00:00Nakahanda ng mga sektor ng gobyerno para magpaabot ng tulong sa mga apektado ng baha sa bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM.
00:08Yan ang ulat ni J.C. Alitonga.
00:12Kinumpirman ng Office of the Civil Defense sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o OCD BARM na unti-unti nang humuhupa ang tubig baha.
00:22Labing-anim na munisipalidad ang naapektuhan ng pagbaha na binubuo ng 149 na barangay.
00:28Patuloy ang OCD BARM sa pagsasagawa ng monitoring at assessment sa mga apektadong lugar.
00:34Maraming pamilya ang nakauwi sa kanilang mga tahanan.
00:37Nakahanda rin ang OCD BARM sa sakaling mga ilangan ng tulong ang mga lokal na pamahalaan.
00:42Meron pa naman po, pero dahan-dahan na rin po sila ma'am. Once na totally subsided na yung tubig, babalik na rin po sila.
00:52Naibigay ng OCD BARM ang karagdagang tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO sa mga binahang residente ng rehyon.
01:01Kabilang sa kanilang natanggap ang mga relief packs at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
01:07Nakipagtulungan din ang OCD BARM sa iba pang ahensya ng gobyerno.
01:11If ever po na yung LGU ay may mga requests like support, kami na po nakikipag-coordinate sa mga agencies po na pwede makatulong po.
01:26Samantala, nagpulong ang Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO, Ministry of Interior and Local Government o MILG
01:36at ang Office of Civil Defense o OCD BARM para sa Incident Command System o ICS Executive Course.
01:44Layunin ng nasabing pagpupulong na makalikha ng mas ligtas na lungsod sa Cotabato sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kahandaan sa panahon ng emergency
01:54at pagkakaroon ng mas epektibong koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya.
02:00JC Aleponga para sa Pangbansang TV sa Bagong Pilipinas.