mga magsasaka.
00:19Saksi, si Marie Zumal!
00:20Isa sa mga idinaraing na mga magsasaka, labis daw silang binabara ng mga trader at binibili lang ng 12 pesos kada kilo ang kanilang palay.
00:33Ang puhunan po kasi naming farmer sa bawat isang hektarya eh hindi po bababa sa 50,000.
00:43Pero pagka po nabili na yung palay niyo po eh napakababang halaga.
00:49Hindi mo na po kinikita kasi marami ka pang babayaran.
00:53Sabi ni Pangulong Bombong Marcos, pinag-aaralan nila ang paglalagay ng floor price para hindi malugi ang mga magsasaka.
01:00Binabalaan silang namin siyempre yung presyo na binibili ng consumer at saka yung presyo na binibili sa farmer na wala namang malugi.
01:10Sinabihan ng Pangulo nang bumisita siya kanina sa dalawang warehouse ng National Food Authority sa San Ildefon, Subulacan.
01:16Hirit pa ng mga magsasaka, tasan sana ang pagbili ng NFA sa kanilang tuyong palay.
01:22Imbes na 24 pesos kada kilo, gawin daw sana itong 28 pesos kada kilo.
01:26Ituloy din daw sana ng NFA ang pagbili ng kanilang palay dahil tumitigil daw ito pag natapos na ang panahon ng anihan.
01:46Pangako ng Pangulo, paiigtingin ang Department of Agriculture ang tulong para sa mga magsasaka.
01:52Pagagandahin din daw ang mga pasilidad at magdaragdag ng mga equipment.
01:56Lano rin daw nilang patayuan ang kadiwa store ang mismong warehouse para makapagbenta ng 20 pesos na bigas.
02:02Isa ito sa dalawang warehouse dito sa San Ildefon, Subulacan na may kapasidad na take 58,000 na sako ng palay na nagsimula nang ipadala sa mga miller.
02:12At oras na magiling at maging bigas, dadalhin na ito sa iba't ibang mga warehouse ng NFA para maging bahagi ng P20 rice o yung 20 pesos na bigas para sa mga vulnerable sector.
02:23Ayon sa NFA, target nilang maibenta ang 20 pesos na bigas sa buong bansana sa susunod na taon.
02:28We are on the planning stage. Mayroon ng mga technical working groups on how we will implement this on a nationwide scenario.
02:38Ang 20 pesos na bigas ng gobyerno, kine-question ng ilan dahil sa timing nito, lalo't inilunsad ang programa sabay sa panahon ng eleksyon.
02:47Hanggang kailan daw ito kayang kustusan ng gobyerno? Sagot ng Pangulo,
02:51Yung mga nagsasabi, hindi, ano lang yan. Medyo, ano, pang, ano lang yan, pampapogi lang yan. Watch me sustain it.
03:02And then, we'll talk in May of 2028. Matuloy ba o hindi. We found the way. We found the way.
03:13Ipinag-cubit balikat din ang Pangulo ang pagwaba ng kanyang approval at trust ratings,
03:19gaya ng pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan mas mataas pa ang rating ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahit nakakulong na sa dahig.
03:27Mas mataas din ang trust rating ni Vice President Sara Duterte.
03:30Let's look at the other surveys before we know your source.
03:36That's always a imperfect information makes you make imperfect decisions.
03:44The more perfect your information, the more perfect your decision will be.
03:49That is one source of information and you have to understand where it's actually coming from.
03:59Pinalagan din ang Pangulo ang pinalutang na kondisyong dapat pabalikin muna sa bansa si dating Pangulong Duterte
04:05para patunayan ang sinseridad ng pakikipagkasundo.
04:08No, no, no. No. That's not how reconciliation works. We don't put conditions to reconcile. That's not reconciliation.
04:19That's not even a negotiation. That's demanding.
04:24Pero hindi naman daw isinasara ng Pangulo ang pintu sa usapan at handa raw siyang makinig at maghanap ng solusyon sa alita nila nang minsang naging katandam sa unity.
04:35Wala pang tugon si Vice President Sara Duterte tungkol sa pahayag na ito ng Pangulo.
