Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Iba't ibang usapin na may kinalaman sa kalakalan at depensa ang dinalakay sa 46th ASEAN Summit sa Malaysia.
00:07At isa po sa mga ipinanawagan ni Pangulong Bombo Marcos ang pagpapabilis sa pagbuo ng Code of Conduct sa South China Sea.
00:15Mula sa Malaysia, sa ksilat, si Ivan Mayrina.
00:20Ivan?
00:23Yes, Pia, nasa gala dinner ngayong gabi.
00:25Ang mga leader ng ASEAN States at gayon din ang Arab States na magiging bahagi ng gaganaping ASEAN GCC o Gulf Cooperation Council bukas dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
00:37Iba yung pagpapalawak ito, Pia, ng kalakalan sa pagitan ng ASEAN at ng Gulf States at maging ng China.
00:44Pero ang mahigit dalawang dekada ng issue ng pagbuo ng Code of Conduct sa South China Sea, hindi pa rin nari-resolba.
00:55Sa tuwing ASEAN Summit sa nakalipas sa halos tatlong dekada, hindi nawawala ang panawagan mula sa Pilipinas para sa isang Code of Conduct sa South China Sea.
01:03Karagatan kung saan magkakasapaw ang claim ng mga bansa sa rehyon.
01:07Kabilang ang China, ang tensyon sa rehyon banta raw sa ASEAN ayon kay Pangulong Bongbong Marcos sa harap ng kapwa mga leader sa pagubukas ng 46th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia kanina.
01:17By working together, strengthening our institutions, and building the resilience and capacities of our people, we can better navigate this increasingly uncertain future and turn challenges into opportunities for shared growth and stability.
01:35We underscore the urgent need to accelerate the adoption of a legally binding Code of Conduct in the South China Sea.
01:41Darating ang China bukas bilang dialogue partner sa kauna-unahang ASEAN-GCC-China Summit.
01:47Ang GCC o Gulf Cooperation Council, binubuo ng mga bansang Saudi Arabia, UAE, Bahrain, Kuwait, Qatar at Oman.
01:55Inaasahang mapapalawak ng diyalogong ito ang kalakalan sa pagitan ng GCC, ASEAN at ng China sa gitna ng mga ipinataw na taripa ng Amerika sa halos lahat ng bansa sa mundo.
02:05Ayon sa Prime Minister ng host country na si Anwar Ibrahim, hindi tatapatan ng taripa ng Amerika, kundi dadaanin nito sa diyalogot diplomasya sa ikinakasang ASEAN-US Summit.
02:15When we encountered this problem with the tariff, we said proceed with bilateral meetings but retained the ASEAN consensus and without exception, all ASEAN leaders gave that tacit approval.
02:33We commend Malaysia's leadership in convening the Special ASEAN Economic Minister's Meeting and welcome the consensus to avoid retaliatory measures.
02:43Nanawagan din ang kooperasyon ng Pangulo sa pagsugpo sa transnational crime at sa sama-sama ang pagtugon sa mga epekto ng climate change.
02:51Ang upskilling sa pamagitan ng teknolohiya at ang paggamit ng artificial intelligence at suporta sa mga malilit na negosyo,
02:57ang siya namang tema ng mensahe sa ASEAN Business Advisory Council at nagpahayag ng suporta ng Pilipinas sa isang future-ready na ASEAN.
03:06Nilagdaan din ang mga ASEAN leader ang Kuala Lumpur Declaration na magtatakda ng direksyon ng ASEAN hanggang 2045.
03:12Tila pagbaliktanaw daw ito sa naging kasunduan ng mabuang ASEAN noong 1967,
03:17sa pagitan ng mga bansang pinagbuklod ng pagkakaibigan, kooperasyon at sama-sama pagunlad.
03:22May one-on-one meeting din ang Pangulo, kinalaw PDR Prime Minister Sonsai Sipandon,
03:27kung saan nagkaroon ng kasunduan sa Defense Cooperation, Economic and Trade Cooperation at Education,
03:33at Thai Prime Minister Petong Tan Sinawat, kung saan kabilang sa mga napag-usapan ng mas pinahigting na kalakalan,
03:39kooperasyon sa agrikultura at pagsugpo sa transnational crime.
03:43Pia, ikatlot huli sa mga bilateral meetings ng Pangulo ngayong araw ay sa pagitan nila ni Vietnamese Prime Minister Pami Ching
03:53na pagkasunduan nilang iangat sa Comprehensive Strategic Partnership ang ugnayan ng Pilipinas at ng Vietnam.
