Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/28/2025
-Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, humarap sa korte para sa kasong qualified human trafficking
-DOJ Sec. Remulla: Harry Roque, nag-backdoor exit para makaalis ng bansa
-DMW: Mahigit 800 trabaho sa iba't ibang sektor, alok sa Austria sa mga Pinoy
-Babaeng pasahero ng jeep na sumalpok sa concrete barrier, patay nang tumilapon at masagasaan ng truck; 17 iba pa, sugatan
-Bride na may stage 4 cancer, ikinasal sa kanyang groom sa loob ng ospital
-2 agencies na sangkot umano sa illegal recruitment, sinuspinde ng Department of Migrant Workers
-Ilang grupo ng kabataan, nanawagan sa COMELEC na alisin ang Duterte Youth sa partylist system
- 12 new clashers na lalaban sa clashbackers ng "The Clash 2025," ipinakilala na
-INTERVIEW: LORIE DELA CRUZ, WEATHER SPECIALIST, PAGASA
-Dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves, nakakulong sa compound ng Ministry of Interior ng Timor-Leste
-2 NFA warehouse sa San Ildefonso, Bulacan, binisita ni PBBM
CBB: Mommy, kuwelang nabugahan ng tubig sa mukha ng kanyang baby


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Thank you so much.
00:30Itinanggi ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang sinasabi ng DOJ na mayroon siyang hanggang tatlong passport.
00:43Nauno nang sinabi ng DOJ na pinakakansila na nito ang mga pasapote ni Roque na nahaharap sa kasong qualified human trafficking.
00:52Yan ang balitang hatid ni Salima Refrag.
00:55Sa gitna ng pagkahain ng reklamong human trafficking dahil sa pagkakaugnay umano niya sa scam hub sa Porac, Pampanga,
01:06tahimik na nakalabas ng bansa noong isang taon ang dating tagapagsalita ng Duterte administration na si attorney Harry Roque.
01:14Pala isipan noon kung paano nakaalis si Roque nang hindi namamataan ng mga otoridad kahit pa may inis yung immigration lookout bulletin order laban sa kanya.
01:24Nasa inspeksyon ng immigration area nang naiyak si Justice Secretary Jesus Crispin Mimulya.
01:29Anya, nag-backdoor exit si Roque nang nakalis ito ng bansa.
01:34Sa tawi-tawi dumaan yan.
01:37Wala mang nagbangka o nag-speedboat papuntang Malaysia via Sipadan and Saba.
01:43Nakumpirma na lamang ang lokasyon ni Roque nang maghaina ng counter-affidavit sa Konsulado ng Pilipinas sa Abu Dhabi, United Arab Emirates noong isang taon.
01:53Sunod na siyang namataan ng maaresto na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Dahig sa The Netherlands kung saan meron siyang asylum application ngayon.
02:02May warrant of arrest si Roque ngayon para sa non-bailable na kasong qualified human trafficking,
02:08bunsod ng niraid na scam hub na Lucky South 99 sa Porak, Pampanga.
02:13Sabi ni Rimulya, pinapakansala na nila ang dalawa hanggang tatlong passports na hawak-umano ni Roque.
02:21Parehong regular passport. Di bali sana kung official pa rin siya, meron siyang diplomatic at meron siyang regular.
02:28Ang alam namin meron siyang dalawang regular. At least, dalawa.
02:31Same name, sir?
02:33Same name, same name. Very similar. Or maybe a difference in baka middle initial o kaya second name niya, hindi natin alam.
02:41Papahalukay namin yan. Kasi hindi dapat ginagawa yan.
02:45Sa isang pahaya, tinawag naman ni Roque na fake news ang sinasabi ng administrasyong Marcos na meron siyang multiple passports.
02:53May isa raw siyang ginagamit na regular passport dahil puno na ang nauna niyang pasaporte.
02:58Kanselano na raw ito habang ang kanyang kasalukuyang passport hawak na ng Dutch authorities bilang bahagi ng kanyang asylum process.
03:07Hindi na rin daw niya ginagamit ang kanyang diplomatic passport dahil matagal na raw siyang wala sa gobyerno.