04:40Matapos namang pagbitiwi ng Pangulo ang mga miyembro ng kanyang gabinete, pinagsusumitin naman ngayon ang courtesy resignation ang mga namumuno sa Government-Owned and Controlled Corporations o GOCC.
04:50Kabilang dyan ang non-ex-official chairpersons, chief executive officers o CEO, appointive directors, trustees at miyembro ng GOCC governing boards.
05:02Hakbang daw ito para suriin ng Pangulo ang performance na ma-official sa mga ahensya ng gobyerno kabilang na mga GOCC.
05:09Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang Inyo. Saksi!
05:13Naharap sa reklamang robbery ang isang grupo na tumangay-umano sa halos isang daang libong pisong halaga ng pera at cellphone ng isang dayuhan.
05:24Ang biktima inalok na sasamahan sa pamamasyal pero iba pala ang balak.
05:30Saksi! Si June Veneracion.
05:32Ito ang daing ng French tourist na si Alias Matthew.
05:42Matapos umanong pagkatiwalaan ng grupong lumapit sa kanya nitong Ligo, May 25, habang naglalakad siya sa Makati.
05:49Nagpresenta umanong grupo na sasamahan siyang mamasyal sa isang tourist spot sa Maynila.
05:54Kumain muna sila. Pagkatapos, sumakay na ng taxi.
05:56And at one point, I felt an injection in my arm. So they drugged me and I became completely unconscious and I have no memories.
06:10Nang magkamalay si Matthew, doon na niya nalaman na nalimas na ang kanyang pera at gamit.
06:14Pag-isi niya, wala na yung kanyang mga gamit na cellphone at tas na nagkakahalaga ng 96,000 pesos.
06:24Ang naturang istilo ng pangbibiktima galing umano sa tinaguriang Ativan Gang.
06:30Lumang grupo na ang tinaguriang Ativan Gang.
06:33Pero bago raw ang modus ng pagturok nila sa biktimang dayuhan, sabi ng PNP.
06:37Kakaibaraw ito sa lumang istilo ng grupo.
06:40Nung mga bata tayo, itong Ativan ay inahalo sa pagkain o sa inumin.
06:47Pero dito sa insidente na ito, ay naging ano na siya, injectable.
06:52Kahapon, sa tulong ng isang app, na-trace ang cellphone ng biktima.
06:56Doon na na-aresto ang limang suspect, kabilang ang isang 68 years old na babae.
07:01Nakuha sa kanila ang cellphone ng dayuhan.
07:04Sasampahan sila ng reklamong robbery.
07:06Nabanggit po nung isa sa mga babae po na suspects,
07:09isa sa mga suspects po,
07:12na masyado ng gasgas yung kanilang paglagay ng gamot
07:19or kung anumang kemikal sa tubig, tas pinapainom.
07:21Wala po kami in-inject, sir.
07:23Wala po na nakatulog.
07:25Kung kampo, sugo, yung sleeping pills.
07:27Mapano nilagay? Mapano pinainom?
07:30Pinalo.
07:31Ataksa ako man po sa prutas.
07:33I feel sad and I don't want that it's happened again to other tourists like me
07:38who just trust people that are friendly.
07:41Sa ganitong insidente, iginitang NCRPO na malaking papel daw ang police visibility.
07:47Kasi yung physical presence ng ating kapulisan sa kalsada
07:50really deters crime, really prevents crime.
07:55Para sa GMA Integrated News,
07:57June Van Alasyon ang inyong saksi.
07:59Makapuso bago sa saksi,
08:06patay ang isang lalaki matapos mahagip ng pampasaherong bus
08:10sa Atimonan, Quezon,
08:11madang alas 9 ngayong gabi.
08:13Batay sa paonang ulat,
08:14naglalakad sa gilid ng highway sa Baragay Angeles,
08:17ang biktima habang tulak-tulak ang kanyang kariton ng mabundol.
08:23Sinubukan pa raw siyang iwasan ng bus,
08:25kaya sumalpok din ito sa isa pang truck.
08:27Sugatan ang driver at pahinantid ang truck.