04:01May umiiral na ugnayan, Pia, sa larangan na agrikultura at food security, gayon din sa edukasyon at sa turismo.
04:08At live mula sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa GMA Integrated News.
04:12Ivan Mayrina, ang inyong saksi.
04:15Huli ka mga barilang sa isang eskinita sa Rojas City sa Capiz at isa sa tinitignang anggulan na pulisya,
04:22alitan sa iligal na droga.
04:24Saksi, si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
04:30Tumatakbo habang naka-helmet ang lalaking niya ng maya-maya ay bigla siyang bumunot ng barila.
04:37Kinasaan niya ito at makailang peses na pinaputok ka.
04:42Gumanti naman ang kanyang binabaril.
04:46Kasunod dito ay umalis na palayo ang lalaki na parang walang nangyari.
04:50Ang insidente niyan, nakunan sa isang eskinita sa Rojas City noong Sabado.
04:55Ayon sa pulisya, posibleng may alitan ang dalawang sangkot sa barilan.
04:59Parts ang ilas niya personal gracias is about drugs.
05:02Hindi pa natin kit nga mahatagan sa tulikid nga point na ayhan mo si Hanay sa iligal na droga ang ginalinas ng ilas niya pag-ilinaway.
05:11Walang nasaktan sa insidente.
05:14Kinahanap naman ng pulisya ang dalawang sangkot sa pamamaril.
05:18Isang lalaki naman ang patay sa pamamaril sa Pototan, Iloilo.
05:21Ayon sa kapatid ng biktima, naunang pumasok sa kanilang bahay ang sospek na si Alias Pula at hinanap ang kanilang ama.
05:28Nang hindi makita, umalis daw ang sospek pero nang bumalik.
05:32Kasama na niya ang isa pang sospek na si Alias Taghi na nagbanta raw sa kanila.
05:37Hindi na persa na nga buksan niya ang pertahan, hindi niya pagbuksan pang himusong takamutan na.
05:44Nagawa raw makatakas ng mga miyembro ng pamilya pero hinabol daw ni Alias Pula ang biktima at binaril sa ulo.
05:51Palaisapan ngayon sa ama ng biktima ang dahilan ng pagpatay sa kanyang anak.
05:55Handa raw silang magsampan ng kaso.
05:57Kaya takot at raso ko nang da.
05:59Kaya isa talagang binigang lupa.
06:01Kaya isa talagang buligan mo kung ano yan.
06:04Sumuko sa pulisya si Alias Taghi habang at-large pa rin si Alias Pula.
06:11Kaya na-establish pa natin kung anong bagay ang wala nila inintindihan.
06:15Kaya ang sospek natin niya isa rin naman di.
06:18Pero wala man siya ga-cooperate.
06:21Kaya wala man siya ga-humble kung ano kitang gintunahan.
06:23Tumangging magbigay ng pahayag ang sospek.
06:26Para sa GMA Integrated News, ako si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
06:32Sa pagbabalik ng No Contact Apprehension Policy o NCAP ngayong araw,
06:40halos 600 motorista ang nahuling lumabag sa Batas Trapiko.
06:45Saksi, si Marie Zumali.
06:46Pagkapatupad na pagkapatupad pa lang daw muli ng No Contact Apprehension Policy o NCAP ngayong araw,
06:57dumalang agad ang bilang ng mga lumalabag sa Batas Trapiko ayon sa tala ng MMBA.
07:02As of 4pm, umabot lang daw sa 582 ang mga paglabag na kalimitan ay di pagsunod sa mga traffic sign at pagdaan sa busway.
07:11Malayo raw ito sa halos 4,000 nung nakaraang lunes.
07:14Well, I think conscious naman yung ating mga kabayan kasi last, Monday last week,
07:20ang total po nung naitala namin, although yan ay hindi natin i-issuean pa ng ticket,
07:27ay nasa 3,900, almost 4,000 for one day.
07:31At kahit na magpatuloy yan ngayong maghapon, tingin ko hindi na aabot ng 1,000 siguro.
07:38Yan din nga ang mismong sinabi ng motoristang nakausap ko na bumabagta sa kahabaan ng Araneta Avenue,
07:44isa sa dalawampung kalsada sa Metro Manila kung saan pinatutupad ang NCAP.
07:49Siyempre po, dahil sa binapatupad nilang Batas na yan, mag-iingat talaga dahil sa penalty po.