03:13Sa Nima Nefra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:22O sa mga nagja-job hunting dyan para sa abroad, may mahigit pong 800 job orders ang bansang Austria para sa mga Pilipino.
03:33Ayon sa Department of Migrant Workers, ang mga inaalok na trabaho ay mula sa mga sektor ng architecture, construction, manufacturing, healthcare and wellness, household service, culinary at hospitality.
03:47Ang minimum wage at beneficyo na makukuha ng mga Pinoy worker ay kagaya rin daw sa natatanggap ng mga lokal sa Austria.
03:56Paaralan ng DMW sa mga lehitimong recruitment agency lang mag-apply na makikita sa listahan ng DMW website.
04:05Kapag government to government ang a-applyan, diretsyo sa DMW mag-apply at walang sinisingil na placement fee.
04:13Pinag-aaralan na rin ang Pilipinas ang pagbuo ng government to government labor employment track sa Austria, pati sa Hungary, Italy at New Zealand.
04:26Ito ang GMA Regional TV News.
04:33Patay ang isang babae matapos na sumalpok ang sinasakyang jeep sa concrete barrier sa Pagbilao, Quezon.
04:39Bumaligtad pa ang jeep matapos itong bumangga sa concrete barrier sa gitna ng highway sa barangay Silangang Malikboy.
04:46Tumilapo naman ang biktima at nasagasaan ang tumaang truck.
04:50Labing-pitong iba pang sakay ng jeep ang sugatan, batay sa tala ng pagbilao MD-RRMO.
04:56Wala pang pahayag ang driver ng jeep, habang kinutugis pa ng pulisya ang nakasagasang truck driver.
05:01Unconditional love ang pinatunayan ng isang couple sa Mandawi City dito sa Cebu.
05:12Ang matamis na palitan ng AIDU ni Naayan Sanchez at Jury Brigoli nangyari sa loob ng ospital.
05:19Kwento ng kapatid ng groom, sa simbahan daw sana ang kasal noong biyernes pero nagkaroon ng emergency.
05:26Isinugod sa ospital si bride dahil sa masamang pakiramdam, dulot ng stage 4 gastric cancer.
05:32Para matuloy ang kasal as scheduled, pumayag ang pamunuan ng ospital na maging instant wedding venue ang chapel nito.
05:39Present sa seremonya ang anim na anak ng couple na labing-limang taon nang nagsasama.
05:45Naroon din ang kanilang mga pamilya at entourage.
05:48Instant wedding guest na rin ang hospital staff.
05:51Hiling daw ngayon ng newlyweds, syempre ang pagaling ni Ayan.
05:54Congrats, best wishes at get well soon po.
06:00Sa iba pang balita, sinuspindi ng Department of Migrant Workers ang operasyon ng dalawang agency na sangkot umano sa illegal recruitment at iba pang paglabag.
06:10Sa inspeksyon sa Malate, Maynila, nabisto ng DMW sa isang agency ang online cabit system kung saan nakikipag-operate mga illegal recruiters sa mga lehitimong agency.
06:22Ang isa kasi sa mga nag-a-apply maging OFW sa Saudi Arabia, ni-recruit lamang sa pamamagitan ng Facebook tsaka ni-refer sa naturang agency.
06:32Bibigan daw siya ng tulong at training ng DMW.
06:35Napag-alaman din na hindi rehestrado sa DMW ang accommodation ng naturang agency para sa mga OFW na paalis na.
06:43Ang ikalawang agency na sinuspindi ng DMW, in-person naman ang cabit system.
06:49Hindi raw registered ang isa sa mga empleyado, kaya itinutuling siyang illegal recruiter.
06:55Git naman ang empleyado, sumasa ilalim pa lamang siya sa training.
06:59Sasampahan ang DMW ng kaukulang reklamo ang nahuling unregistered recruiter.
07:04Wala pang pahayag ang mga sustendidong recruitment agency.
07:08Wala ring boss na humarap noong nag-inspeksyon ang DMW.
07:15Nanawagan ng ilang grupo ng kabataan sa Commission on Elections na tuluyan ng alisin sa party list system ang Duterte Youth Party List.