08:30Ligtas naman ang mga sakay ng bus,
08:32pero tumakas o mano ang driver at konduktor nito.
08:36Patuloy ang investigasyon.
08:40Patay ang isang rider naman matapos sumalpok sa cement mixer
08:43sa Ilocos Norte.
08:45At sa Antipolos City, isang SUV ang bumangga sa isang tindahan
08:48at tatlong babae.
08:51Saksi si EJ Gomez.
08:57Mag-aalas 11 ng umaga nitong lunes ng araruhin.
09:06Nampulang SUV ang isang tindahan
09:08at ilang nakatambay sa Barangay San Luis, Antipolos City.
09:12Pawang mga babae ang nabangga.
09:14Ang isa nga sa kanila, nadali ang parehong binti.
09:18Sa gilid ng SUV, isa pang biktima ang napuruhan naman ang mga paa.
09:22Ang unang biktima po natamon niyang mga sugat ay mayroon siyang laceration sa noong,
09:37may gasgas sa balikat, may sabinti at saka sa paa.
09:41Yung pangalawang biktima po natin ay ang natamon niyang sugat ay sa magkabilang paa.
09:47Sa investigasyon ng pulisya, nakatulog daw habang nagmamaneho ang 39-anyos na SUV driver.
09:55Galing daw siyang ospital at nagbantay sa asawang nakakonfine.
09:59Sabi niya, sobrang pagod po yan.
10:02Nawala siya ng kontrol sa manubela at nakatulog.
10:05Sumuko sa otoridad ang driver, pero nakalaya rin matapos makipag-areglo sa mga kaanak na mga nabangganya.
10:24Nangako rin ang driver na sasagutin ang nasirang tindahan pati ang pagpapagamot sa mga nabangganya.
10:30Sa Lawag City, Ilocos Norte, isang rider naman ang nasawi matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa cement mixer sa isang construction area.
10:40Sa lakas ng impact, tumilapon pa ang biktima.
10:43Itinakbo siya sa ospital ng mga rumisponding paramedic, pero idilikla rang dead on arrival.
10:49Para sa GMA Integrated News, ako si EJ Gomez, ang inyong saksi.
10:54Isang kaso ng monkeypox o M-box na itala sa Ilo-Ilo City ayon sa kanilang City Health Office.
11:04Walang travel history ang pasyente at hindi pa raw tukoy kung locally transmitted ito.
11:08Mambalaan natin nga damo man, foreigners nagkakadlo, dirisaton, kundiin nga known gina may area M-box sa ila.
11:14Kailangan natin ma-find na na yung index case.
11:16That's why we are very careful in saying kundiin kaganoin na mga details.
11:20Naka-isolate na ang pasyente, pati apat pang suspected cases.
11:24Patuloy silang ginagamot pero nasa mabuti ng kalagayan.
11:27Ayon sa Ilo-Ilo City LGU, isinasagawa na ang contact tracing.
11:31At wala pang naiulat na ebidensya ng malawakang community transmission.
11:36Halfway Houses, planong itayo ng Bureau of Corrections sa lahat ng bilangguan at penal farm sa bansa.
11:42Para yan sa mga PDL o persons deprived of liberty na hinihintay na lamang ang paglaya.
11:46Pati mga pinalaya ng PDL na wala pang matirahan.
11:49Iniutos na ni Bukor Director General Gregorio Catapang Jr.
11:53ang pagsusumitin ng mga plano at disenyo para sa bawat halfway house, pati kakailangan ng budget.
11:58Magtatakda rin muna ng mga lugar kung saan mananatili ang mga irirelease na PDL habang hindi pa tapos sa mga halfway house.
12:04Magkakaroon din ang counseling sessions, orientation activities, interviews at short courses para sa mga PDL sa mga halfway house.
12:12Stop and Salute at Flag Racing isinagawa kaninang umaga sa Rizal Park sa Maynila bilang pagunita sa National Flag Day o Araw ng Pambansang Watawat.
12:22Pinagunahan ito ng National Parks Development Committee, Salute to a Clean Flag Movement at iba pang ahensya ng gobyerno.