07:54Bukod sa pagdedisiplina sa mga motorista, itinulak din daw talaga ng MMDA na muling maipatupad ang NCAP
08:00para iwas koto at mapabilis ang daloy ng trapiko.
08:04Nasa 327 na camera raw ang naka-install para i-monitor ang galaw ng mga motorista sa ilang pangunahing kalsada,
08:11kabilang ang EDSA, Araneta Avenue, Quezon Avenue, Tandang Sora, Commonwealth Avenue,
08:16Rojas Boulevard, Taft Avenue, South Super Highway, Marcos Highway at iba pa.
08:21May tatao pa rin daw ng mga traffic enforcers sa mga lugar na walang kamera.
08:25Ayon sa MMDA, muling gagamit ng CCTV na may artificial intelligence na kaya ng magdetect ng mga paglabag
08:32at hindi na kailangan ng pisikal na panguhuli ng mga traffic enforcer.
08:36Pero pagsisiguro ng MMDA bago maglabas ng Notice of Violation,
08:40susuriin muna ng mga empleyado ng ahensya ang kuha ng kamera.
08:44Tsaka'y padadala ang notice sa address ng nahuli sa pamamagitan ng Philpost sa loob ng pitong araw.
08:49Maaari naman daw ay contest ng nahuli ang paglabag sa loob ng sampung araw
08:53sa pamamagitan ng Traffic Adjudication Division na di na kailangan pumunta sa ahensya.
08:57May contest mechanism naman po tayo.
09:01Isama po nila sa contest nila yan.
09:03At pag nakita namin na kakulangan namin yung naging dahilan,
09:07kaya sila nakapag-violate ng traffic force,
09:10i-invalidate po namin yung pagkakahuli po na ito.
09:14Ilang motorisa naman ang nahuli ng saik na iligal na dumaraan sa ETSA busway,
09:19kabilang ang isang foreigner na hinulip.
09:21Hindi raw niya alam na may ganitong tuntunin.
09:24Para sa JMA Integrated News, ako si Mariz Umali ang inyong Saksi.
09:29Dalawang nasawi sa salpukan ng tatlong motorsiklos sa Cebu.
09:33Patay rin ang isang rider sa Cotabato matapos mabanga at pumailalim sa truck.
09:38Pasintabi po mga kapuso, sensitiveong video ang inyong mapapanood.
09:41Saksi, si Luan May Rodina ng JMA Regional TV.
09:49Binabagtas ng rider na yan ang kahabaan ng National Highway sa Cotabato
09:53hanggang sa bumanga ang truck sa likuran nito at pumailalim ang rider.
09:59Dahil sa insidente, patay ang di pa nakikilalang rider.
10:02Inaalam pa rin ang pagkakakilanla ng driver na nasa kustudiyan na ng pulisya.
10:08Hindi siya nagbigay ng pahayag.
10:09Sa pool din sa CCTV, sa Lapolapos City, Cebu, ang salpukan ng tatlong motorsiklo.
10:16Dalawang motor ang makikitang nasa parehong linya.
10:20Nang biglang sumalpok at sumalubong isang motor mula sa kabilang linya.
10:24Si Parti A, nakusukaw yung dagan ni Gawas po siya salihin ma'am niya.
10:30Dito siya ni Igo directly ang impact ni Parti B.
10:37Which is ang katonggitod ni Parti B ma'am.
10:39Wala maigo.
10:40Huwa siya ma-appel sa kuhan pag himo sa investigasyon kay.
10:44Huwaman siya maigo ma'am.
10:45Huwaman siya damaged.
10:46Kina si Parti C ma'am, kining nasa luyo nila.
10:51Pag impact, nanikamot siya ang mumanyubin pero naigo paghihapon siya dito sa mga debris niya na natumba paghihapon siya dito.
11:03Patay ang rider na nag-counterflow.
11:06Isinugod naman sa hospital ang nabanggan niyang rider pero pumanaw rin matapos ang nilang oras.
11:12Nagtamo naman sugat ang angkas nito.
11:15Nagkaareglo naman ang dalawang panig.
11:18Naghimon nalang niya kasabutan niya ito ang Parti A o ang Parti C na ito.
11:24Naghimon nalang sila kasabutan na sila-sila nalang magasto sa tagsa-tagsa nila sa mga damage.
11:29Para sa GMA Integrated News, ako si Luan Merondina ng GMA Regional TV, Ang Inyong Saksi.