07:24Kabilang dyan, ang kabataan tayo, ang pag-asa at anak bayan na nagtipon sa harap ng COMELEC kahapon.
07:32Nagsumiti rin sila ng sulat bilang panawagan na protektahan ang integridad ng eleksyon.
07:38Wala pang pahayag dito ang Duterte Youth.
07:40Ang Duterte Youth ang pangalawa sa mga party list na may pinakamaraming boto na nakuha nitong eleksyon 2025.
07:47Pero sinuspindi muna ng COMELEC ang kanilang proklamasyon dahil sa nakabimbing kaso na may kaugnayan sa kakulangan umano sa requirement ng registration ng kanilang grupo.
07:58Dati ng kunestyoan ng Duterte Youth Party List ang desisyon dahil 2019 paan nila ang nasabing kaso.
08:04Ipinakilala na ang fresh set of voices na makikipag-galing laban sa galing sa The Clash 2025.
08:26Clash Nation! Sila ang sandoser ng new clashers mula sa iba't ibang panig ng bansa.
08:32Handa na silang magpasikla at makipagbanggaan sa nagbabalik na clash arena.
08:39Isa kaya sa kanila ang magwawagi o manggagaling sa clash backers from previous seasons na makikilala na natin soon.
08:48Stay tuned lang mga mari at pare dahil magsisimula na ang tagisan this June 8.
08:56Update muna tayo sa namonitor na low pressure area malapit sa Philippine Area of Responsibility.
09:02Makakausap po natin si Pag-asa Weather Specialist Lori De La Cruz.
09:07Magandang umaga at welcome po sa Malitang Halit.
09:09Magandang umaga din Ma'am Connie at sa lahat ng ating mga kababayan.
09:14Ano ho ang update natin sa LPA na namonitor sa West Philippine Sea Ma'am?
09:17Well, sa ngayon yung track po niya or yung extension nito nakakaapel pa rin sa Western section ng Luzon, Visayas at Mindanao.
09:26Nagkokos pa rin ito ng mga pag-ulan sa Sambuanga Peninsula, Western Visayas, Pengros Island Region,
09:31Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Palawan, Occidental Mindoro, maging sa Oriental Mindoro at Romblon.
09:39Pero in-expect natin papalays o papalayo naman na itong LPA na ito lalo sa ating area of responsibility.
09:46So in the coming days, improving weather na ang in-expect natin sa majority ng mga nabanggit natin yung lugar.
09:52At hanggang kailan po inaasahang may epekto itong LPA?
09:56Sabi nyo nga, in the coming days, pero mga ilang araw, ito ho bang weekend, magiging maulan pa rin?
10:03Yes, dito naman po sa northern section ng Luzon, particular sa Ilocos region, Sambales, maging sa Bataan,
10:11and possible pa rin ho ang ulan bukas dahil naman sa inaasah nating southwesterly wind flow.
10:18Ito namang LPA o trough ng low pressure area, possible na ang epekto nito hanggang today na lang.
10:23Maraming salamat, pag-asa, Weather Specialist Lori De La Cruz.
10:28Update naman po tayo sa pagkaka-aresto sa Timor-Leste kay dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Tevez Jr.
10:36May ulot on the spot si Sandra Aguinaldo.
10:38Sandra?
10:41Yes, Connie, nakakulong pa ngayon sa Ministry of Interior sa Timor-Leste si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Arnie Tevez.
10:53Ayon po yan mismo sa kanyang kampo.
10:55Kasunod yan ang pag-aresto sa kanya mula pa kagabi at sa tinutuluyan daw niya itong bahay sa dili na kabisera ng bansa.
11:05Ayon kay Attorney Ferdinand Topacio, Immigration Police, ang kumuha kay Tevez pati sa kanyang abogado roon.
11:11Ayon pa kay Topacio, naman handle pa umano ng mga pulis ang abogado ni Tevez.
11:16Sa ngayon, ayon kay Topacio, may abogado naman si Tevez sa loob ng compound ng Ministry of Interior.