12:28Dumalo rin ang ilang kilalang Pilipino global artists.
12:31Ayon sa Salute to a Clean Flag Movement, nagsagawa rin ng flag raising ceremony ang mahigit isanlibong pribadong gusali at establishmento sa bansa.
12:39Layo rin ng pagdiriwang na maipaalala sa bawat Pilipino ang responsibilidad sa bayan at pagmamahal sa watawat ng Pilipinas.
12:47Para sa GMA Integrated News, ako si Jomer Apresto, ang inyong saksi.
12:54Nagsagawa ng clearing operations ng MMDA sa mga panindang nakahambalang sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
13:00At may natikikitan din na apat na driver dahil sa obstruction.
13:04Saksi si Jamie Santos.
13:06Nakatanggap umano ng ilang reklamo ang MMDA na may mga vendor na nakahambalang sa isang lane sa Commonwealth Avenue sa tapat ng Litex sa Quezon City.
13:19Kaya naman kaninang Rush R, nagsagawa ng clearing operations sa lugar ang ahensya.
13:24We are trying to mitigate here yung problema na yung mga kababayan po natin na naglalakad na pupunta po sa kalsada.
13:30Then also yung mga vendors po natin na instead of nagtitinda sa tamang lugar, napupunta na po tayo almost to the middle of the road na to the extent kinakain na po pati ang motorcycle lane natin.
13:40Pinakiusapan ng mga vendor na tanggalin ang kanilang mga produkto sa daan ng mga pasahero.
13:45Bukod kasi sa construction ng MRT7, dinaraanan ng mga motorsiklo ang nasabing lane.
13:50Hindi naman na umalma ang mga tinderong nakapwesto sa kalsada.
13:54Hiling lang nila.
13:56Basta po, ano, nandito lang kami sa gilid. Kahit pa paano, nakakabenta naman.
14:01Opo, huwag lang paaalisin mo.
14:02Opo.
14:03Sa ngayon, binalaan muna sila ng MMDA.
14:06Pero sa susunod, pasensyahan na lang daw dahil bibigyan na sila ng tiket at kukumpiskahin ang mga paninda.
14:13Hindi po kami nakulang nang paalala sa ating mga vendors.
14:16Wala pong problema, maghanap buhay, magtinda po tayo sa tamang lugar.
14:19Isipin din po natin ang safety ng mga kasama po natin sa kalsada.
14:23Apat na driver naman ang inisuhan ng tiket dahil sa obstruction.
14:27Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos ang inyong saksi.
14:32Bagaman malabong pumasok sa Philippine Area of Responsibility,
14:36inaasahan magdadala pa rin ng pagulan sa bansa ang bahagi ng isang low-pressure area.
14:41Apektado pa rin ang trough o extension nito ang ilang bahagi ng southern zone.
14:45At tuloy-tuloy rin ang pag-iral ng mainit na easterlies.
14:49Pero kumparaan itong mga nakalipas na araw, nasa 15 at bahagyang bumaba ang bilang ng mga lugar na posibleng makaranas ng heat index na nasa danger level.
14:58Basa naman sa datos ng Metro Weather, mataas ang tsansa ng ulan bukas, lalo na abad ng hapon.
15:04At maging handa pa rin sa posibleng baha o landslide.
15:08Sa Metro Manila, maalinsangan pero maging handa pa rin sa tsansa ng localized thunderstorms.
15:12Ayon sa Climate Forum ng Pag-asa, labing isa hanggang labing siyam na bagyo ang posibleng mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility mula Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taon.
15:24Pero gabay lang po yan dahil pwedeng mas marami o mas kaunti rito ang aktual na maitala sa bansa kaya patuloy po na umatabay sa mga update.
15:32Nananatili rin ang neutral condition sa bahagi ng Pacific Ocean na malapit sa Pilipinas.
15:36Ibig sabihin, walang umiiral na El Niño o Laniña.
15:40At asahan din daw na bago magtapos ang lingong ito, ay unti-unti nang magparamdam ang Southwesterly wind flow bago tuloy ang pumasok ang habagat season.