11:37Saanong magsampan ni outgoing Sen. Bong Revilla ng kasong cyber libel laban sa mga vlogger at personalidad na nagpakala't umano ng disinformation?
11:47Ayon sa Senador, ito ang nagpatalo raw sa kanya sa eleksyon.
11:51Saksi, si Maaf Gonzales.
11:53Bigong makabalik muli sa Senado si re-electionist Sen. Bong Revilla.
12:00At ang sinisisi niya rito ang mga nagpakala't umano ng disinformation tungkol sa kanya nung nagdaang eleksyon.
12:06I'm sad dahil nabiktima tayo ng fake news at napaniwala nila yung ibang tao na gano'n ngayon.
12:14Sa totoo, maraming mga kapataan na bumuboto.
12:17Hindi nila alam kung yung mga nangyari in the past years.
12:20Kaya dapat ma-inform natin sila.
12:22Isa sa tinukoy niyang fake news tungkol sa kanyang plunder case noon sa Sandigan Bayan kung saan siya na-acquit.
12:28May kumalat daw na peking dokumentong nagsasabing kailangan niyang ibalik ang 124 milyon peso sa National Treasury.
12:35Sa mga social media posts, nakalagay na hindi pa rin niya umano isosoli ang pera.
12:39Bagay na hindi naman daw sinabi ng Senador.
12:42Matatandaang noong 2018, in-acquit ng Sandigan Bayan si Revilla.
12:46Pero hinatulan namang guilty si na Janet Limnapoles at ang aide ni Revilla na si Richard Cambe kaugnay ng pork barrel scam.
12:53Pero hindi malinaw kung sino ang dapat magsaulin ng halagang 124 milyon pesos.
12:59Ang giit ng kampo ni Revilla, dahil acquitted siya, wala rin siyang pananagutang sibil.
13:03Kaya balak daw ng Senador na magsampa ng kasong cyber-libral laban sa vloggers at iba pang personalidad sa social media at websites.
13:11Makikipagtulungan daw sila sa NBI dahil pseudonyms lang ang gamit ng ibang account.
13:16Sa aking palagay, yes, orchestrated ito.
13:19Kung anong kulay, ayoko nang alamin.
13:22Siguro that's part of politics.
13:23Kasama yan sa labanan ng eleksyon.
13:26Pero ang hindi lang maganda dito, yung fake news.
13:29Kailangan muna matrace natin, mabuti. Mahirap ka siya mag-speculate.
13:33Ayokong magpintang.
13:36Nilinaw ng kampo ng Senador na hindi raw ito gawa ng mga Duterte.
13:40Pero may binitawang pahaging ang kanyang abogado kung bakit malamang hinilapap ba si Revilla
13:44na minsan nag-ranked 2 pa sa senatorial surveys.
13:47Hindi man binabanggit kung sino'y yung dapat nabutohin.
13:53Pero when you try to pull down somebody, meron siguradong aangat
13:58because sila ngayon yung mabuboto.
14:01Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
14:05Nag-inspeksyon ang mga opisyal ng Agriculture Department
14:08sa warehouse ng National Food Authority sa Bulacan.
14:12Nakipagpulong din ang mga opisyal sa mga magsasaka.
14:15Saksi, si Bernadette Reyes.
14:17Mga truck na magbabiyahe ng mga aning palay at mga dryer
14:24ang ilan sa mga inilapit na mga magsasaka sa pahigipagpulong sa Department of Agriculture kanina.
14:30Ang palay po kasi namin nasa bahay lang hindi po mahakot dahil wala pong transport phase, walang truck.
14:39Ayon sa Department of Agriculture, may siyam na pong truck na binili ang National Food Authority o NFA ngayong taon.
14:46Labing-anim dito, dumating na sa bansa at pinagagamit na sa mga magsasaka.
14:51Maaari rin itong gamitin para hakutin ang mga sobrang produksyon gaya ng carrots, kamatis o sibuyas.
14:57O kaya na may gamitin para sa mga kaliwa.
15:00Pinagamit na rin ang NFA ang warehouse na kinumpuni kahit hindi pa tapos,
15:04basta ligtas na itong gamitin gaya nitong nasa Malolos, Bulacan.
15:08Paraan daw ito para solusyonan ang hinaing ng ibang magsasaka sa mababang presyo ng palay na umaabot nasa 12 pesos sa ilang lugar.
15:17Bumaba po ang aming palay dahil po ba doon sa inaangkat?