11:22Si Tevez ay naharap sa multiple counts of murder sa Pilipinas matapos madawit bilang mastermind umano sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Ruel de Gamo
11:32at siyam na iba pa sa tahanan nito sa Pamplona, Negros Oriental noong March 2023.
11:38Sa isang press statement naman po ay sinabi ng DOJ na handa itong iwi sa Pilipinas si Tevez.
11:44Hinihintay raw ng DOJ ang hakbang ng Timor Leste kung idedeport ba si Tevez bilang undocumented foreigner o i-extradite.
11:52Wala daw legal document na natatanggap sa ngayon ang Pilipinas tungkol dito.
11:58At nakikipag-ugnayan po naman daw ang DOJ ng patuloy dito sa Timor Leste.
12:04Sa isa naman pong FB post, Connie ay sinabi naman ng kanyang anak na si Axel na kidnapping umano ang nangyari sa kanyang ama
12:11dahil wala o manong napakitang dokumento ang immigration police kung bakit siya kinukuha mula doon sa kanyang tahanan
12:18at iginiit din po ng kanyang anak na si Axel na legal ang pananatili sa Timor Leste nitong si Tevez
12:25dahil nalabanan daw niya sa korte yung kanyang extradition case.
12:30Mula dito sa DOJ, yan muna ang pinakahuling ulat. Connie?
12:33Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
12:35Samantala na is daw ni Pangulong Bombong Marcos na magtakda ng floor price sa palay
12:41para hindi malugi ang mga magsasaka.
12:43May ulat on the spot si Marise O'Malley.
12:46Marise?
12:51Connie, kaalis-alis lamang ni Pangulong Bombong Marcos dito sa NFA o National Food Authority Warehouse
12:57dito sa San Ildefonso, Bulacan, kung saan nga niya binisita yung dalawang warehouse dito.
13:02At dito rin ay pinakinggan ng Pangulo ang hinaing ng ilang mga magsasaka.
13:07At kabila nga dito, yung pakiusap nila na bilhin sana pati yung kanilang basang palay
13:13kasi sa ngayon ay tuyong palay lamang ang binibili ng National Food Authority.
13:19Pinangako ng Pangulo na tuloy-tuloy ang gagawing improvement sa mga pasilidad
13:23para mapagbigyan ang hiling ng mga magsasaka na mabili na ang kanilang basang palay ng NFA
13:29para kumita ang mga magsasaka.
13:30Gaya nga ng sinabi ko, ngayon kasi sila pa yung nagbibilad.
13:33Hiling ng mga magsasaka, bilhin ng P28 pesos per kilo ang tuyong palay na dating P24 pesos.
13:39P18 to P19 pesos naman yung basang palay.
13:42Bagay na pag-aaralan daw ng DA.
13:44At sinabi rin ng Pangulo na nais nilang mag-set ng floor price para hindi mabarat at malugi ang mga magsasaka.
13:49Pero binabalan si Paraw yung presyo ng pagbili sa mga magsasaka
13:53at yung presyo rin ng pagbibenta sa merkado.
13:56Nangako ang Pangulo na pararamihin pa nga ang mga equipment ngayong taon gaya ng pagbili ng mga dryer at mga rice mill.
14:03Pinangako din ang Pangulo na may iwan sa mga magsasaka ang kita, hindi sa trader para sila ay kumita.
14:08At next year, palalawakin pa raw yung mabibigyan o kung magka makaka-access sa 20 pesos na bigas
14:16kung sa ngayon ay nasa Visayas lang at sa ilang bahagi ng Mindanao.
14:20By next year daw, target na maibenta ng 20 pesos ang bigas sa buong bansa sa mga kadiwa stores.
14:28At yan ang pinakasariyang balita mula rito sa Bulacan. Balik sa'yo, Connie.
14:31Marami salamat, Mariz Umali.
14:33Ito po ang balitang hali. Bahagi kami ng mas malaking misyon.
14:36Ako po si Connie.
14:37Sasaman nyo rin po ako, Aubrey Carampe.
14:38Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan, mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
14:46Go for yung mabibigyan o kungkin dan lao.

Recommended