15:21Sabi po ni Administrator, hindi naman doon. Siguro po mga traders gusto po nilang kumita ng malaki.
15:29Kami bagsak ang aming presyo.
15:32Kapag ang warehouse ng NFA sa isang lugar puno na at hindi tayo makapamili, doon pumapasok yung mga sabihin na natin pananamantala kasi walang ibang mapagdadalhan yung ating mga magsasaka.
15:46That's why ang discarding ngayon, free up doon sa mga depressed prices.
15:50Pumaasa rin ang DA na babalik ang mandato ng NFA na makapagbenta muli ng bigas.
15:55Sa ngayon kasi buffer stocking ang ginagawa ng NFA para masigurong may sapat na bigas, lalo na sa panahon ng mga emergency o kalamidad.
16:04Ang mas magandang mangyari is pwedeng magbenta ang NFA sa palengke to accredited NFA retail outlets like before.
16:18Kailangan din yung lahat na retailers at traders ay kailangan by law mag-register sa NFA.
16:27Para sa GMA Integrated News, ako si Pernadet Reyes ang inyong saksi.
16:32Posible na bago matapos ang linggo ay unti-unti na magparamdam ang southwesternly wind flow o hangin galing sa timog kanluran.
16:40Ay sa pag-asa, yan ay dal sa frontal system na maaring humatak dito sa mga susunod na araw.
16:44Pwede pang magkaroon ng pagbabago kaya patuloy na umantabay po sa mga update.
16:49At bukot po sa frontal system, patuloy ang pag-ira ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ at Easter Lease.
16:5726 na lugar ang makakaranas pa rin ng danger level na heat index bukas, kabilang na po ang Pasay City sa Metro Manila.
17:05Basta sa datos na Metro Weather, malawakan na ang mga pagulan sa bansa, lalo na bandang hapon.
17:10At kabilang sa makakaranas sa malalakas na ulan ay ang Ilocos Region, Mimaropa at Mindanao.
17:16Maging alerto pa rin sa Bantanabaha o Landslide.
17:20Sa Metro Manila, kahit maalinsangan, may chance pa rin ng localized thunderstorms.
17:26Nagsimula na po ang tagisan ng galing at determinasyon ng mga student-athletes sa 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte.
17:34At kabilang po sa mga buwena manong nakaginto, mga pambato sa atletes at weightlifting.
17:42At yung saksihan!
17:44Okay lang yan!
17:46Ang unang ginto sa 2025 Palarong Pambansa, napasakamay ng pambato ng Region 8 na si Chrystia May Taharos.
17:55Nauna si Chrystia sa Secondary Girls 3000 Meter Run.
17:59Makasalamat po ako.
18:01May narinig niya po yung panagangin ko at mga certified ko na ginagawa sa training.
18:08Emosyonal niyang sinalubong ang tamis ng tagumpay ngayong nakamit na ang inaasam na ginto.
18:14Minsan po kasi kung huwag ka-training ko kasi ako umiiyak po.
18:18Tapos yung pag-iiyak ko po, ginagawa po rin ang motivation po para pura po makuha yung gintong minan niya sa Palarong Pambansa.
18:25Mula raw noon, nagsimula na silang magsanay gamit ang spike shoes.
18:31Galing sa magkaibang sport ang dalawa, si Chrystia, dating swimmer, at si coach, dating boxer.
18:37Pero kwento ni coach, gusto rin sanang mabreak ni Chrystia ang nakaraan niyang record.
18:43Break na doon record, ang importante makuha natin yung goal.
18:47Okay lang yan, congrats.
18:50Thank you, thank you.
18:51Sabi ko lang naman sa bata, babe, kung ano man yung magkukuha natin, yung importante, makuha lang natin yung goal.
19:01Pag hindi man natin makuha yung record, okay lang yung...
19:05Sa edad na labintatlo, tila malinaw na para kay Chrystia kung para saan at para kanino ang bawat takbo.
19:12Pag-arap ko po mga Olympics para makasulungan yung pamilya ko.
19:18Wagirin ang ginto si Matthew Diaz ng Region 4A sa secondary boys 48 kg division, 73 kg sa snatch at 93 kg sa clean and jerk.
19:30Tila na sa dugunan niya ang kakaibang husay sa weightlifting dahil si Matthew, pamangkin yung Olympic gold medalist, Heideline Diaz.
19:40Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinama ang weightlifting sa palarong pambansa.
19:45Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Oydang inyong saksi.